jump to navigation

Showbiz Guru Abril 29, 2009

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Nanonood kami ng balita ng bunso kong kapatid. Pagdating ng commercial, ipinalabas ‘yung teasers ng mga telenovela sa istasyon namin:

Sophia: Ate, ba’t ganun, pare-pareho na lang ‘yung mga artista ninyo?

Lenggai: Eh sila ‘yung sikat eh.

Sophia: Ba’t ayaw niyong mag-iba ng mga artista? Nakakasawa na. Tingnan niyo ‘yung sa dos, paiba-iba, hindi nakakasawa.

Nakalimutan ‘ata ng kapatid ko na taga-Public Affairs ako at hindi Entertainment.

Aware din naman siya na nasa dos din ang mga paborito kong artista at teleserye.

Sophia: Wala na ba kayong ibang artista na sikat? (tumatawa)

Lenggai: Oy, meron din naman… (nag-iisip)

Sophia: Wala na bang ibang guwapo sa inyo? (tumatawa pa rin)

Lenggai: Hoy, meron din… si ano… (natahimik)

Sophia: Ba’t hindi niyo gamitin ‘yung mga pinapanalo niyo sa Starstruck?! Ang dami nun di ba?

Nagkaroon ng run-down sa utak ko nung mga gwapito’t gwapitang nanalo noon sa Starstruck.

Sophia: Sayang ‘yung mga ‘yun. Nilalagay niyo lang sa Bitoy’s Funniest Videos!

Sabagay. May point siya.

Mga Puna»

1. yuri69 - Abril 29, 2009

ay naku… promise, showbiz na showbiz ang kapatid mo…
ano kaya kung mag-artista na lang tayo?

wahehehehe!

=D

yuri69s last blog post..Waiting in vain

2. watusiboy - Abril 29, 2009

mataas ang tingin ko sa news nyo..pero sa entertainment, hayzz. nakakaumay na. kung hindi fantasy, remake ng koreanovela o mexicanovela. dagdagan mo pa ng totoy bato, zorro. hayzz talaga. may bago a, rosalinda diba? at balita ko bago yung artista. o ayun at least bago🙂

3. joshmarie - Abril 30, 2009

hahaha. natawa ako sa point ng kapatid mo.🙂 dapat yatang mabasa ni FLG at Wilma Galvante ang post mo.🙂

joshmaries last blog post..ES-AY-EX

4. joshmarie - Abril 30, 2009

PS.

buti na lang hindi ako taga entertainment. mabuhay pa rin ang public afafirs ng syete.🙂

joshmaries last blog post..ES-AY-EX

5. antuken - Mayo 1, 2009

hahaha. natawa naman ako sa sister mo. ako naman kse hindi talaga mahilig sa tv mashado. mashado nang napapagod sa trabaho kaya paguwi, kain-tulog na lang. haay. tama bang buhay ito?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: