jump to navigation

Adieu, Bella! Enero 7, 2009

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Da Pet Lover.
trackback

UPDATE: Walang gustong bumili kay Bella.

Kaya ngayon, ipinamigay ko na lang siya.

Sa officemate ko.

Libre.

May dalawang lalaking pitbull daw ang GF niya, so malamang eh mas me karapatan silang mag-alaga ng ganitong breed.

Napilitan na ako. Kahapon kasi, kukunin na raw siya dapat ng tauhan ng Papa ko.

Wala pa nga ‘yung January 11 na palugit, kukunin na?

Eh kating-kati nang idispatsa nung Lolo’t Lola ko si Bella. Keber na kung sa squatters’ area siya mapunta.

Dali-dali ko tuloy tinawagan ang Tito ko. Tinanong ko kung puwede pa bang isoli sa nagbigay sa kanya ‘yung aso, OK lang daw kaso parang nagtatampo na ‘yung nagbigay sa kanya.

Biruin mo nga naman, ‘yung unang binigay niya, tahimik masyado, so pinalitan nila ng masayahin… si Bella. Nung napalitan naman ng malikot, nasobrahan. Eh hindi naman ito grocery item na kapag defective eh me return policy.

Regalo ‘to, parang sinabi mo na rin sa nagbigay: “Ang sagwa pala ng regalo mo, ayoko na, puwedeng isoli?”

May lakad ako ngayon, kukunin ko ‘yung pinagawa kong telepono sa SM North (isa pa ‘yan, ke bago-bago, me sabit! Next time, hindi na ako kukuha ng Symbian!), hindi ako makaalis kasi kailangan kong i-turn over ng personal sa ka-opisina ko si Bella.

Pinaliguan ko ng mag-isa ‘yung aso. Binuhat-buhat. Hinaplos-haplos. Pinatulog.

Dalawang araw na akong amoy aso sa kakakalong sa kanya.

Muntik pa nga akong makagat nung minsang nakikipaglaro siya. Naaalala ko pa ‘yung dampi ng ngipin niya sa legs ko, buti na lang mas mabilis ako at nasakal nasaway ko siya agad.

Hindi ko na nga lang siya malitratuhan kasi wala akong telepono ngayon, pero ok rin lang.

Ang dami ko nang litrato niya.

Tapos na akong mag-drama tungkol sa aso ko. Dapat kasi hindi ko na siya kinuha nung una pa lang. Kung gusto ko rin lang ng pantapal sa mga taong dinispatsa ko sa buhay ko, hindi pitbull ang solusyon.

Panatag na rin lang ako kasi at least, dun sa pupuntahan ngayon ni Bella, maraming boys.

Yun lang… buti pa siya, may boys.

Mga Puna»

1. Pilar - Enero 7, 2009

at least you know magiging okay si Bella sa kanila.. she’ll be taken care of🙂 be happy🙂

Pilars last blog post..KULTO

2. kurokuro - Enero 8, 2009

sinong nakakuha kay bella? si stephen?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: