jump to navigation

Pagpapakilala Enero 11, 2009

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Featuring: Ako!, News Flash!, Story! Story!.
trackback

“Hi! (abot ng kamay), Lenggai (makikiramdam saglit kung gaano kahigpit dapat ang pagpisil… pisil). Ako si Pinay Blogkaster. Nice to meet you!

Para ka lang nakikipag-EB.

Ganyan ang nai-imagine kong eksena noon kapag nagsusulat ako ng entry. Best foot forward at kung minsan, pasikat pa nga sa pagbirit ng paksa… mas sensational, mas maganda… ganun ang style para dumami ang hits.

Kahit noong wala pa akong dotcom, hindi ko naman itinago ang aking propesyon.

Isa akong media practitioner.

Sarap pakinggan ‘no?

Taga-media. Brodkaster.

Malamang marami pa nga ang naintrigang basahin ang blog ko kasi ang catchy ng ibang topic: tungkol sa mga pangyayari sa likod ng camera at kung minsan, me tsismis pa. Parang Showbiz Central na me halong Maury.

Interesante kung tutuusin. Lalo na nung mga unang 50 entries ko. Nahahaluan ko pa nga ng patawa kasi sa ganung topic medyo mabilis ang isip ko eh — sa kalokohan.

May mga nagsabi noon na astig ang blog ko… na inaabangan nila ang bawat bagong posts ko.

Salamat. Nakakataba ng puso, pramis.

Kung sana nga lang, nararamdaman din ng boss ko ang excitement at anticipation na nararamdaman ng readers ko sa tuwing nagpapasa ako ng script, malamang eh mas mataas na ang suweldo ko.

Ang ganda ko rin siguro noon?

Maraming gustong makipagkaibigan kasi akala nila magiging artista sila kapag close kami porke taga-media, sikat… may ganung dating eh no? Tapos me mga nagco-comment pa nga noon para mapansin lang ang thread nila.

Katawa.

Pero nung nag-dotcom na ako, unti-unting kumonti ang hits ng blog ko.

Naihiwalay na nga ang balat sa pinagtalupan… I’m no internet celebrity. At hindi lahat natatawa o nakikisimpatiya sa opinyon ko.

Kaya kong humabi ng salita, pero hindi sa lahat ng pagkakataon, kasya sa lahat ang mga sentimiyentong pinagtatagni-tagni ko.

Pero ta*na, wala akong pakialam!

Wala nang kaso sa akin kung mababa pa sa sampu ang nagbasa ng blog ko sa araw na ‘to, ang lakas naman ng loob kong manumbat eh hindi rin naman ako madalas mag-bloghop ngayon. Kung tutuusin, ‘yung mga talagang binabasa kong blog, sa Google Reader ko na lang sinusundan.

Gusto ko sanang karirin ‘yung pagsusulat ng “pamatay” na entries tungkol sa pagpupuyat at mga nakakasalamuha kong artista… kaso limitado ang mga puwede kong ikuwento tungkol sa trabaho ko.

Marami rin siguro ang nagka-crush sa imaheng binuo ko para sa isang perpektong TV producer: on-the-go, mautak, palaban, astig.

Kaso hindi naman ako palaging ganun sa totoong buhay.

Ang sarap din sigurong makipagkaibigan gamit ang pen name?

Sana kaya ko ring ipuwesto ang sarili ko sa sitwasyon na nakalantad na ako pero nakatago pa rin.

Mahirap mag-maintain ng image. Ayoko nang mag-maintain ng image.

Babae ako. Ordinaryong empleyado sa isang pribadong kumpanya. Walang special powers.

Uulitin ko…

Hi! (abot ng kamay), Aileen (makikiramdam saglit kung gaano kahigpit dapat ang pagpisil… pisil). A! na lang para mas madali. Nice to meet you!

Mga Puna»

1. fjordz - Enero 11, 2009

ayos lang na mababa ang hits. Ayos lang na halos wala nang nagbabasa ng blog. Ang mahalaga, ikaw pa rin yun.

Ako nga, hindi na personal (as in uber personal) ang sinusulat ko. Mostly mga activities na inaantendan ko. or paid advertisements. o invitations. kasi masyado ko nang ibinuyangyang ang buhay ko sa madlang people.

pero from time to time, bumabalik pa rin ako sa ako. Sa pagiging isang normal na tao na may pakiramdam at nakikialam. Lumalabas pa rin sa Hiraya ang tunay na Hiraya. Pero hindi ko na ibabalik ang Hiraya na gaya ng dati – mas personal, mas may damdamin, mas emosyonal. Dahil ayaw ko nang doon lang nakadepende ang emosyon ko. Gusto ko, buhay ako – iyong nalulungkot pero kaya pa ring tumawa. Gets ba?

Ang gulo ko talagang magkwento. Ayun lang! Sa uulitin!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

fjordzs last blog post..President Barack Obama Inaugural Pins on sale!

2. Pilar - Enero 11, 2009

hi ate. hehehe. okay lang yan, tayo tayo nalang maghits-an. ang blog naman ay para sa sarili mo. para mailabas mo yung mga nararamdaman mo. may maishare ka sa mga tao. for me kasi therapy ko to e. hindi ko kasi pwedeng itago ng sakin lang ung mga emosyon ko kasi… from my name itself… i’m a cutter… gets? kaya kahit walang magbasa, wala akong pakealam dahil para sakin naman itesh…

don’t worry.. isama mo na ko sa 10 hits na yan…🙂 i’m not going anywhere..🙂

Pilars last blog post..SICKNESS & KARMA COMBINED

3. mimi - Enero 11, 2009

Happy new year, A!Isa lang naman ako sa mga masugid na nag-aantabay ng bagong entry mo–mula rito sa puso ng Maguindanao. Ingat lagi!

mimis last blog post..9th Hinugyaw Festival

4. Tita Cezh - Enero 12, 2009

Hi! Aileen,
Dito sa Europe pag nagpakilala ka automatic na inaabot ang kamay at nag shake hands,eye contact to the other person habang sinasabi mo ang name mo.Pag hindi mahigpit or firm ang shake ng hands mo at hindi ka naka pag eye contact, they will regard you something like walang modo or?? Kaya nga ang mga puting lahi tinatanong bakit ang mga filipino hindi nakatingin sa tao or basta lang inabot ang kamay pag nagpakilala. When you meet people like that, then you know kung ano ang character nila, why bother??

5. miss choi - Enero 14, 2009

Wala ring nagbabasa ng blog ko, pero okay lang yun dahil nung magsimula ako sa pagba-blog (at malamang ganun din ang scenario sa yo), hindi naman notoriety o fame ang habol ko kundi yung makapaglabas lang ng kauratan sa buhay.
Syempre paminsan-minsan masaya pa rin yung may sumasagot sa yo para hindi ka parang baliw na nakikipag-usap sa wala. Pero personally mas gusto ko pa yung tipong binabasa talaga ng mga tao yung sinulat ko at nagko-comment dahil nakarelate sila, hindi dahil gusto nila ng hits o linkback or whatever🙂

miss chois last blog post..A Message for Mr. Dela Cruz


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: