jump to navigation

28 Pebrero 25, 2009

Posted by Lenggai in Coverage, Featuring: Ako!.
trackback

Hoy Lenggai!!! 28 ka na!

Kumusta naman ang celebration noong Lunes? Tumatanda ka na ah! In fairview… HALATA!

Sana magka-love life ka na this year — 28 years ka nang NBSB. Not that it’s a bad thing, pero 28 years?!

Nameyn! Para que pang nagpapa-derma ka?

Huwag ka namang mag-resort sa mga committed na ha… alalahanin ang karma.

You deserve someone better.

Ang daming single pa diyan na matino o! Marami ka nga lang ka-kumpitensya, pero as long as hindi bading… me pag-asa pa.

Wish ko rin sana maipagpatuloy mo ‘yung panata mong magseryoso sa running. Ang laki na ng tiyan mo.

Galingan mo rin sa trabaho. Inuugat ka na rin lang sa industriyang ‘yan, pagbutihin mo na.

Bawas-bawasan mo na rin ang pagiging late — sa post-mortem, sa shoot, sa gimik, sa lahat.

Hindi nakakaaliw ang mga taong bastos sa oras.

And last but not the least, mag-ipon ka na.

Walong taon ka nang nagtatrabaho, wala ka pa ring naipupundar.

Alam mo, magpasiklab ka lang, babaha ang pera!

Siya.

Next year ulit.

Nagmamahal,

Ang iyong konsensya.

* * *

Haru, mahal kong konsensya!

Salamat sa pagbati!

Ayos naman ang berday ko.

Sinalubong ko ang araw na nanonood ng Full House — ‘yung Koreanovela na sumikat noon?

Tinapos ko ‘yung buong DVD… ang ganda pala nun. Nakakakilig kahit predictable na ‘yung istorya.

Maganda rin ang pasok ng birthday ko, biro mo, alas dose pa lang, me mga nag-tetext na sa akin. Hanggang gabi, may humahabol pa. Marami ring bumati sa Facebook at Friendster.

Nakakaaliw, lalo na kapag ang mga nagparamdam, ‘yung mga taong hindi mo na ini-expect na mag-e-effort.

Tumawag din ‘yung Tita ko galing Norway, kahit hindi kami nagkakaintindihan dahil chubby, este, choppy ‘yung line, sobrang na-appreciate ko pa rin ‘yung effort niya na kamustahin ako.

Nag-text din si Tita Patt… dati tumatawag ‘yun eh, siguro nagtitipid kasi recession… pero masaya ako kasi ang haba ng text niya, hehe.

Bago ako umuwi, nag-dinner muna kami ng dalawa sa pinakamalalapit kong mga kaibigan — tumatanda na nga ‘ata talaga ako, kasi mas nag-eenjoy ako na kami-kami lang ang magkakasama.

Ni hindi sumagi sa isip ko ang magpa-party. Bukod sa magastos, eh sino ba naman sa ‘sang batalyong mga kasama mo ang talagang kaibigan mo, di ba?

Ang cute pa nung barista sa Gloria Jeans.

Ang ganda ng katawan!

Kapag nagkaanak sina Sam Milby at Paolo Paraiso, tapos ginawa mong kayumanggi at medyo jologito, ganun ang hitsura.

And take note, hindi siya kalbo!

Panay nga ang ngiti (panalo ang close-up smile ‘te!), tapos ako pa ang tinanong ng last order namin, eh kita naman niyang me kausap din ako nun sa cellphone… nagtampo tuloy si Nanay Jarli kasi hindi siya ‘yung tinanong, eh nagta-type lang naman siya sa laptop niya.

Oh well, ‘must be the dress… nakapostura kasi ako nung araw na ‘yun.

Come to think of it… kung ganun ka-yummy ang mga lalapit sa akin, dadalasan ko na ang pagbe-bestida!

Pero alam mo kung ano ang kumumpleto sa araw ko?

‘Yung pag-uwi ko, nakahain sa lamesa ‘yung biniling KFC at mango cake nina Papa.

Nag-advance kainan na kami noong Linggo kaya hindi na ako nag-eexpect ng handa, pero na-touch naman ako kasi hindi ko rin akalain na sa tanda kong ito, bibilhan pa rin nila ako ng special something.

Napangiti pa ako nung nag-text si Papa at tinanong kung ano’ng mas gusto ko — chicken o cake?

Ang sabi ko cake — para cliche, hehe.

Tapos pag-uwi ko, binili pala nila pareho.

Sayang lang hindi ko sila nakasalo.

At kahit alam kong makakasira siya sa ipinag-running ko noong weekend… kumain pa rin ako nung mango cake (paborito ko ‘yun!).

Maramdaman ko man lang na may handa ako, di ba?

Overall, masaya ang araw ko.

Wish ko rin ‘yung mga wish mo sa akin at kakaririn kong ayusin ‘yung mga bilin mo.

Hindi man bumabaha ang mga materyal na regalo ngayong taon, masaya ako kasi hindi ako nakalimutan ng mga taong inaasahan kong makakaalala sa ‘kin… at may bonus pa.

Parang puzzle… unti-unting binuo ng pamilya at mga kaibigan ko ang birthday ko.

Ayan, naalala ko tuloy si Sarah Geronimo!

O sige.

Sana nga umabot pa ako hanggang next year.

Marami pa akong pasasayahing tao.

Labs,

Lenggai

Mga Puna»

1. antuken - Pebrero 25, 2009

happy birthday! hope you have (o had, tapos na ba?) a great day! full of wonderful surprises.🙂

2. dompy - Pebrero 25, 2009

er, sorry, di ko na-gets yung tungkol kay sarah geronimo…

pero at least you had a great natal day… at di kita nalimutang batiin (told ya!).

belated haberdei, A! dalaga ka na…😀

dompys last blog post..Pregnancy in the time of crisis

3. Jon Cabron - Pebrero 28, 2009

hoy tineks kita ha!

Jon Cabrons last blog post..regalo


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: