jump to navigation

The Boo Enero 24, 2009

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Lipad-isip.
trackback

Naalala ko ‘yung debut ko.

Ang sabi ni Papa, kung humiling lang daw ako ng kotse, malamang ibibigay nila sa akin ‘yun.

Dahil panganay ako at malayo ang USTe sa Novaliches, praktikal at magagamit ko ‘to.

Mura pa ang krudo noon at may espasyo pa sa garahe namin kaya walang magiging problema.

At dahil panganay ako sa lahat ng magpipinsan… maraming nagmamahal sa akin at puwede raw nilang pagtulung-tulungan ng mga Tito’t Tita ko ‘yung pambili.

Mas gugustuhin pa nilang bigyan ako ng kotse kesa sa magpa-party ako with all the gown, catering, mobile and stuff.

Mas lasting at mas astig ang epekto ng kotse sa buhay ko kesa sa isang gabi ng sayawan at kainan.

Pero dahil ako si Lenggai — lumaki sa paniniwalang ang first love ay matatagpuan sa iyong last dance…

…at ang 18th birthday ay tanda ng pagiging isang ganap na dalaga…

…siyempre, ipinaglaban ko ang sa tingin ko’y nararapat para sa panganay na apo ng pamilya Perez…

Pinili ko ang party.

Gaga di ba?

Kung puwede nga lang bumalik at kausapin ‘yung 17-year-old na Lenggai at ipakita sa kanya ‘yung napakalaking kabobohan ng desisyon niya!

27-year-old Lenggai: “Iha, hilingin mo na lang ‘yung kotse, seryoso, 10 years from now, wala ni isa sa mga inimbitahan mo ang makakaalala sa petsa ng birthday natin!”

17-year-old Lenggai: “Eh hello?! (uso pa noon ang Hello, hindi Haller!) Darating daw ang volleyball team! Makakarating sa bahay si Glenn! Imagine, ang last dance ko si Glenn!” (with matching kilig at heart-heart pa sa mata)

27 y.o. Lenggai: “Tanga! Akala mo ba magkakatuluyan kayo nung chickboy na ‘yun? Magiging girlfriend lang niya ‘yung ka-team niya na puro taghiyawat, tapos magiging bitter ka lang about it kasi hindi naman kagandahan ang gaga!”

17 y.o. Lenggai: (hindi maniniwala) “Pero ang guwapo-guwapo talaga ni Glenn! ‘Yung ganun kapoging lalaki, pupunta sa bahay mo, tapos magiging last dance mo… (tingin sa kisame, buntong-hininga) the memory is enough to last me a lifetime!”

27 y.o. Lenggai: “Ilusyonada! Walang bearing sa pagkatao mo ‘yang memory na ‘yan! After one year you’ll get over Glenn na and you wouldn’t believe kung kanino ka susunod na mai-in love!” (mapapailing at medyo kikilabutan sa memory)

17 y.o. Lenggai: “Ah basta!” (sisipating mabuti si older Lenggai) “And to think I grew up with a fat belly… no wonder I don’t even have a boyfriend! What was I thinking?!”

27 y.o. Lenggai: “Exactly my point! Iha, hindi mo alam ang mga posibilidad na nakalatag sa’yo kapag 18 years old ka… babae… at may kotse!”

17 y.o. Lenggai: (mapapaisip sandali, sabay iling) “Hindi! Ang kotse, mabibili ko anytime kapag may trabaho na ako, ang memories na makukuha ko sa debut ko, priceless!”

27 y.o. Lenggai: (matatawa sa katangahan ng kausap) “Bobo! Ako na nga nagsasabi sa’yo — 10 years from now, ni ipon wala tayo, asa pa you na may pambili ka ng kotse!” (magiging seryoso… titingin ng diretso sa mata ng batang Lenggai) “Nagmamakaawa ako… samantalahin mo na habang makakalibre pa tayo!”

17 y.o. Lenggai: (mapapaisip… iiling with matching pout pa) “NO!”

Isinisisi ko sa kakapanood ko ng Love Notes at kakabasa ng Danielle Steel ang kakulangan ko sa practical brain cells noong teenager ako.

Masyado akong gahaman sa good time at kaibigan noon.

Pakiramdam ko, umiikot ang mundo ko noon sa pag-ibig (AKO lang ang umiikot, to be exact) at barkada.

Na requirement ang party sa tuwing magbi-birthday ako para mai-share ko ang kasiyahan ko sa mga taong sa tingin ko, eh hindi ako bibiguin.

Makalipas ang sampung taon… nandito na ako sa puntong pinagninilay-nilayan ko ‘yung mga pinagkatandaan ko.

Not much, pero sa tingin ko, medyo natuto naman ako.

Hindi na ako masyadong mahilig sa gimik lalo na kapag hindi pa sumusuweldo.

Nakakatagal na ako sa bahay nang nakatapat lang sa computer, natutulog, nanonood ng TV o nagbabasa ng libro.

Hindi na rin umaabot sa beinte ang “bestfriends” ko. Kung hindi ko isasama sa bilang ang Tatay at kapatid ko… lima lang sila… kung tutuusin.

Silang mga natira. Silang mga salang-sala na.

At isa lang sa mga tunay kong kaibigan ang kilala ko na nung nag-18th birthday ako.

Sa maniwala kayo’t hindi, sa daldal kong ito, pagod na akong makipagkaibigan sa mga taong ni hindi matandaan kung kelan ka ipinanganak.

O partida na, makakalimutin din ako sa petsa eh… pero siguro, tama rin lang na basehan ng pagkakaibigan ‘yung mga taong makakausap mo sa panahon ng iyong kababawan?

Masama palang tumingin sa mga lumang litrato kapag madaling araw.

Saktong isang buwan na lang at unti-unti na akong hinahatak sa dulo ng kalendaryo.

Magbe-beinte otso na ako.

Hindi ko alam kung gaano kalaki na ang ipinagbago ko ngayong taon, pero sigurado ako, sa darating na birthday ko, wala nang party.

Mga Puna»

1. badoodles - Enero 24, 2009

masyado akong naapektuhan. nanginginig ang daliri ko sa panghihinayang habang nagta-type. tsk. isipin mo yung gaan ng makakauwi ako ng maayos at maaga dahil ipagda-drive mo ko pauwi? nawalang lahat yun lenggai?. [pailing iling].

di bale lapit na ang iyong HAFI BURFDAY LENGGAI! hehe.

badoodless last blog post..From Here to Paternity

2. libay - Enero 24, 2009

tsk tsk sayang yung car๐Ÿ˜›

libays last blog post..Litratong Pinoy – Kahel

3. jen - Enero 24, 2009

can’t blame the 17 y.o. lenggai sadyang minsan eh masarap magpabola..

cash naman ang inaalok saken non kapalit ng party

at oo, isa kong gullible, pinili kong mamroblema kung san ko itatago ang gown kong royal blue at kung sang baul ko ilalagay ang mga pictures na puno ng kabaduyan. nakakaemong balikan lalo na kung yung last dance mo eh nag asawa kagad 3 months after ng debut party mo. (langyang yon)

pakunswelo: memories are forever๐Ÿ˜‰

4. badoodles - Enero 24, 2009

at dahil kotse ang basehan ko ng pakikipagkaibigan, pasensya na pero sa tingin ko ay di ko na pwedeng ipagpatuloy ang pakikipagkaibigan sa yo. BWAHAHAHAH! [*parang anlakas kong tumawa lately? huh?] hapi bertdey ulit mare.๐Ÿ˜‰

badoodless last blog post..From Here to Paternity

5. kotsengkuba - Enero 25, 2009

don’t worry lenggai, sa february ka palang naman mawawala paglipas ng isa pang taon. mas maswerte ka kumpara sa milyon-milyong tao na kahit sa january at march ay hindi maituturo ang edad.

happy birthday, lenggai. next month๐Ÿ˜‰

kotsengkubas last blog post..Litratong Pinoy 0904 ยป Kahel (Orange)

6. antuken - Enero 25, 2009

natawa naman ako. i never had a party nung nag-debut ako. gusto ko sana pero sabi ng nanay ko gastos lang daw yun. she gave me a pair of earrings with a matching ring. mas maganda daw na alahas na lang kesa sa party. i wasn’t too thrilled with the idea of getting a set of jewelry instead of having a party. kaya lang holy week ata ang birthday ko nun. i also agreed, kse wala naman ako pinapantasyang lalaki na makakasayaw noon. at least, hanggang ngayon, nasa akin pa yung alahas. hehe. pag nagipit, pwede ko isanla (hahaha, sinasabi ko lang yun. wala ako plano isanla sya. hehe).

antukens last blog post..bed-weather day again!

7. Pilar - Enero 25, 2009

pareho tayo ate lenggai… i opted for a party… sabi sakin ng parents ko, perahin ko nalang para may ipon ako.. at dahil gustong magfakyut sa mga frens, ayun, party parin… tama yung sinabi mo na iilan-ilan lang ang taong makakaalala ng bday mo… bakit hindi ko ba naisip yun ano?๐Ÿ™‚ pero ang pricess sa debut ko, last dans ko yung boypren ko til now… sana pagdating ng huli, sya parin ang last dans ko…

*yikee, kilig*

Pilars last blog post..BLAST FROM THE PAST

8. kurokuro - Enero 26, 2009

lintek ka, hindi pa dulo ng kalendaryo ang bente otso no!

kurokuros last blog post..may dream for sale. and i bought it.

9. dompy - Enero 26, 2009

sa pagkakatanda ko e wala ako sa debut mo. at si glenn! naalala ko pa ang mga panahong nakikitambay ako minsan sa mga stalking moments mo. LOL!

lagi kong maaalala ang birthday mo… kasi ka-birthday mo ate ko. hehe!

don’t worry about turning 28… that’s not the worst thing that can happen to you. believe me…๐Ÿ˜‰

10. g - Enero 27, 2009

Kaya pag ang icocover natin Boy’s volleyball hindi ka nawawala at nalilito kung saan pupunta, me sense of direction ka!!! Pag matatandang beterano ang iinterviewhin di mo alam puntahan!

Sabagay eh gwapo naman talaga, tangkad pa, san ka pa?! Ayun nga lang 10 years passed, asan na sha? At di ko rin naalala ang debut mo! malamang sa library pa lang tayo nagkikita nito….

gs last blog post..Weekend Snapshot – Facade

11. miss choi - Enero 27, 2009

happy birthday!

baliktad tayo. yung mga magulang ko ang namimilit na magpaparty hahaha syempre ayaw ko. nagpalunch pa rin yung nanay ko sa grand total of 8 friends ko, pero hanggang ngayon hindi sya importanteng araw sa kin. hindi sya memorable.

sana nag-offer din sila sa kin ng kotse.

miss chois last blog post..Sartorially Yours

12. potsquared - Enero 30, 2009

tsk.. sinayang ni 17yo lenggai ang pagkakataon na maging cool dahil may sasakyan sya.. tsk.. at isa pang tsk… isa pa ng.. tsk…

potsquareds last blog post..ano ang mas bagay?

13. galadriel - Pebrero 7, 2009

wagi ang pag-uusap ng young and old lenggai. you are SO funny! tuwing dumaraan ako sa blog na ito, nagkakaroon ako ng mas magaan na pagtingin sa mundo.๐Ÿ™‚


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: