jump to navigation

JLC Mayo 12, 2009

Posted by Lenggai in Luvvvvv!!!.
trackback

Sa isang coffee shop sa Cubao… papasok si Lenggai, kasama ang kanyang bespren na bading

JLC: (pasigaw pero hindi nakakairitang pakinggan) Good evening, Ma’am Lenggai! Good evening, Sir Carlo! Welcome to this darn, cool coffee shop in Cubao… ano po’ng order nila?

Lenggai: (pumupungay ang mata’t pinapa-pout ang naka-petroleum jelly na leps) Ikaw.

JLC: (magtataka) Po?

Lenggai: (liliyad sa counter, kikipkipin ang boobs para lumabas ang cleavage) Ang sabi ko, ang order namin, IKAW! (ngigiti ng senswal)

JLC: (magegets ang ibig kong sabihin, mangingiti ng kanyang sweet na ngiti) Haha! Si Ma’am talaga, palabiro.

Jarli: (poker face) Nakikita mo ba kaming tumatawa?

Lenggai: (sexy poker face) Also, I can’t see any difference… you’re, like, the best drink in the house.

JLC: (magba-blush) Kayo talaga…

Lenggai: (husky voice) No, really, ngiti mo pa lang, nagigising na kami eh.

Jarli: (boses binata pero kilos dalaga) Yeah, you always keep me up, pare!

Sandaling katahimikan…

JLC: (kunwari deadma, pero nangingiti ang mga mata) Ahm, would you like to try our bestseller?

Lenggai: (ifi-flip ang bagong X-tenso na hair) Oh sure… if you’re in the list!

JLC: (mangingiti na naman) Nyerks.

Jarli: (magiging affectionate) Naiilang ka na ba sa amin, John Lloyd? O sige, seryoso na nga… (sasabihin ang order niya)

JLC: (titingin sa akin, magbe-beautiful eyes) Kayo po, Ma’am Lenggai?

Lenggai: (lalaban sa pakikipag-beautiful eyes) The usual…

JLC: (kakalas nang tingin para mag-punch ng order) Chocolate Macadamia (alam na niya)… hot or cold?

Lenggai: (matutulala kasi tumingin ulit si John Lloyd, this time, nakangiti na ulit) Hot… like you.

Jarli: (hahampasin ako sa likod) Taena! Ang baduy mo ha!

JLC: (natatawa) Hihihi… ok lang po, nakakatawa naman po eh.

Lenggai: (huhugot nang lakas ng loob) Hindi lang ako magaling magpatawa… (kikindat)

JLC: (titingin nang may kislap sa mga mata) …

Lenggai: (aabutin ang kamay ni JLC sa counter, susulatan gamit ang Pilot na ballpen) Here’s my number. Call me… yours.

Jarli: (rolling eyes) Oh, c’mon!!!

JLC: (magba-blush) S-sure…

Lenggai: (ilalabas ang camera phone) Wait, I want to put your pic in my wallet, tara, let’s pose!

Jarli: (kukunin ang camera phone, magiging cameraman… err… woman) Ang cheesy mo, Lenggai!

Lalabas nang counter si JLC, aakbay ang kanyang right arm kay Lenggai, na as expected, naka-pose nang naka-peace sign… ang kaliwang kamay.

* Click! *

OK. Wish ko lang kaya kong gawin sa totoong buhay ‘yung mga eksena rito — kasi kung ganun, malamang eh me boypren na ako ngayon.

Also, hindi ako bagong X-tenso, namimiss ko lang si John Lloyd ng Cubao at ang kanyang magandang ngiti (AM shift na raw siya).

… at oo, mas masarap pa rin ‘yung Chocolate Macadamia na cold.

Mga Puna»

1. dompy - Mayo 12, 2009

“sir carlo”???😀

nangingilabot ako sa mga pick-up lines nyo. LOL!

dompys last blog post..Tag: Eight Things

2. Dx - Mayo 12, 2009

ba yan.. kala ko nangyari tlaga to.. sobrang npapa-“wow” ako nung naimagine ko na ganun ka na A e.. hehehhe

3. lio loco - Mayo 12, 2009

john lloyd mongoloid? bleeech!

1. napapanot na.

2. mala-chicago bulls ang butas ng ilong.

3. hindi magandang ehemplo ng kabataan dahil nagpapakyu sa mga billboards. (http://www.businessmirror.com.ph/02182008/images/life-pic07.jpg)

4. inagaw niya si sarah geronimo sakin.

lio locos last blog post..Better Late Than Absent

4. yuri - Mayo 12, 2009

correction… sir carly… hindi sir carlo…

ano ba????!!!!
😀

yuris last blog post..Lalaking Walang Bayag

5. Dx - Mayo 12, 2009

haha! buzzer beater na ba? :p anu ba yan..akala ko JLC = jeyme, lenggay, carli.

teka, bakit ka ba nagmamadali?

6. Dx - Mayo 12, 2009

oo nga.. buti na lang ako… ay pero di nga? naka-hair extensions ka nun? sosyal! hahahaha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: