jump to navigation

Vios Abril 21, 2009

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To.
trackback

Ano ang tsansang makapara ka ng Vios na taxi sa Timog pagdating ng alas siyete ng gabi?

Medyo mahirap.

Hindi imposible, pero kailangan mong maging matiyaga.

Marami na kasing umuuwi sa oras na iyon, at sa Timog, unahan na sa taxi lalo’t umaambon pa kanina.

Kasama ko ang aking kumare kanina papuntang Gayway. Sabay kaming maghahapunan with Carli. Maagang nakarating sa meeting place si Carli kaya kinakailangan na naming paspasan ang pagpunta sa Cubao.

Jayme: Sana makakuha tayo ng taxi… ‘yung Vios.

Kinailangan na naming tumawid sa kabilang side ng kalsada kasi nag-uumpukan na ang mga kumukuha ng taxi sa gate ng GMA.

Sa loob-loob ko, heto na naman si Jayme sa kanyang fighting spirit, wala naman sa akin kung sumakay kami sa lumang modelo ng kotse, although siyempre, sino bang ayaw nang kumportable? ‘Yung hindi parang electric fan lang ang aircon o amoy paa.

May dumaang bakanteng Vios na taxi — sa pinanggalingang puwesto nga lang namin nagsakay ng pasahero.

Lenggai: Vios nga…

Naisip ko, kung hindi kami umalis sa kabilang side, malamang nakasakay na kami.

Tawa lang ng tawa si Jayme. Mag-wish daw kami ulit. This time, dapat maging mas specific ‘yung description namin:

Sasakay tayo sa taxi na Vios at dadaan siya sa side na ito.

Naalala niya ‘yung kuwento sa amin nung kakilala naming psychic tungkol sa mga wish: meron silang kliyenteng namaga ang left cheek dahil masakit ang ngipin. Nag-wish ito na sana magpantay naman ‘yung laki ng pisngi niya. True enough, kinabukasan, sumakit naman ang ngipin niya sa kanan.

Ang gusto pala niyang mangyari eh sana gumaling na ‘yung sumasakit niyang ngipin, pero dahil hindi specific ‘yung sinabi niya, pareho tuloy namaga ‘yung pisngi niya — well, at least nagkatotoo ang wish niya.

Five minutes… wala pa ring dumadaang Vios na taxi. Kahit nga ‘yung ordinaryong Kia na taxi, puno.

Jayme: Should we stay or should we go?

Late na kami at sa lahat nang ayaw ni Carli ay ‘yung pinaghihintay siya. Kaso sayang naman ‘yung pagkabagot namin kung sa bandang huli, sa MRT rin kami babagsak.

Sa isip-isip ko, baka naman kaya punuan na ‘yung mga taxi, eh kasi parating pa lang ‘yung para sa amin — ‘yung Vios nga.

Mahilig magbasa ng positive thinking books itong si Jayme kaya hindi nakakapagtakang maniwala siya sa milagro… este, suwerte.

Lumipas na naman ang ilang minuto, wala na kaming pakialam kung naka-prangkisa ba o hindi ‘yung mga pinapara namin — ang importante, makakuha kami ng sasakyan.

May paparating na taxi — MGE, ‘yung bagong model nila — Vios. Bakante, so pinara ko.

Jayme: Manong, gateway.

Pagsakay namin, abot-tenga ang ngiti ni Jayme.

Jayme: See, I told you, you just have to be specific.

Sabi ko nga eh, ‘basahin ko nga ulit ‘yung kopya ko nung “The Secret.”

Also… be specific ba kamo?

Matangkad, mayaman, maganda ang mata, may sense of humor…

Mga Puna»

1. dompy - Abril 22, 2009

sinubukan ko na yang “be specific,” may inisip ako tungkol kay PGMA at FG, pero walang nangyari…

dompys last blog post..Paid!

2. kulot - Abril 23, 2009

ako po ay, humihingi ng konting pabor nangongolekta po ako ng mga litrato http://www.kutserongkulot.com/?p=253

3. yuri69 - Abril 25, 2009

Ate, specific ba kamo? aba, may kulang pa sa wish mo… “Matangkad, mayaman, maganda ang mata, may sense of humor…”

baka bading yang hinahanap mo…

hehehe!
😀

yuri69s last blog post..Virtual Loser


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: