jump to navigation

20K Marso 31, 2009

Posted by Lenggai in Lipad-isip.
trackback

Alam niyo na ‘yung kuwento tungkol dun sa mangingisdang nagkakandakubang magtrabaho sa umaga para lang me pang-toma siya sa gabi?

Napagkuwentuhan lang namin ni Nanay Jarli kanina habang naghahapunan kami sa Gayway.

Meron daw mangingisdang nagpapakahirap magtrabaho sa umaga. Pagdating ng gabi, uubusin niya ang lahat ng perang pinagpawisan niya sa alak.

Paulit-ulit ‘yan. Araw-araw.

Hanggang sa napansin siya ng isang businessman.

Nakita niya kung paano nilulustay nung mangingisda ‘yung kita niya sa hapi-hapi kaya binigyan niya ito ng advice:

“Pre, ba’t di mo na lang ipunin ‘yang pera mo. ‘Pag lumaki ‘yan, puwede ka pang bumili ng makina para mas mapadali ‘yung trabaho mo at dumami ‘yung isdang mahuhuli mo. Kapag marami ka nang isdang nahuli, lalaki ang kita mo, tapos puwede mo na ‘tong iinvest sa iba pang business. Kapag mayaman ka na, hindi ka na mamromroblema sa pagtanda mo. Puwede ka nang mamahinga at mamuhay ng kumportable nun!”

Sinagot lang siya nung mangingisda:

“So, ano naman ang pinagkaiba nun sa ginagawa ko ngayon?”

Aliw na aliw ako sa kuwentong ‘yan ng bespren ko.

Pinag-uusapan kasi namin ‘yung mga pinaplano naming gawin sa buhay namin sa mga susunod na buwan.

Ako?

Gusto kong mag-travel. Gusto kong magbakasyon sa Sagada. O di kaya sa Palawan. Plano ko ring ibili ng ticket papuntang Hong Kong ang pamilya ko. Kating-kati rin akong bilhin ‘yung blouse dun sa Escada na 2,000+ ang presyo. Gusto kong bumili ng magandang rubber shoes. Tapos magbo-boxing na ako dun sa gym na maraming pogi. O di kaya eh kakaririn ko na ulit ‘yung running shitnitz na sinimulan ko na noon.

Who knows? Gusto ko na rin sanang magka-boypren.

Ang dami kong gustong mangyari, pero kulang ang oras ko… at kapos na naman ang budget ko.

Kaka-book ko lang kasi ng flight namin papunta dun sa bakasyunang me pagka-ganda-gandang sunset.

Nakaka-10K na ako kasi inabunohan ko na rin ‘yung ticket ng kapatid ko.

Kinakailangan ko na namang butasin ‘yung ipon ko para hindi naman ako magmukhang tanga pagdating dun.

Kung susumahin, maikukumpara na naman ‘yung halagang ginastos at gagastusin ko sa isang taong tuition fee ng tatlong bata sa public school.

Nakakapanghinayang din kung iisipin ‘yung mga puwedeng puntahan ng pera ko. Pero nasa stage ako ng buhay ko na gusto kong sulitin ‘yung panahon na single pa ako’t walang bine-breastfeed.

Napakaraming puwedeng gawin at napakaraming magagandang lugar na puwedeng puntahan. Eh kahit naman siguro masimot ‘yung savings ko, nananalig pa rin ako na kahit papaano, hindi naman ako mauubusan.

Ayon nga ulit sa isa ko pang bespren: ang binibili ko eh ‘yung experience.

Magkano nga lang ba ang experience?

Mahal.

Siguro nga binibigyan ko lang ng hustisya ‘yung pagiging gastadora ko, pero kung ikaliligaya ko ba naman, kahit pa sabihin niyong simot na naman ang “kaban” ko… abutin man ng 20K ‘yung gastos ko… mura na rin ‘yun.

Mga Puna»

1. kurokuro - Marso 31, 2009

okay lang iyan my friend. pera lang iyan. pero make sure na maibabalik mo iyung ipon mo. ang saya naman ng bakasyon mo. ako di ko pa alam where to go…

kurokuros last blog post..so true.

2. dompy - Marso 31, 2009

experience is not expensive. it’s priceless.

ako, sa mga susunod na buwan, plano ko munang mag-ipon sa panganganak…

dompys last blog post..It’s officially a girl!

3. Pilar - Marso 31, 2009

ayyy.. ang experience… talaga naman. parang sa akin yan e, sa Nursing… pero given ang pera (kahit wla ako non), kaya mong umalis, bumili ng ticket papuntang US, NZ, Canada, o Australia. lahat ng gastusin kaya mong bayaran.. pero ang experience na kailangan, hindi…

watdahell…

pati pagpunta ba sa motel, babayaran mo experience? lol.😀

Pilars last blog post..PARTE-PARTE

4. lyzius - Abril 1, 2009

this coming may, uuwi ako at magbabakasyon sa pinas ng bonggang bongga sa loob ng two weeks…susulitin ang lahat ng panahon para sa junakis at pamilya…

nakikita ko ng, matinding gastusan ang mangyayari, pero iniisip ko na lang, na para naman sa kasiyahan nila yun…di bale ng maubos ang inipon ng sampung buwan para lamang sa dalawang linggong pagpapasasa…

maling way of thinking, pero hindi ko naman mabibili dito sa ibang bansa yung kasiyahan nila sa mga pagkakagastusan ko…masayang masaya na rin ako nun…

parang ako lang yung mangingisda…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: