jump to navigation

‘Stig Enero 5, 2009

Posted by Lenggai in Kritiko/Panatiko, Lipad-isip.
trackback

Bakit me mga taong nagiging sobrang astig lang kapag naging survivor sila ng katakut-takot na chemo?

O di kaya eh nakipag-ONS… tapos nahawa ng HIV… ayun, role model na.

Me mga gumagaling bigla sa sports o di kaya sa arts kapag kulang-kulang na ‘yung mga parte ng katawan nila… o mas pinupuri at pinaparangalan kapag patay na sila.

Napaisip lang ako pagkatapos mapanood ‘yung music video ng isang kilalang emo group.

Lahat nung mga kasama sa video, cancer survivors.

Wala naman akong problema sa mga nagbibigay-pugay sa mga me sakit o sa mga nakaalpas na rito… ibang klase nga naman ‘yung mga pinagdaanan nila.

Ang sa akin lang, kelangan ba talaga ng masamang pre-cursor sa buhay natin para lumabas ‘yung mabuti?

Mas mahirap ba talagang maging sobrang astig habang ika’y normal pa at ordinaryo?

Mga Puna»

1. RJ - Enero 6, 2009

Wow! Gustung-gusto ko ang sinabi n’yo sa dalawang huling talata!

RJs last blog post..My Brother’s Keeper

2. miss choi - Enero 8, 2009

Korek ka dyan. Matagal ko nang naiisip yan eh. Hindi naman sa minamaliit ko yung mga cancer survivor na (lalo na pag bata) may painting/novel/christmas card/action figure etc. pero minsan naiisip ko, kung sa merit lang eh mabibigyang-pansin kaya sila? Bumebenta pa rin kasi talaga yung “kawawa” factor. Totoo, bilib ako sa survivors. Hindi biro ang magkasakit ng cancer o maputulan ng limbs. Kaso hindi naman ako bilib sa mga kumpanya na parang sinasakyan yung kuwento ng isang tao para lang makabenta. Parang gusto kong i-blog to.

miss chois last blog post..Chala! Head Chala!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: