jump to navigation

Bilang tugon Pebrero 17, 2009

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!.
trackback

Hindi naman talaga ako mahilig sa tag.

Pasensya na kung bihira lang ako sumagot sa mga ganyan. Pakiramdam ko kasi, wala akong naiaambag sa cosmos sa pagsisiwalat ng mga bagay na obvious na rin naman sa mga isinusulat ko.

Pero dahil tinag ako ng isa sa mga ipinagkakapitagan kong bloggers, si Badoodles, nahiya naman akong humindi.

Hindi ako actually sumunod sa rules ng kanyang tag, pero dahil malapit na akong mag-birthday, pakiramdam ko, mapapatawad niyo naman ako.

1. Malalaman mo kung gaano na kalayo ang iyong narating… kapag namasyal ka sa profile ng mga kaibigan mo sa Friendster.

2. Kaya nga nagkaroon ng sizes ang damit at naimbento ang fitting room… para masabi ng mga negosyante: “o yan ha,binigyan namin kayo ng choice”.

3. Parang mga bulang kumakawala ang mga ideya sa utak ko ngayon… lahat gustong maging blog entry… at lahat pinuputok ng aking antok.

4. Hirap akong matulog. Hirap din akong gumising.

5. Madalas naming pagtalunan ng nanay ko ang aming aso… tumatae raw kasi.

6. Kinikilig ako sa Twilight at Tayong Dalawa. Magkakaibigan pa rin naman tayong lahat no?

7. Adam Levine. Robert Pattinson. John Lloyd Cruz. Ely Buendia.

8. Apat na taon na akong buntis.

9. Gusto kong pumunta sa Reunion Concert sa March… pero kapag naaalala ko ‘yung ginawa niya…

10. Mga sampung beses ko nang pinapanood ‘yung trailer ng You Changed My Life... at napapangiti pa rin ako.

11. Ang gusto ko lang naman, dumating ‘yung araw na pupunta ako sa mall at hindi ko na kailangan pang tumingin sa price tag.

12. Work out your own salvation. — Buddha

13. Mas nanghihinayang pa akong magtapon ng lumang ticket sa paborito kong pelikula… kesa sa magpakawala ng mga taong kalat lang sa buhay ko.

14. Positive farming.

15. Sa sobrang laki ng pimple ko, siya na ang nag-iinterview sa case study ko.

16. Hindi ako kumportableng lumabas ng bahay nang hindi nagbo-blower.

17. “Just keep swimming,” “There is no special ingredient” — dalawa sa mga pinakamatalinong linyang napulot ko sa cartoons.

18. Natatangahan ako sa chain letters. Sa tingin ko, sobrang astig na ni Papa Jesus at hindi na niya kailangan pa ng internet para magmilagro.

20. Madaldal akong tao, pero konti lang ang mga taong gusto kong kausap.

21. Pinakapaborito kong post: Oy! Media Kame!!!

22. Bihira akong humanga sa isang tao. Buti na lang.

23.

24. Noong grade school, may gold medal ako sa Bible Passage interpretation.

25. Ayokong isugal ang suweldo ko sa sugal… sugal eh.

26. Hindi ako marunong mag-make up. At mag-ahit ng kilay.

27. Me kras akong me asawa. Relaks. Kras lang naman eh. Sus.

Dahil huling linggo ko nang 27 years old, 27 ang sinulat ko.

Pasensya na, wala ako sa mood magsulat, pero gusto kong magkaroon ng blog entry.

Mga Puna»

1. Jon Cabron - Pebrero 17, 2009

bubuka ang lupa at uulan ng kidlat kung sasabihin mong hindi ako ‘yang crush mong me asawa na.

Jon Cabrons last blog post..payo sa mga gagawa ng sex video ngayong araw ng mga puso

2. gudang - Pebrero 17, 2009

napadaan lang po ako dito.. nalulula naman ako at laki ng letters na tinatayp ko ngaun. HAHA😀 wala lang.🙂

galing! labidabs mo rin si Papa Ely!😀 yun lang ang dahilan kung bat ako nagcomment..😀 hehe!

–gudang!

3. Pilar - Pebrero 18, 2009

2. Kaya nga nagkaroon ng sizes ang damit at naimbento ang fitting room… para masabi ng mga negosyante: “o yan ha,binigyan namin kayo ng choice”.

ouch a. lol.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: