jump to navigation

Mac Mayo 6, 2009

Posted by Lenggai in Buhay-bahay.
trackback

May boypren na ako. Si Mac.

Halos buong araw ko na siyang katabi… nung una sa kama ko, ngayon naman, sa kama ng parents ko.

OK lang ‘yun, tutal pagdating naman nila, lilipat naman kami sa sofa.

Most of the time, nakapatong lang siya sa akin.

Kumportable naman ako sa posisyon na ‘yun, pero ako na rin ang lumalayo lalo na kapag sobrang init na niya.

Ihi at kain lang ang pahinga namin sa isa’t isa, kasi maski tulog ako, katabi ko pa rin siya.

Medyo bad trip lang ako kay Mac kasi every two hours, gusto niya, lagi siyang nakasaksak. Napipilitan tuloy akong tumagilid kapag nilalaro ko siya.

Hindi ako sigurado kung kami na nga in the long run, pero sa tinagal-tagal nang pagsasama namin (3 years), ngayon ko lang na-realize na hindi niya ako iiwan.

Not unless… I’ll set him free.

And you know what’s best about our relationship? — alam kong akin lang siya.

Gusto niyo ng picture ng boypren ko habang nakapatong siya sa kama ng parents ko?

Simula noong nagkaroon ng router dito sa bahay last weekend, malaya na akong nakakapag-internet sa kahit saang sulok ng aming mansyon.

And yes, in case you still don’t get it: Mac is my laptop.

Yeah, yeah, I’m bored but I still have a life. Go, shoot me.

Mga Puna»

1. Jayme - Mayo 6, 2009

Sometimes, just sometimes, machines are better than humans.

Jaymes last blog post..Kindness all around

2. lio loco - Mayo 7, 2009

hindi nga obyus na bored la miss lenggai! nyahahaha! i like the play of words. it makes me horny. yebah! nyahahahaha!

kelan kaya ako magkaka-leftef. tagal ko nang pinag-iipunan yan kaso laging nagkakaron ng aberya. sows! maski na si pareng vista na lang, wag ni si mac. hehehe.

lio locos last blog post..How To Be a Moymoy Palaboy in 24 Hours

3. lio loco - Mayo 7, 2009

*bored ka

sorry. typo. hehehe.

lio locos last blog post..How To Be a Moymoy Palaboy in 24 Hours

4. kengkay - Mayo 7, 2009

alam mo kabibili lang din namin ng maging laptop, ewan ko ba, sabi ko nga mac naman kaso mo parang walang narinig si kengkoy e, hahaha. enjoy dyan sa bago mong BF, pero sana sa sunod yung may buhay na hindi galing sa kuryente😀

kengkays last blog post..shopping sa taytay, rizal

5. dompy - Mayo 7, 2009

ako, isa lang ang kalaguyo ko… si DS Lite. inagaw pa sa kin ng asawa ko. to think na marami na rin akong kaagaw sa kanya: si PS2, PSP, Dell at sangkatutak na Gundam. hays…

yang si Mac ha, every two hours gustong nakasaksak… oooohhh…😀

dompys last blog post..Spreading the “Baby Dust”

6. miss choi - Mayo 8, 2009

Yay Mac ka na rin!!!

miss chois last blog post..Your Sanity Has Left the Building

7. Dennis - Mayo 8, 2009

Huuuuuy! kumusta naaaaaaa? long time a.

Denniss last blog post..Goodnight!

8. F. OBSN - Mayo 9, 2009

Pinagpawisan ako sa introduction at body ng blog entry mo. Tsk. Hehe.

9. boi - Mayo 14, 2009

..napadaan lang pu. natuwa ko kay MAC.. hhehhe.

..link po kitah. ^^

..mamatz.

bois last blog post..Panaghoy Ng Lolo Ni Boi


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: