jump to navigation

‘Neng Marso 19, 2009

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Hindi tayo close, pero ang naaalala ko, naging topic pa kita nung rumaket ako para sa Reporter’s Notebook noong 2005.

Sa totoo lang, hindi ako masyadong naawa sa’yo kasi simula’t sapul, marami na ang nagsasabing ginusto mo rin ‘yung nangyari.

Guwapo ‘yung guy eh.

Foreigner — mukhang malaki — ang height, I mean.

Nagkasimpatiya lang ako sa’yo nung naikuwento mo sa media ‘yung manner kung paano ka iniwan nung lalaki pagkatapos ng inyong… ahm, bonding moments?

Parang basura.

Bilang babae, nandiri ako sa paraan ng pagtrato ng mga dayong ‘yun sa’yo.

Sabihin na nating sige, pumayag ka sa nangyari, pero sana naman iniwan ka nila nang me dignidad, hindi ‘yung tinapon ka nila palabas nung van na parang balat lang ng candy.

Ang daming naki-simpatiya sa’yo. Kasama na ako run.

Duda man ako sa naging precedent nung nangyari sa inyo, nainis ako nung malaman kong pinayagang “ikulong” sa US Embassy ‘yung rapist mo. Tinatawag ko na siyang rapist kasi napatunayan nang rape ang nangyari sa’yo di ba?

Ang tagal din nun no?

Nag-eleksyon na’t mag-eeleksyon na naman next year, wala pa ring balls ang pamahalaan natin para sabihin dun sa mga kanong ‘yan na: “Hey, Assholes! Haven’t you forgotten that you’re in freakin’ Philippines? Let that horny sanamabitch suffer under our indio-style penal system! It’s about time Muntinlupa gets introduced to it’s own Michael Scofield!”

Nakaka-frustrate.

Marami nang nangyari at natabunan na ‘yung issue tungkol sa custody nung rapist mo.

Ang balita pa nga eh nakaka-gimik pa ‘yun.

Hindi na nakakapagtaka kasi moro-moro lang naman na nakakulong siya run, siyempre, kabisado na rin nung mga kano kung paano tayo bibilugin — these Filipinos, don’t mind them! The media will check on you every once in a while, but just pretend to be “depressed.” Other than that, you’re a free man, you can do whatever you want, go wherever you want. In case you haven’t noticed, we’re gods here in Manila, we’re Americans!

Nag-a la kaning lamig na ‘yung balita tungkol sa kaso mo, pero kaninang umaga, me nag-sangag!

Ikaw!

Anak ng tokwa naman oo!

Nasa US ka na raw?!

Hindi ako makapaniwala habang binabasa ko ‘yung balita tungkol sa sworn statement mo.

Na kesyo hindi maatim ng konsensya mo na baka na-carried-away ka naman talaga at pumayag ka namang magpa-canton dun sa poging sundalo na ‘yun?

At dinetalye mo pa kung paanong puwedeng ma-justify na HINDI masama ang intensyon niya sa’yo!

Naman, ‘neng!

You expect all of us to buy that shit?

Ano ‘yun? Na-offend ka lang ba nung gabing ‘yun at iniwan ka sa sidewalk? Napahiya ka lang ba sa mga nakakita kasi hindi ka man lang hinatid sa bahay?

At ‘yung martir mo namang abogado, ipinaglalaban ka pa rin! Kawawa naman ‘yung tao, huy! Nilaglag mo na sa ere!

Kaya tuloy maraming mabubuting tao ang nadi-disillusion at tinatamad nang maging mabuti eh.

Gusto kong i-cheer ‘yung Inquirer at inilabas nila sa front page ‘yung litrato mo. Siguro naamoy din ng editor nila kung gaano mo pinagmukhang tanga ang mga Pinoy.

Ganun pala ang hitsura mo, katamtaman, Pinay na Pinay. I was expecting someone na medyo maputi or mukhang liberated.

Ngayon kilala na ng buong Pinas ang mukha mo. Nasayang ‘yung ilang pag-anggulo sa’yo ng mga cameramen para lang itago ang identity mo, ‘yung pag-blur ng mga editor para sa iyong privacy.

Eh tutal naman, nasa Amerika ka na rin lang naman at nagsisimula ng “bagong buhay,” ‘wag ka nang mag-inarte!

Wala man lang bang nakapagbulong sa’yo — nanay mo o di kaya mga tiyahin mo: “Hoy, gaga! Kapag pumunta ka sa States at tinanggap mo ‘yang perang ‘yan, parang pinatunayan mo lang sa mga kano na ‘yan na puta-puta tayong mga Pinay! Green card lang pala ang katumbas natin!”

Ni hindi ka man lang ba sinampal-sampal ng tatay mo nung inamin mo nang kumikirengkeng ka kaya nagkanda-leche-leche ‘yung reputasyon ng pamilya niyo?

Ewan ko lang ha, pero kung kamag-anak kita, malamang eh nakatikim ka rin sa akin.

Naiintindihan ko naman kung bakit ka napagod eh, kung bakit ka nawalan ng pananampalataya sa mga satanas na nasa gobyerno natin.

Pero ‘yun nga, kung kamag-anak nga kita, siguro bago ka lumipad papuntang US, naduraan man lang kita. Hindi ko gawain ‘yun at masyado akong mayaman para gawin ‘yun under normal circumstances, pero kung kamag-anak kita at dinamay mo pa ang lahi natin sa pagiging ma-el mo, irereserba ko ang act na ‘yun para sa’yo… one time lang.

Isipin mo ha, ang dami mong inabala, nag-drama ka pa, pagkatapos sa bandang huli, babawiin mo rin.

At heto pa ha, nagpabayad ka na rin lang, sana nilakihan mo na.

100,000 pesos?

Neng, mas mahal pa ‘yung tinatarget kong second-hand na Toyota Altis sa prinsipyo mo.

Mga Puna»

1. libay - Marso 19, 2009

Tsk

libays last blog post..Taguan Pong

2. dompy - Marso 19, 2009

so tama ba ang hinala kong may di lang cya nakuha mula kay cutie daniel smith noon kaya cya nag-inarte ng ganon?

and yes, 100 kiyaw — in pesos — and green card, so cheapo.

at dun pa talaga sa US tumira. e diba nga ‘kano yung kinalaban nya?

‘nlabo!

dompys last blog post..The anxiety attacks…

3. Paul Sarcia - Marso 19, 2009

gusto ko makita mukha niya… baka andito lang gumagala sa may sa’min, nagkukunwari lang nasa states.. lololol

anyways, wala akong alam sa kwentong iyan, kaya hindi ako masyado magcocomment. ang comment ko lang ay, “bakit ganun?”

Paul Sarcias last blog post..konting sulat, konting basa, konting iba pa

4. Pilar - Marso 19, 2009

naku ate lenggai! agree ako sayo. pagkatapos ng lahat. hai naku. kaya yan magU-US para magtago sa mga kagagahang ginawa nya. kawawa yung lawyer niya. halatang-halata tuloy na liar ang mga lawyer. pagkatapos ng ilang taon, sasabihin nya napagod sya, pero dahil sa ginawa nya, akala siguro nya tapos na ang lahat. hindi nya alam ngayon kine-criticize ang desisyon nya, ngayon inaalam ang buhay nya, ngayon kaliwa’t kanan ang sampal sa kanya… at sa mga Pinay.

bwakanabitch. sana sinarili nalang nya. baka nga nabastos lang sya nung gabing yon at biglang naisipan na “tangina, kano yun, may pera yun. perahan ko nalang yon. sasampahan ko sya ng kaso”… na parang ang pagsampa nya ng kaso e ang paghuli sa robber sa larong cops and robbers!

nakakainis. now that you’ve posted something about it, naiinis tuloy ako sa kanya. akala ko convincing yung reason nya na napagod sya pero pag uusisain mo ang mga nangyari, hindi malabong pagisipan sya ng mga tao ng masama…

tae sya. tae!

Pilars last blog post..PERA.

5. Jon Cabron - Marso 20, 2009

sana reypin s’ya ng pinoy sa amerika pag gumimik s’ya dun.

Jon Cabrons last blog post..magandang balita

6. jen - Marso 22, 2009

ever since i never believed that nicole was raped, feeling nya ang ganda nya. bwiset..

napa cheap nya!!!

jens last blog post..he said, she said

7. miss choi - Marso 23, 2009

Sa totoo lang, partially naniniwala pa rin akong na-rape sya. Sabog yun bagong statement, ang daming inconsistencies. At sa totoo lang, tibay naman niya kung pinanindigan niya ng ganoon katagal yung istorya niya kung di naman siya talaga na-rape.

Kung totoo o hindi yung nangyari daw sa kanya, ang naisip ko lang, kawawa naman yung mga babaeng sa susunod eh maaring mapunta sa parehong kalagayan niya. Hindi dahil lasing ang babae, o nakamaiksing palda, o nakipaglandian sa bar, eh dahilan na para ma-rape siya.

Para lang binigyan ni Nicole ng bala ang mga manyak para lalong mabastos ang mga babae.

Isang malaking boo!

miss chois last blog post..Sob Stories

8. lyzius - Marso 24, 2009

lenggai, asan pichur nya? anyway umpisa pa lang ng kaso nyan, di na ako ganun ka simpatya sa kaso nya, nabalahura lang talaga yung ending ng lusty night nila ni kano kaya kahit paano bilang babae eh me simpatya pa rin…

at dahil nga sa nabalitaan ko na to sa blog mo, lalo lang akong nawalan ng simpatya sa kanya…

oo hindi nga tayo mapapakain ng prinsipyo, pero sana naman kahit prinsipyo na lang…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: