jump to navigation

Sa Gazebo Marso 29, 2009

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Barag-baragan, Boo!.
trackback

Wala pang alas-otso y media ng gabi nang mag-dubout kami kanina.

Pagkabukas ng boss ko sa pinto nung editing bay, madilim na sa fourth floor.

“Ay… Brownout?” Me humirit.

“Hindi, earth hour!” Me sumagot.

Kung sa tingin ng gobyerno natin, mas makakatulong ‘yung ganung raket ke Mother Earth kesa sa gamitin ‘yung sandamakmak na alternative energy inventions na binebenta lang natin sa mga hapon… then go!

Wala naman talaga akong problema run sa lights off policy, kanya-kanyang trip lang naman ‘yan.

Ang sa akin lang, sa mga sabog-sabog pang ilaw na nakabukas sa loob ng opisina… sana lang, kasama run eh ‘yung ilaw sa loob ng CR.

Ihing-ihi na talaga ako!

Pagdating sa CR, sarado ‘yung ilaw.

Hindi naman ako nagdalawang-isip nang buksan ko ‘yun nung pumasok ako sa cubicle.

Wala pa ako sa kalagitnaan ng pagpapagaan sa aking pantog, me bigla nang kumatok.

“Ma’am… cherva, cherva… cherva, cherva…”

Si Kuyang Guard.

Hindi ko gets ang sinasabi niya, muffled.

Pero dama ko na me koneksyon ‘yun sa pagbukas ko nung ilaw.

“Ma’am…. cherva, cherva… CHERVA, CHERVA!”

Sandali lang Kuya! Tapusin ko lang ‘to! Lalabas na ako!”

Makulit at may sense of urgency na ang mga sunod na pagkatok niya. Napilitan tuloy akong lumabas nang wala nang sabunan nang kamay…

“Ma’am mag-CR na lang kayo sa gazebo…”

‘Yung gazebo sa amin eh ‘yung garden na tambayan ng mga nagyoyosi sa first floor.

“Ha?”

“Sinara ko na nga ‘yung ilaw dyan, dapat dun ka na lang nag-CR sa gazebo.

Turned out mali lang ang pagkakadinig ko— disabled pala ang ibig niyang sabihin. Mag-CR daw ako sa disabled.

Makapal ang tono ng kanyang panunumbat habang iniraradyo niya sa mga kasama niya ‘yung “pasaway” na nagbukas ng ilaw sa CR.

Naisip ko tuloy: isang oras lang naman ang hinihingi nila. Sana pinagbigyan ko na.

Alang-alang ke Mother Earth.

Pagbaba ko sa cubicle, bukas ang mga TV.

Paglabas namin ng mga kaopisina ko, ang liwanag sa Timog.

Dun sa restaurant na kinainan namin sa Trinoma, me mga kandila sa table, pero bukas ang aircon, pati ‘yung maliliit na ambient lights sa tabi ng dingding.

Nag-text sa akin ang kabarkada ko tungkol sa mga pinatuyong hayop dun sa segment ko. Nakakatawa raw.

I don’t need to spell my thoughts out, pero…

Earth hour?

Yeah. Whatever.

Mga Puna»

1. antuken - Marso 29, 2009

hahaha. my mom was saying last night na ang init daw e. kakayanin daw ba nya na walang electric fan ng 1 oras. sabi ko, kung di mo kaya e di buksan mo. we left my mom’s house at around 9pm. earth hour? parang hindi umabot sa bayan namin yun. iilan lang ang may mga patay na ilaw. sabi ko nga, malamang yun yung mga bahay na may cable. kse sa discovery at natgeo, paulit ulit yung ad about it. sa local channels ba meron? (palibhasa laging sa discovery ako nakatutok, di ko napansin).

2. yuri69 - Marso 29, 2009

kailangan ba talaga, lahat ng kuryente patay sa earth hour? kala ko ilaw lang… hehehe!

kami dito sa bahay, pinatay namin lahat ng ilaw… pero di naman namin pinatay ang sarili namin sa init… lahat ng electric fan, bukas!!!

hehehe! =D

yuri69s last blog post..Virtual Loser

3. fjordz - Marso 29, 2009

ako hindi nakasupport sa Earth Hour kahit na lahat yata ng mga social friends ko dito sa Internet ay nagmessage ng tungkol sa Earth Hour. ako lang kasi mag-isa dito sa dorm, kug papatayin ko lahat ng ilaw, electric fan at laptop, ano na lang ang gagawin ko sa loob ng isang oras? haha ang bigat ng dahilan ko ano? pero hindi talaga ako nag join sa Earth Hour.

fjordzs last blog post..YFC Metro Manila Campus Based Year End HEY Party!

4. dompy - Marso 30, 2009

sa gazebo ka raw mag-relieve… wahahaha!😀

same with carly… pagkakaalam ko lights out lang, pero pwedeng iwanang nakabukas ang ibang kagamitan. hehe!

as for us, nakisama kami sa earth hour… wala kami sa apartment nung mga panahong iyon. 8:30PM, inobserbahan namin kung sumunod ang Megamall sa Earth Hour.

dompys last blog post..It’s officially a girl!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: