jump to navigation

Bella For Sale Enero 4, 2009

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Da Pet Lover, Featuring: Ako!, Shutter.
trackback

* Offer valid until January 11, 2008 ONLY

SHOW-TYPE PIT BULL FOR SALE, PURE BREED FOR 3K!!!

– Female, three months old

– Dewormed

– Already completed two shots (Corona Parvovirus Vaccine and Distemper, Infectious Hepatitis)

– Four more vaccines remaining (Leptospirosis and Parvovirus / combination / anti-rabies / anti-parvovirus)

* Interested buyer must be a certified dog-lover who’s ultra-patient and willing to buy dog food and bring Bella to the vet for her remaining shots.

* * For inquiries, please email me at aileenrae@gmail.com or leave a comment in this entry. Thanks.

* * * * *

Napakaraming paksa ang lumalangoy sa utak ko ngayon, pero ang laging lumulutang, ‘yung tungkol sa aso ko.

Putris, unti-unti na akong nagiging si Pinay DOGkaster.

Naaawa na kasi ako kay Bella.

Kaming dalawa na lang ni Analyn ang nagmamahal sa kanya.


Tuwing umaga, nagigising ako nang me nauulinigan na umiiyak na aso.

Si Bella.

Itinali na naman sa may gate dahil ninenerbiyos na ang Lola at Lolo ko na lumabas kapag nakawala siya.

Mahilig kasing maglaro, eh kapag nararamdaman niyang hindi ka relaxed at patumpik-tumpik ka pa sa harap niya, lalo siyang nae-excite at tatalunin ka niya.

Tapos kanina, umuwi ako ng pasado alas-otso ng umaga.

Galing ako sa editing kaya wala pa akong tulog.

Magbibihis na sana ako sa banyo nang biglang nagkagulo sa me sala namin.

Si Bella, nakapasok.

Hinabol ‘yung isa pa naming tuta, si Bono, isa border collie.

Alaga ng bunso kong kapatid si Bono kaya ganun na lang ang sigaw niya nung makitang hinahabol ng pitbull ko ang border collie niya.

Pababayaan ko na sana sila kasi akala ko, keri lang naman ang sitwasyon, pero napalabas ako nung naging marahas na ang sigaw ng Papa at Mama ko (as usual, si Mama ang mas hysterical).

Sa tunog eh akala mo, pinapatay na nila si Bella kaya bigla akong napalabas ng banyo. Nakita kong buhat-buhat ng kasambahay namin si Bella, saka inilabas sa pinto.

Halos murahin ng bunso namin si Bella. Pairap niya itong pinagagalitan habang yakap-yakap niya si Bono.

Paglabas ko, dinig naman ang boses ng Lola ko sa kabilang bahay. Galit na galit siyang tumawag sa Tito ko para ipaalala na dapat na nitong kunin ‘yung pitbull.

Masyado na raw “nagwawala.”

Dalawa na lang ang option na natitira para kay Bella: una, ang maibalik siya sa nag-breed sa kanya. O ipamigay na lang ng Papa ko sa tauhan niya.

Alam ko namang kaya nilang mahalin si Bella ng tapat… pero pure breed ‘to. Hindi naman basta-basta ang pagpapalaki rito. Pumunta nga ‘yung asawa nung tao niya nung isang araw sa bahay para humingi ng pambili ng pagkain, alangan namang unahin pa nila ang pampabakuna nung aso sa pang-gatas ng anak nila?

Magiging hassle lang sa kanila si Bella.

At kapag lumaking rabid ito, pupusta ako, hindi na aabot ng isang taon ang alaga ko… pulutan na ito.

Halos isang oras akong tumambay sa tabi ni Bella. Nakakadena na ulit siya, pero ngayon, mas malapit na sa pinto ng bahay namin. Hinahagisan ko siya ng dogfood sa kama para kumalma. Kung minsan, hinihimas-himas ko rin.

Pumasok lang ulit ako nung sobrang bigat na ng ulo ko.

Masama palang kumbinasyon kapag pinaghalo mo ang pagod at puyat sa helplessness na nararamdaman mo. Alam mo kasing kahit na anong mangyari, unti-unti nang lumiliit ang espasyo sa tahanan ninyo para sa isang malikot pero malambing na tuta na tulad ni Bella.

Gusto kong panindigan si Bella, pero sabi nga ng mga tao sa amin, paano na kapag nasa shoot ako? Lagi ring nasa trabaho si Analyn. Ang madalas natitira sa bahay, ‘yung mga taong ayaw sa kanya.

Ayoko nang malungkot ang aso ko.

Sa January 6 matatapos ang taning ng San Lazaro sa kanya.

Apparently, pareho pa silang matino ng Lolo ko so malamang wala siyang rabies.

Hihingi ako ng limang araw na palugit bago ibigay ng Papa ko sa tauhan niya si Bella. Baka sakali lang naman, may makakita sa post na ito na mas deserving at willing na owner.

Sa halagang tatlong libo… babawiin ko na lang ‘yung ginastos sa gamot at sa vet.

Mga Puna»

1. Bella For Sale « ANG PINAY BRODKASTER - Enero 4, 2009

[…] Click here for more info. […]

2. Bella For Sale « Mga Nilay-nilay ni Lenggai - Enero 4, 2009

[…] For more info, click here. […]

3. bluepanjeet - Enero 4, 2009

pinamigay ko na yung pittbull ko hehe. Beagle at mga askal na lang andito

Inihaw, Kapatid babati lang ako sayo at ngayon lang ako natapos sa aking blog. naglipat kasi ako ng server.

May you and your family have a very blessed Christmas (actually pasko pa) and may the Lord guide you through this new year.

All the best in 2009!

Pax et Bonum

bluepanjeets last blog post..My Christmas Message and the Nativity Story (Full Movie)

4. Pilar - Enero 4, 2009

awww😦 msyadong marahas po ata kasi talaga ang nature ng pitbull. kung ganyang environment sa inyo, like dito samin, di po talaga sya maaapreciate masyado. tama na rin po siguro yung decision nyo. at least kahit papano alam nyo yung kukuha sa kanya maaappreciate sya at maaalagaan ng husto.😦


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: