jump to navigation

The Curious Case of Ben Bote Enero 22, 2009

Posted by Lenggai in Luvvvvv!!!.
trackback

Itago natin siya sa pangalang “Ben” — kulot. Kulay Cadbury. Hugis-bote.

Kung tutuusin, hindi ko naman talaga siya dapat mapapansin kasi hindi ako mahilig sa punggok — 5’4″ siya. Maliit para sa isang lalaki.

Mas bata rin sa akin si Ben.

Tatlo? Apat na taon?

Kahit hindi naman naging hadlang para sa akin ang edad, maraming mga bagay sa buhay ko ang kailangan ng nakatatandang pag-unawa at dahil dito, walang puwang sa puso ko ang sino mang lalaki na ang utak eh hindi pa gumagradweyt ng hayskul.

Normal na umiikot sa walang kawawaang axis ng trabaho-barkada-bahay-pamilya ang aking mundo… at ang aking lovelife?

Kalunus-lunos.

Humaling na humaling ako noon sa isang panaginip.

Nagbago lang ang lahat nung minsang naisipan akong silipin ni Ben sa aming cubicle.

Si Ben na bagong gupit noon at naka-polo na light blue. Pang-D.I.

Nagkakabiruan ‘ata kami nun ng mga kaopisina ko. Nakalimutan ko na ang topic. Basta nagkakaasaran lang at ako ang bumabangka. Naaaliw siya sa mga banat ko at dahil hindi naman kami normal na nag-uusap, hinayaan ko siyang makisawsaw sa excitement.

In fairview, nakakaaliw din siya at mabilis mag-isip. Bigay na bigay ang tawa ko sa bawat ayuda niya ng hirit na pamatay.

Humupa ang lahat at hiningi niya ang cellphone number ko.

Binigay ko… sa isang kondisyon — ayoko ng sex jokes. Totohanin na lang namin kako.

Siyempre, biro lang ‘yung huli. Hindi naman ako ganun ka-pokpok.

Natawa si Ben.

Nagpaalam siya… kumaway… tumitig sa akin… three seconds, tapos… kinindatan niya ako.

Kinindatan niya ako!

Kung lalaki ka at alam mong maganda ang mga mata mo… huwag na huwag mong kikindatan ang isang babae… lalo na kung dalaga.

Pero nangyari na.

Ang taon ay 2006. At ako ay in lab!

Madalas kaming magkasama ni Ben.

Lunch. Meryenda. Dinner… nakasama ko rin siya sa trabaho.

Kakuntsaba ko ang boss ko at hindi lang miminsan na naging mag-tandem kami.

Ilang beses, naiiwan kaming dalawa sa loob ng maliit at malamig na editing bay. Walang manyakan na naganap, pero nagkakalkalan kami… ng buhay.

Napunta minsan ang usapan sa kung me posibilidad ba siyang pumatol sa bading.

Walang patumangga… sinagot niya ako ng “OO.”

Oo?!

Mahirap daw ang buhay at alang-alang sa pera… papatol siya sa bakla.

Signos na sana ‘yung sinabing ‘yon ni Ben para umiwas ako.

Pero nilunod ng macho niyang pabango ang lahat ng aking agam-agam. Gustung-gusto ko sa tuwing pinupuno niya ang hangin ng kanyang mumurahin pero amoy-mayaman na musk.

Mas lalo ko pang napansin ang kanyang matipunong katawan. Mahilig siyang mag-fitting na T-shirt. Hindi baby tee ha, pero ‘yung tipo na kapag suot mo eh yumayakap sa muscle at abs.

At kahit nga naka-disenteng polo siya, labas na labas ang hubog ni Ben.

Perpekto na sana ang lahat.

Kung hindi lang siya bumaho.

Oo. Bumaho.

Alam niyo naman kung gaano kauso sa industriya namin ang mga nag-oovernight at hindi naliligo kapag lubog sa trabaho.

De-aircon ang opisina namin, pero para sa aming mga nagfi-field, kailangan mo ng extra effort para manatiling amoy-tao.

Isang madaling-araw, nagkulang sa effort si Ben.

Nawalan ako ng limang libo nung araw na ‘yun sa editing bay at naiiyak na ako sa inis. Nakakakilig sana ang tagpo nung araw na ‘yun dahil yayakapin na niya ako bilang pag-alo… pero umiwas ako.

Amoy-baktol si Ben. Baktol na pilit pinatungan ng machong-macho niyang pabango.

Sabihin niyo nang superficial, pero maselan ako pagdating sa amoy.

Pagkatapos, nagbakasyon siya.

Sa text na lang kami madalas magkausap. Sa text niya regular na kinukuwento ang kanyang araw. Kung gaano niya ako ka-miss.

Hanggang sa nag-I love you siya.

Hindi ko sineryoso.

Tapos, tinawag niya akong “beybi.”

Punyeta. Hindi ba niya alam na nandidiri ako sa pet name na ‘yun?

Kumportable na siyang magkuwento sa akin ng kahit ano. Sobrang kumportable, kasi pati sex life, kahit hindi ko itinatanong, ikinukuwento niya… kung naka-ilan daw siya nung araw na ‘yun, kung paano niya ginawa…

Kadiri.

Tuluyan nang pinatay ng mga kuwento niya tungkol sa wet and wild afternoons ang ano mang paghanga na nararamdaman ko sa kanya.

Hindi pa man ito nagsisimula, natapos na ang aming love story.

Lumipas ang tatlong taon… at kanina, nag-PM sa akin ang isang kaibigan.

Friend: Tangina tong si Ben. Nililigawan yata ako.

Lalaki si Friend.

Basta ang pinag-uusapan — lovelife. At ang kawalan nila nito.

Tinanong ni Friend kung me irereto ba si Ben sa kanya. Ang sagot daw ni Ben, kung magrereto na rin lang daw siya, eh di sarili na lang niya.

Napamura rin ako.

Pangalawang beses na raw itong naiungkat ni Ben kay Friend… minsan, tinanong daw siya nito kung anong opinyon niya sa same sex relationships?

Sinagot lang din niya ng isa pang tanong: tingin ba ni Ben eh bakla siya (si Friend)?

Hindi raw.

Tinanong ni Friend kung bakit interesado si Ben sa paksang ‘yun.

Ben: “Curious ako.”

Goodness.

Naalala ko bigla ‘yung isang gabi… noong 2006.

Katamtaman lang ang lamig at magkaangkla kaming naglalakad ni Ben sa madilim na kalsada pabalik ng opisina. Masarap ang kuwentuhan at nagkakaasaran. Maya-maya, dahan-dahan, naramdaman ko ang magaspang niyang kamay…

Si Ben. Hindi siya ang first love ko, pero muntik ko na siyang maging first BF.

Buti na lang at hindi natuloy.

Si Ben… ang crush ko na hugis-bote. Mahilig din palang tumungga sa “bote.”

Mga Puna»

1. Angel/kimchi - Enero 22, 2009

sya din ba tinutuloy mo sa plurk?😆 buti di naging kayo.

2. dompy - Enero 23, 2009

… wa akong masabi kundi OMG.

at ilang taon siya lumadlad? tell him to fix his hygiene practices, too, kundi bababa lalo ang kanyang market value.

tsaka nag-ILY siya sa yo? ibig ba’ng sabihin nun inakala nyang… lalake ka?!? joke!

dompys last blog post..Actions speak louder than words

3. kurokuro - Enero 23, 2009

ang kadiri niya friend. pati sex life kinuwento sa iyo. eeeww.

kurokuros last blog post..may dream for sale. and i bought it.

4. alas - Enero 23, 2009

mabangong tao lang ako pero hindi kagandahan ang katawan.

at yun ang dahilan kaya ayaw ko magpunta sa gym, maraming kagaya ni ben bote na may pasimpleng pickup line na “pre, spot na kita.” babanat pa ng “gaano katagal ka na ba nagwoworkout?” habang may papisil pisil sa braso.

tangnang mga baklang npa yan. hahaha!

alass last blog post..Obama, may natutuhan na kay PGMA

5. Pilar - Enero 23, 2009

HOMAYGAD ATE LENGGAI!!! buti nalang!!! tsk… sayang ang nasimulan nyo a! pero okay lang yun, at least nakilala mo syang maigi bago man maging kayo…😀 ehehehehe… naku naman….!

Pilars last blog post..IBA’T IBANG KLASE NG F***

6. miss choi - Enero 27, 2009

oh wow. panalo ka.

miss chois last blog post..Sartorially Yours

7. potsquared - Enero 30, 2009

oh my… ben si soooo kaka! buti naman naamoy mo siya agad.. in a non-literal kind of way.. ahh alam mo na yun.. syet!

potsquareds last blog post..ano ang mas bagay?

8. Basti - Pebrero 6, 2009

haha closet queen pala, tsk! natawa ako dun sa “Pang D.I.”
hahahah… baka na frustrate lang yun kaya natuluyan na…

Bastis last blog post..FACT you!

9. galadriel - Pebrero 7, 2009

sensya na, mahalay kasi akong tao. tsaka panay akong curious. kaya wish ko sana tinikman mo na rin. kahit minsan lang. just to have known what it woulda been like to have him. hehe.🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: