jump to navigation

The Eye Pebrero 9, 2009

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Featuring: Ako!, Shutter.
trackback

Hindi ba’t kapag may baby, ang pinakapaborito nating ipagawa sa kanila eh ‘yung trick na: “BEAUTIFUL EYES.”

Kahit pa sabihin mong mukhang tanga na kukurap-kurap lang ‘yung bata, nakakaaliw pa rin, kasi nga baby eh. Kahit ano pang babaw niyan, kagigiliwan mo.

Pero kapag mahigit 25 ka na, tapos hihiritan ka ng ganyan, most of the time, itatrato mo lang siya bilang isang corny na biro…

Eh sa kundisyon ko naman ngayon, kapag me nagsabi sa akin ng beautiful eyes, seryoso, isusumpa ko na sana sa next lifetime nila, maging polar bear sila…

Nung Sabado pa ng madaling araw kinunan ang litratong ‘yan.

Mas malala na ‘yung pamumula ngayon.

And to think na may ubo’t sipon pa ako ngayon.

Kung minsan nga, iniisip ko, plema at hindi na muta ‘yung lumalabas sa mata ko eh.

Pero hindi porke me sore eyes ako, ibig sabihin eh matetengga ako sa bahay… papasok pa rin ako sa opisina mamaya at gagawa pa rin ng istorya para sa linggong ito.

Wish ko lang, hindi masyadong makulimlim at maulan sa mga susunod na araw.

Akala kasi ng mga nakakasalubong ko sa opisina, nagpapauso lang ako habang suot ko ang aking violet na bubuyog shades.

Langya ‘yung mga yun, i-beso-beso ko sila diyan eh!

Mga Puna»

1. kulot - Pebrero 10, 2009

sore eyes! bakit ang aga naman sore eyes yan, kasi kalimitan uso yan sa summer, o maliban na lang kung….

2. Lenggai - Pebrero 11, 2009

maliban na lang kung… marumi akong babae😦

3. JOn Cabron - Pebrero 12, 2009

ahhm medyo napasobra po yata tayo ng ahit ng kilay po natin po.

JOn Cabrons last blog post..tagnimumu


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: