jump to navigation

Torpa Abril 13, 2009

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Featuring: Ako!, Luvvvvv!!!.
trackback

“Hi! I’m Lenggai, and you are?”

Napakadaling sabihin di ba? It’s not as if inaaya ko nang magpakasal sa akin ‘yung tao.

Lalo na kung ang setting eh bar, tapos maghahating-gabi… madilim at natural lang na lango na ang mga nasa paligid mo kaya walang masama kung maging extra-friendly ka.

Wala rin naman ako sa simbahan kaya hindi bawal ang makipagkilala.

Kaso ewan ko ba... 28 anyos na ako at ang olats ko pa rin pagdating sa landian!

Hindi pa nga landian ang matatawag dun sa ginawa ko eh.

Nangyari ‘yun noong Miyerkules. Sa Bora.

Pasado alas-diyes nang dumating kami ng kapatid ko at barkada ko sa Club Paraw.

Napansin ko na siya nung pag-upo namin — cute, mga mid-20s, naka-cap tapos dark green na shirt. Matangkad siguro siya sa akin ng mga three inches (napansin ko nung minsan nagkasabay kaming tumayo para mag-CR).

Ang hirap niyang i-ocular kasi sa likod siya nakapuwesto.  Ang ginagawa ko, kinakausap ko kunwari ‘yung kapatid ko para makita ko siya sa peripheral ko.

Baduy?

Ilang beses kaming nagkatinginan.

Kinilig ako ng konti, pero chillax lang… mahaba pa ang gabi.

Napansin kong nagyo-yosi siya.

Hindi ako smoker, pero parang “training” na sa kurso at trabaho ko ang paninigarilyo.

Umorder ako ng isang kaha.

Wala akong lighter so ginamit ko ‘yung kandila sa table namin.

Umabot sa pangatlong stick, nagsisindi pa rin ako sa pesteng kandila… naramdaman kong may mahiwagang kamay na lumitaw sa may kanan ko.

Siya.

Inabot niya ang lighter niyang green sa akin.

Pa-cool na sinipat ko kung saan ang pindutan nung lighter — unang pitik — shit!

Ayaw sumindi.

Pangalawa. Pangatlo. Pang-apat… sa wakas, gumana na.

“Salamat!”

Kinilayan niya ako. Maganda siyang ngumiti.

Nag-cheer kaming lahat nung dumating ang order naming sheesha — piktyur, piktyur.

Nahagip siya sa isang shot nung digicam ng kaibigan ko — mukhang bangag na nakatingin sa cam.

Pang-apat na stick — medyo sumisikip na ang baga ko sa liit ng time interval, lumingon ulit ako sa kanya para sa lighter… na ni-ready na rin niya.

Pang-limang stick — nag-sorry na ako sa sa abala, ngumiti siya at umusog ng konti sa puwesto namin.

Kumbaga sa pelikula, ito na sana ‘yung eksenang magkakakilala na ‘yung dalawang bida… magkakahiyaan sa una, pero eventually, magkakasarapan sa kuwentuhan… magtatawanan… malalasing pareho, pagkatapos ang next cut — alam niyo na kung saan.

Pero dahil totoong buhay ito at ako ang leading lady, hindi ganun ang nangyari — ginawa ko ang unang galaw na pumasok sa isip ko: tumalikod ako.

Umiral ang hiya ko sa kasama niyang mukhang Lasallista na cute din. Naiilang din akong bumangka lalo’t kasama ko ang kapatid ko.

Maya-maya, may pumuwesto nang mga maliliit na babaeng naka-sexy summer dress at may kasamang bakla na kamukha ni Apeng Daldal sa tapat ng table nila.

Saktong tumugtog ‘yung theme song ng Bora 2009 — remix ng Poker Face ni Lady Gaga.

Unang sumayaw ‘yung mga babae sa tapat nila.

Sumayaw na rin kami ng barkada ko. Kunwari hindi ko mino-monitor, pero napansin kong nilapitan siya nung isa sa mga babae run.

Siguro me palitan ng number na naganap, nakita ko kasing inilabas niya ang kanyang cellphone habang kinakausap niya ‘yung babae.

Sa mga panahong ganito, gusto ko tuloy iwagayway sa tapat niya ‘yung natitira pang yosi sa kaha. Pasisindihan ko na sana lahat, kahit magkabutas-butas na ‘yung baga ko.

Lumipas ang ilang minuto, naiwan na naman siyang mag-isa sa table. ‘Yung kasama naman niya ang nakikipag-bonding sa mga tiga-tapat.

“Lenggai! Dapat may makilala ka ngayong gabi, dun ka sa dance floor, humiwalay ka sa amin!”

Iminuwestra nung kabarkada kong lalaki ‘yung kamay niya sa kumukutitap na dance floor.

Simula pa lang ng biyahe namin, kinakantiyawan na niya ako sa kung kani-kaninong lalaki na makausap ko ng more than 5 minutes. Dumating pa nga sa puntong pinariringgan niya ‘yung mga foreigner na nakakasalubong namin.

Kahit pang-asar at hindi ko pinapatulan, alam kong well-meant naman ang intensyon niya — pero paano ko ba sasabihin na naispatan ko na ‘yung gusto kong makilala?

Mag-a-a la una ng madaling-araw, parang me dumaang hangin sa me likuran ko… siya pala.

Susuray-suray pa yata siyang umalis kasama ang kanyang kaibigan.

Ganun lang ‘yun natapos. Muntik ko pa ngang hindi namalayan.

Saglit akong napaupo habang masaya pa ring nagsasayawan ang mga kabarkada ko.

Itinaas ko ang maligamgam na’t wala pa sa kalahating Red Horse na inorder ko.

“Para sa bakasyon!”

Kling!

Nagbanggaan ang mga bote namin — bottoms up!

Tinaktak ko ang isang stick ng yosi mula sa kaha… saka ko sinindihan — gamit ang kandila sa mesa.

Mga Puna»

No comments yet — be the first.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: