jump to navigation

Paparazzi Pebrero 8, 2009

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!.
trackback

Lagi na lang, tuwing may iinterviewhin kami na mahirap, may isa o dalawa diyan na mag-eexpect na magbibigay kami ng TF.

TF = Talent Fee.

Marami ang nag-aakalang porke kumikita ng milyon ang istasyon namin, pati kaming mga nasa field eh nagpapawis ng pera.

Hindi naman kami nagkulang sa paalala na HINDI kami ang mayaman.

HINDI kaya ng indibidwal na suweldo naming mamigay ng libreng scholarship mula sa STI.

At HINDI pinahihintulutan sa amin ‘yung bawat kibot nung iniinterview eh me bayad.

HINDI kami bumibili ng istorya.

HINDI uso sa amin ‘yun.

Kaya nga isipin niyo na lang ‘yung reaksyon ko nung isang linggo, me istorya ako tungkol sa buhay ng mga maiitim dito sa Pinas.

Habang pumipiga ako ng makabuluhang impormasyon mula sa case study namin na aeta, pilit sumasapaw sa audio ko ‘yung reklamo ng elder sa tribo nila.

…kesyo wala naman daw silang napapala sa mga nag-iinterview sa kanila kasi hindi naman daw sila natutulungan.

…istorbo lang daw kami kasi pare-pareho lang naman ang mga layunin namin — ‘yung makakuha ng interview sa kanila, tapos, tapos na.

Nagpanting ang tenga ko nung me marinig ako tungkol sa pera.

Ang dating kasi sa akin nung pagngangangawa niya eh sumisimple siya sa paghingi ng TF.

Hinarap ko siya.

“Tay, pasensya na po, sa News and Public Affairs po kasi kami, hindi po kami allowed magbigay ng pera sa interviewees. Bawal po sa amin ‘yun.”

Saka lang nilinaw sa akin nung kausap ko na nagba-blog lang pala si Lolo tungkol dun sa mga nanggaling na rin na reporter sa lugar nila.

Tipong gagamitin ‘yung kuwento nila para pumiga ng awa mula sa mga manonood, tapos ang kapalit eh paaasahin nila ‘yung mga katutubo na merong makakapanood nung shoot at tutulungan silang umahon mula sa burak ng kahirapan.

Marami rin daw na garapal na NGOs… kukunan sila ng interview at saka litrato, para raw sa mga sponsors.

Tapos iisa-isahin ‘yung pangalan ng mga katutubo sa lugar, papipirmahin sa isang patunay na residente nga sila sa ressetlement na ‘yun, pagkatapos aalis dala ang tiwala at pangako sa mga katutubo na: “Opo, pagbalik namin, ibibigay namin sa inyo ‘yung sustento mula sa mga sponsors natin mula sa (some first world country).”

Daraan ang isang buwan. Dalawa. tatlo. Hanggang sa nag-anniversary na.

Naging Presidente na si Obama, wala ni pisong napunta sa kanila.

Nagkaroon ako bigla ng simpatiya kay Lolo.

Hinayaan kami ni Lolo sa aming trabaho. Nagpa-interview pa nga siya sa akin eh (kaso na-cut na pagdating sa editing, kaya hindi na siya umere). Naki-second the motion din siya sa pag-didirek ko run sa apo niya na naging case study ko rin.

Natapos ang interview, lumipat naman kami sa kapitbahay nila.

Kinunan namin ‘yung mga gumagawa ng handicrafts.

Pagkasabi ko sa cameraman ko nung mga gusto kong shots, naki-CR muna ako run sa bahay nung isang konsehala run.

Pagkalabas ko sa garahe, ikinuwento sa akin nung konsehala kung paanong noong 2002, kinunan ng litrato ng isang grupo ng mga madre ‘yung hipag niya.

Kinunan daw ‘yung hipag niya ng litrato habang nagpapakain nung pamangkin niya.

For documentation purposes lang daw sabi nung madre.

Eh siyempre, madre ‘yun, kelan ba naging kaduda-duda ang madre?

Matapos ang ilang buwan, nagulat na lang daw ‘yung pamilya nila nang makita sa ilang fastfood tsaka malls ‘yung litrato nung mag-Tita.

Nakadikit daw dun sa mga Piso Para Sa Katutubo boxes.

Tinawag ko ang cameraman ko at ininterview namin ang mag-tiyahin na Aeta.

Photo by: L.Torre

Photo by: L.Torre

Naawa ako sa kanila.

Lalo na nung naiyak na ‘yung matandang babae.

Bakit daw ginawa sa kanila ‘yung ganun? Napakasakit daw para sa kanila.

Iniisip ko ‘yung logic kung paano nasisikmura ng ibang mga so-called NGOs ‘yung ganung klaseng kawalang-hiyaan.

Sabagay, iba nga naman ang dating kapag ipinronta mo sa mga puti ‘yung litrato ng mga akala mo’y naghihirap na Aeta sa Pinas.

Parang me stereotype na kapag maitim ka at uhugin = wala kang pangkain, nakakaawa ka.

Buti na lang talaga hindi ako mahilig maghulog sa mga donation box shitnitz na ‘yan.

At pagkatapos kong mapanood ‘yung Slumdog Millionaire, lalong na-reinforce ang paninindigan ko na hindi solusyon sa kahirapan ang pagbibigay ng limos.

Natapos ang interview namin nang umiiyak si Lola na Aeta.

Parang nakakailang lang na matapos naming pag-usapan ‘yung tungkol sa mga nanggoyo sa kanila na me dalang camera, eh heto naman ako’t pinagpopokus sila ng tingin sa lente ng camera namin.

Awkward, pramis.

Biniro na lang siya ng cameraman namin: “Ma’am, hindi naman po namin ilalagay ‘tong litrato niyo sa box… sa bote naman po.”

Tipid pero kita mong napatawa naman namin si Lola.

Gusto kong magbigay ng kahit 200 dun sa mga nakapanayam namin. Makakatulong din ‘yun kahit konti.

Kaso wala na kaming budget. At kokontrahin ko lang ‘yung sinabi ko na bawal sa amin ang magbigay ng pera.

Pag-alis ko, ipinagdasal ko na lang sila.

Pasensya na po, pero sa totoo lang, maganda naman po talaga ang intensyon namin sa pagpunta sa lugar ninyo. ‘Yun lang, hindi po kami nangangakong mapapaganda namin ang buhay ninyo. Hindi po sa amin dapat manggaling ‘yun.

Mga Puna»

1. dompy - Pebrero 9, 2009

i like the last two sentences. swak! pero sa kundisyon ng gobyerno natin ngayon… e ewan ko na lang talaga…😦

2. miss choi - Pebrero 9, 2009

Awkward. Hanggang san ba talaga dapat ang role ng media, di ba? Observer? Reporter? Activist?

Yung mga NGO naman, kapal na rin lang talaga. Naalala ko tuloy nung 3rd year college ako. Nangako yung prof ko nung seminar sa Taguig na tutulungan yung mga Muslim.

Walang nangyari.

miss chois last blog post..A Word with George Michael Bluth

3. antuken - Pebrero 10, 2009

grabe naman yung mga madre. buti na lang talaga ako di nagbibigay sa mga grocery/fast food chains ng change/barya sa mga lata-lata na yan. ewan ko ba, feeling ko kse nasan ang transparency na mapupunta nga yun sa mga sinasabi nilang beneficiaries nila? how do we check? andali kse magpost ng pics tapos direcho sa mga bulsa nila ang pera. being brought up a catholic, laging tinuturo na dapat tumulong. pero ang pagbigay ng limos ay hindi pagtulong. tinuturuan mo lang ang mga street kids/etc. maging tamad. besides, sa mga bata ba talaga napupunta ang pera o sa mga amo nila? we live in a sad sad world.

4. Cess - Mayo 21, 2009

How about naman yung mga matatandang bulag na kumakanta sa tabi tabi lalo na kapag malapit na ang pasko dumarami sila, nainterview ko ang isa sa kanila, from bicol siya then napadpad siya dito, pinanganak siyang bulag at ayun natutong manghingi ng pera sa pagkanta niya, meron na nga silang samahan kung san nila kinukuha yung gamit, gitara, box at iba pa. Ewan , minsan kasi nakakaawa na talaga yung mga taong ganito na parang walang magawa para mabuhay lang. hays… kakalungkot.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: