jump to navigation

Uno Enero 1, 2009

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Featuring: Ako!.
trackback

Nasobrahan ng kakapanood ng telepantasya ‘yung mga taong nagsasabing “sana araw-araw, pasko” or “dapat hindi lang sa bagong taon tayo nagbabago.”

Hindi naman puwedeng maging ganun eh.

Aminin natin… sa Disyembre lang nakaka-engganyong mamili ng regalo di ba?

Tapos nakakapagod ding maging mabait all-year. Walang taong ganun.

Tsaka tuwing magbabagong taon lang mas me “arrive” magtapon ng mga gamit na me sentimental value. Ang sarap kaya… parang ang luwag ng mundo pagkatapos ng general cleaning.

‘Yung media noche namin, simple lang — sopas, pansit at prutas.

Kami-kami na lang magkakapatid ang nag-initiate nung pag-inom ng red tsaka white wine para sosyal.

Pero wala namang kaso sa akin kung cup noodles pa ang kainin namin, masaya lang ako kasi kasama ko ‘yung pamilya ko sa pagtawid ng taon. Muntik na rin akong mag-bagong taon sa field (yep, ‘yung mga kumakaway-kaway sa end credits ng countdown na me mga pabati na staff… muntik na kasi kaming mag-shoot on location).

As expected, maraming nagfo-forward ng generic quotes tsaka mga linya sa bible… naa-appreciate ko naman ‘yung effort, kaya nga ang ginagawa ko ngayon, babatiin ko lang ‘yung mga nakaalalang bumati sa akin.

Maiba lang.

Wala naman sigurong magtatampo sa mga hindi ko tinext kasi quits lang kami, hindi rin naman nila ako binati.

Ang masarap sa bagong taon eh ‘yung ideya na parang me magbubukas ulit na bagong kabanata sa buhay mo.

Lahat naman tayo mahilig sa mga simbolo… sa ano mang material manifestations ng pag-asa… dun lang sa act ng pagpapalit ng kalendaryo, nakakakuha na tayo ng “patunay” na marami pang puwedeng mangyari.

Ang bad trip lang kapag sumapit na ang a-uno, ‘yung pagtatapos ng bakasyon.

Me trabaho na ulit ako bukas, pakiramdam ko, sobrang bit…

Mga Puna»

1. RJ - Enero 1, 2009

Sobrang bitin ba?! Hahah! o”,)

Buti ka nga naka-off sa work ngayon, kami rito hindi. …sa bagay nasanay na rin kami.

Happy New Year, Pinay Blogkaster!

RJs last blog post..Ang Aking 2008

2. prinsesa000 - Enero 2, 2009

happy new year lenggai…
buti ka pa nga nakapag bagong taon sa bahay
e ako andito ako sa opis nung pasko at bagong taon…
pag pala ganun di mo rin maiisip ang halaga ng double pay…

prinsesa000s last blog post..hapinuyir…

3. Lenggai - Enero 2, 2009

maswerte ako at me puso ang boss ko. hehe…

happy new year din!

4. dompy - Enero 5, 2009

hehe, guilty ako sa hindi pag-text sa yo.

hirap talaga pag walang load during the holidays. mas mahirap yung walang pambili maski pang-load…

happy new year, A.😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: