jump to navigation

Hello thurr, Utilitarian Friend! Mayo 7, 2009

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Musta ako?

Heto, OK lang, limang taon nang buntis — ikaw?

Tagal na nating ‘di nagkikita ano?

Buti na lang, kasi kung sakali, wala rin naman tayong pag-uusapan kungdi ‘yung nakaraan. Amboring kaya nun.

Balita ko nag-asawa ka na?

Ikaw talaga, hindi ka man lang nag-effort mag-imbita. Alam mo naman ang cellphone number ko ah. At saka YM… hindi ba’t ka-YM kita?

Sabagay, I understand.

Kung ako rin naman ang nasa posisyon mo, hindi ko rin iimbitahin ‘yung mga taong hindi ko naman ka-“tight.” Sayang lang sa per head sa reception, ‘di ba?

Actually, wala naman talaga akong pakelam sa kasal mo eh. Nasilip ko na ‘yung pics niyo sa Friendster noon.

Ang gara ng suot mo, pero hanggang dun lang… ni hindi man lang ako nakaramdam ng urge magsulat ng testimonial.

Salamat nga pala at naalala mo akong kamustahin kanina.

Buti kilala mo pa ako?

Eh ‘yung mga kaibigan natin? Kilala mo pa? Hindi ka na kasi nagparamdam ever since mangyari ‘yung nangyari sa inyo ni ano… pero OK din lang kasi parang normal lang.

I mean, naandun ka’t wala, pareho lang.

Pasensya na ha, hindi kita mabigyan ng update tungkol sa latest happenings sa barkada natin… err, namin. Hindi na rin kasi ako madalas nagsisisipot sa mga GTGs kasi alam mo na — work.

Pero bukod dun, marami na ring nangyari — and kung totoo nga ‘yung panghimas-ego mo sa akin kanina na kesyo trip na trip mo ‘tong blog ko, malamang eh me ideya ka na kung ano ‘yung tinutukoy ko.

Ha? Binobola mo lang ako?

‘Yung blog na tinutukoy mo eh ‘yung nasa Friendster ko pa? Ah… eh matagal nang sinasapot ‘yun ah!

Sus! ‘Kaw talaga! You got me there!

For a while, akala ko nagbago ka na eh — ma-PR ka pa rin!

Nga pala, ‘yung hinihingi mong number ng artista kanina… nasa cellphone ko lang. Hindi ko na binigay sa’yo kasi… ahm… tinatamad ako?

Ikaw naman kasi, napaka-predictable mo.

Naaalala mo lang ako tuwing may kelangan kang telephone number ng kung sino mang kakausapin mo sa trabaho. O di kaya kapag me ibinebenta kang produkto sa networking. O di kaya kelangan mo ng raket. O gusto mo ng koneksyon sa Kapuso Foundation.

Paalala lang ha — hindi ako directory. Matanda na ako para maniwalang me sabong nakakapagpatunaw ng taba. Hindi ako HR officer at lalong hindi ako si Mel Tiangco — sa kulay pa lang ‘te, ang layo na namin!

O siya… lumiliwanag na.

Sa wakas, inaantok na ako — shet ka, insomnia!

Uy, sana pala next time, ano… magkunwari ka naman na concerned sa akin.

Tipong batiin mo ako sa FB kapag birthday ko, ganun. Alam mo namang mababaw ang kaligayahan ko’t madali akong ma-touch.

Ano? Hindi mo rin ‘yun alam?

Naknangtokwa ka! ‘Kala ko ba friends tayo?

O basta… try mo lang. Baka sakaling magoyo mo ako na “sincere” ka’t tulungan talaga kita next time na mangailangan ka.

Sige, ta-ta!

P.S. On second thought, kahit wala na palang next time. Alam kong effort sa’yo ang magpanggap na may pakialam sa akin at sa sampu ng barkada natin… err, namin.

Tip lang: ‘Pag me kelangan ka, irekta mo na. Spare me the pleasantries.

Taga-media ako, remember? Trained naman akong makisalamuha sa mga tulad mo. Malay mo, one of these days, sagutin kita nang matino.

(Well, siyempre depende pa rin ‘yun kung nasa mood akong i-entertain ka🙂 — XOXO)

Mga Puna»

1. miss choi - Mayo 8, 2009

Nice!😀 Yan ang tamang sagot sa mga taong chumo-chorva pa eh alam mo namang may kailangan lang.

miss chois last blog post..Your Sanity Has Left the Building


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: