jump to navigation

Found: Chihuahua Marso 4, 2009

Posted by Lenggai in Da Pet Lover.
trackback

Siguro mga dalawang araw ding tumutugtog sa utak ko ‘yung soundtrack nung Beverly Hills Chihuahua…

Pa’no… may napulot ‘yung driver ni Papa na Chihuahua.

Muntik na raw masagasaan nung truck namin, kaya ni-“rescue” niya.

Tuwang-tuwa na sana si Boxer (driver ni Papa), inuwi niya ‘yung aso sa kanila, tapos pilit pinakain ng kanin.

Eh ayaw kumain.

Hanggang sa na-frustrate siya kasi baka naman daw mamatay sa gutom ‘yung aso.

Sa inis niya, kinabukasan, binigay na lang niya ‘yung chihuahua kay Papa.

Awa ng diyos, kumakain na siya.

Maarte, karne ang gusto. Ipinagluluto pa nga namin siya ng ham.

Binigyan na rin namin siya ng temporary name: “Adam”. As in Adam Levine ng Maroon 5 (walang kokontra!!!), para level naman kay Bono, ang aming border collie.

Hindi naman namin pinangarap magkaroon ng chihuahua, mas gusto ko ‘yung pomeranian shitnitz.

Kaso kakakuha lang namin nung December kay Bono.

Pero nakakaaliw din si “Adam,” mabait na, tapos ang liit pa.

Tapos magkasundong-magkasundo pa sila ni Bono.

Mukhang alaga rin siya nung original niyang amo kasi maganda ang coat at trimmed ‘yung kuko.

Gustuhin man naming angkinin si “Adam” kasi ang cute, nakokonsensya kami, baka kako nage-emo na ‘yung original na may-ari sa pag-aalala sa kanyang aso.

Tempting as it is, what if si Bono naman ang nawala?

Note to self: The Golden Rule.

Kaya ngayon, magbabakasakali ako na sana ginoo-google ng original na may-ari niya ang kanyang nawawalang aso:

I am posting this for now, baka kako reader ng blog ko ‘yung may-ari, hehe.

I will also be printing posters this weekend.

Kung sakaling IKAW ang totoong may-ari ni “Adam”, you can contact me through my email: aileenrae@gmail.com.

I will only entertain messages with details (date when your pet was last seen, your home address, and area where your pet was most likely to be found) and descriptions matching the identifying marks on this dog.

Kung aso niyo talaga ito, alam niyo kung saan ang mga peklat/pekas/chikinini ng alaga niyo.

For now, habang nasa pangangalaga pa namin siya, the real owners don’t have to worry.

“Adam” is in good hands.

Mga Puna»

1. Pilar - Marso 4, 2009

akin yan ate lenggai. lololol. ang cute nya!🙂

2. Maldito - Marso 6, 2009

mukhang akin yan…minake over niyo?ahahhee….sana ako nalang nakakita…huhuhu..gustong gusto ko talaga na magka aso..kaso lang yung setting ng bahay not so aso friendly…h huhhu

Malditos last blog post..Yin: You want war?

3. X - Marso 7, 2009

lenggai, ipa-check nyo kaya sa PCCI?

Ask mo na lang siguro kung saan yung pwede patignan kung may microchip yung aso…

baka meron si ADAM microchip….

Xs last blog post..Hindi ako madamot


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: