jump to navigation

Si Bono Enero 18, 2009

Posted by Lenggai in Da Pet Lover.
trackback

Si Mama, hindi puwedeng maging miyembro ng PAWS o PETA.

Galit kasi siya sa hayop.

Nagsimula kay Bella. Ngayon naman kay Bono.

Isa sa mga rason kung bakit ayaw niya rito — ginagawa raw kasing higanteng kubeta ang loob ng bahay:

“Mabuti pa ang aso, nakakatae sa sala, eh ‘yung tao nga hindi magawa ‘yun!”

Paulit-ulit niya itong sinasabi sa tuwing pinapasok namin sa gabi si Bono.

Paulit-ulit ko rin namang sinasabi sa kanya na hindi tamang pagkumparahin ang toilet habits ng aso at tao.

At saka walang dahilan para magbawas ang tao sa sala.

Mabuti’t marunong na si Bono dumimi’t umihi sa diyaryo.

Pero hindi impressed si Mama.

Patuloy ang kanyang paniniwala sa pilosopiya ng kubetang sala… at itinigil ko na ang pagrarason, para lang naman ‘yang pagtatalo kung sino ang nauna: ‘yung manok o ‘yung itlog?

Cute naman si Bono, lalo na kapag behaved at bagong ligo.

Nakakabuwisit lang siya kapag malikot.

Hindi ko alam kung anong meron sa legs ko, pero paborito niya ‘tong kagatin.

Buti na lang, hindi pa nagsusugat kasi hindi pa masyadong matalas ang ngipin niya.

At saka may ginagawa ako kapag ayaw niyang magpaawat sa pagkagat ng binti ko…

Sinasakal ko siya.

Hindi naman sobrang higpit… ‘yung tama lang, ‘yung tipong madadala siya.

Pero nadala ba siya?

Hindi.

Ayoko sanang maging emotionally-attached sa asong ‘to. Pero mapagmahal naman siya maski papaano…

At pinagkakagastusan na rin namin…

More or less, tanggap na siya sa pamilya (maliban kay Mama), so, we’ll see.

Hindi naman nagla-lock jaw ang border collie kaya sakaling gawin niyang higanteng teether ang legs ko, madali lang naman ang solusyon…

Sasakalin ko siya.

Mga Puna»

1. The Gasoline Dude - Enero 19, 2009

Hangkyut naman ng outfits ni Bono. Meron ba kayong maid? Nanay ko kasi ganyan din. Madali siyang mairita kapag me dumi sa bahay kasi usually siya ang naglilinis dahil wala naman kaming maid. Maselan kasi ang mga Nanay pagdating sa bahay.

The Gasoline Dudes last blog post..Wild Wild Wet Experience

2. kurokuro - Enero 19, 2009

hangkyut na nga niya. (nakigaya sa hangkyut?) haha. wala na akong aso ngayon. iniwan ko sa tondo eh. bawal sa condo. salamat sa lampara!

kurokuros last blog post..may dream for sale. and i bought it.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: