jump to navigation

Relapse Enero 16, 2009

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Barag-baragan, Boo!.
trackback

Napakaraming puwedeng magkamali sa katawan ko ngayon at kung iinom pa ako ng isa pang tableta — isa pang isinumpang tableta — ng Biogesic o Tuseran o Alaxan FR… pakiramdam ko, mabibingi na ako.

O puwede rin akong atakihin sa puso.

Hindi ko alam.

Mabilis ang pintig ng puso ko ngayon, para akong hinihingal pero wala naman akong ibang ginawa kungdi:

…natulog (alas-sais ng umaga ako nakauwi sa bahay, alas-siyete nakahiga sa kama)

…nag-internet (nagising ako nang pasado ala-una, tumawag ang kaopisina ko, pagkatapos, humiga ako’t nang sinubukan ko uling hulihin ang antok ko, me kung anong naalog sa sinus ko at biglang bumara na naman ang naninigas pa na sipon sa ilong ko)

…at kumain ng nido soup (wala akong ganang kumain ng mamantika kapag me sakit ako).

Nasa unang lebel pa lang ako ng ubo’t sipon ko.

Alam ko, dahil makati ang lalamunan ko pero kapag huhugutin ko na ang ubo ko, walang lumalabas na dahak o anuman. Ito ‘yung tipo na kapag bumuwelo ka, me tono na parang hinihika, masakit sa dibdib at kapag pinakawalan mo sa opisina, dalawa lang ang puwedeng maging reaksyon ng makakarinig: pandidiri o awa.

‘Yung sa sipon ko naman, siya ‘yung tipo na kasisinga mo pa lang, me follow-up na kaagad. Ang nakakainis pa rito, lalabas na ang utak mo sa sobrang lakas ng pagsinga mo, ang resulta eh para ka lang bumahing sa tissue.

Mas mainam pa kung kumuha ka ng isang pirasong tissue… iniikot-ikot mo sa mga daliri mo nang pahaba at patulis, tapos sinundut-sundot mo sa ilong mo, hanggang sa mapabahing ka…

Ang sarap!

Pero sa kaso ko, masakit sa dibdib.

Ilang beses ko itong ginawa sa opisina kanina… at sa tuwing lumalabas ako ng banyo, natatawang naaawa ‘yung mukha nung guwardiya sa tuwing papasok ako sa editing.

Alam niya sigurong pinilit kong suminga dahil sa sunud-sunod kong pagbahing.

O baka naaaliw siyang makita ang pulang-pula kong mata at pulang-pula na ilong.

Hindi talaga hiyang sa akin ang kumbinasyon ng stress at lamig ng panahon.

O puwede rin naman na pinarurusahan ako ngayon ng diyos.

Maano ba namang nagyayaya ng part two nang sulit pero bitin pa rin na EB si Az sa Ortigas mamayang gabi?

Maano ba namang maaga akong matatapos sa trabaho ngayon at may posibilidad talaga akong makahabol?

Maano ba namang masarap makipag-inuman sa mga panahong ganito dahil malamig at may pera ako… and did I just mention?

Malamig.

Maano ba naman di ba?

Alas-singko na at tumunog na ang alarm ng telepono ko. Kailangan ko nang bumalik sa opisina.

Hindi man ako maka-gimik sa gabing ito, alam kong may tungkulin akong dapat gampanan: tapusin ang eereng segment bukas…

At sa aking mga pinakamamahal na kaopisina:

Spread the virus… este, love… spread the luv.

Mga Puna»

1. Pilar - Enero 16, 2009

nakuuuu ate lenggai.. madaming tubig (tubig at hindi laklak) at vitamin C dapat ang katapat nyan. siguro dahil sa panahon… ingat lang po…

on sekand tot, pede rin ang hard… para matunaw ang plema sa dibdib mo…😀

hihihii… nasa sayo yan!😀

Pilars last blog post..NANINIWALA KA BA SA HULA???

2. jeniffer - Enero 17, 2009

alam mo bang ang alaxan ay nakakapagdulot talaga ng palpitation dahil yun ang kanyang side effect.. kaya medyo dapat hinay hinay sa paginom ng gamot lalo na kung wala namang prescription ng doktor..

3. Lhay - Enero 17, 2009

Ito na pala yung napag usapan sa Plurk last time, hehe

4. Louie Jon Sanchez - Enero 17, 2009

Sister, up na ang aking site. Pakibago na lang ang link ko. http://louiejonsanchez.com.

5. yuri69 - Enero 17, 2009

ate, hindi ka pwedeng mabingi… OS lang ang nabibingi… yang sakit mo, kulang lang yan sa… sa… sa…

hamo, bibigyan kita… marami akong prospect ngayon… hehehe!

jowkjowkjowk!

neway, pagaling, pagaling, pagaling ka!
😀

yuri69s last blog post..Virtual Loser

6. Jon Cabron - Enero 17, 2009

.. kaya ko kinansel ang lakad dahil sa kalagayan mo. hindi kaya ng konsensya ko na palabasin ka pa sa ganyang kalagayan.

tnxbye,

7. Tita Cezh - Enero 18, 2009

Aileen, magpa acustate ka ng lungs mo kay Tito Kits mo, baka may pulmonya ka na or talagang sipon ns ayaw lumabas. Drink lots of H20 with kalamansi, dahil lemon nagaalis ng mga lumot/plema sa lungs. Cook water with salt, pag malaming na ang water gawin mong nose drps para matanggal ang mga bakteria, huwag kang suminga ng malakas baka magkaroon ng hole ang eardrum mo, mas mahirap.Ask lola for omega 3 kapsel,take 2 tbls a day.Huwag kang magtake ng too much tablets or if you need one take bisolvon para magluwag ang mga plema,wat you need more ay rest,after 8 days pababa na ang mga symptoms.Kung nasa opis ka mahawahan mo ang iba, well that’s their risk.

8. antuken - Enero 18, 2009

naco, yan ang pinakamahirap sa lahat. ang may sipon ka na tapos may ubo pa. masakit sa tenga (dahil napapa-sobra sa singa), masakit sa dibdib at masakit sa ulo. water therapy lang ang mairerekomenda ko. more than any gamot, sabi ng lolo ko (na doctor actually), it’s the best way to get rid of sipon.

i have friends say na pantanggal daw ng sakit ng ulo at baradong ilong ang sex. ewan ko lang kung true. hehe. di ko pa na-try.

antukens last blog post..bed-weather day again!

9. paolo - Enero 18, 2009

spicy foods daw pang alleviate the clogged nose. may nag-suggest na ba ng vicks sa paa? hihi.

get well soon =)

paolos last blog post..Inkheart Sequels Get Inked

10. watusiboy - Enero 18, 2009

hinay hinay lang po sa trabaho para di masyadong magkasakit🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: