jump to navigation

Germs Mayo 25, 2009

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To.
trackback

Picture namin ni Katrina Halili noong 2006.

Aminin ninyo… ang sexy namin di ba?

Pero hindi tungkol sa nakakaumay nang isyu tungkol sa sex scandal niya ang topic ng entry ko.

Tungkol ito sa nangyari kaninang dinner, sa Gayway.

Location: Foodcourt

Mga Tauhan:

Lenggai – bida, maganda pero medyo chubby

Jayme – bespren ni Lenggai na maganda at sexy

Jarli – bespren ni Lenggai na maganda at semi-kal

Adrian – kaibigan nina Lenggai, Jayme at Jarli na taga-USTe. Maganda rin. Malamang.

Kalalapag lang ni Jarli ng kanyang order na Kani Salad at California Maki sa mesa…

Lenggai: (nandidiri) Eew! Ba’t umorder ka pa niyang kani salad?! Di ba sabi ko sa’yo me ipis na gumagapang diyan kanina?

Jarli: (titingin sa kani salad… tapos deadma) San ba?

Lenggai: Dun sa lalagyan ng tinabas na nori!

Adrian: As in nakita mo? Saan ba?

Lenggai: (pabibo) Oo! Galing siya sa wall, tapos akala ko hindi siya papasok sa lalagyan, eh pumasok…

Adrian: Baka naman daplis lang…

Lenggai: Hindi! Nag-dive siya! Kumbaga parang sa haystack… lumusong!

Adrian at Jayme: Eeeww.

Lenggai: (kay Jarli) Kaya ‘yang kinakain mo, me ipis na ‘yan!

Jarli: (unaffected) Deadma. Ipis lang ‘yan.

Lenggai: OK, let’s just pretend na hindi mo alam na me gumapang na ipis sa nori toppings mo…

Adrian: Eh ba’t naman hindi mo sinabi dun sa nagse-serve na me ipis?

Lenggai: Eh wala lang. Late na nung nakita ko eh, pumasok na.

Adrian: Naku! Saan ang serbisyong totoo mo? Dadalhin mo sa konsensya mo ‘yung mangyayari sa mga nakakain nung dinapuan ng ipis…

Tumingin kami kay Jarli.

Deadma.

Mga Puna»

1. dompy - Mayo 25, 2009

wala akong masabi kundi… EEWWW! yoko pa naman ng ipis.

2. lio loco - Mayo 25, 2009

gusto kong magbigay ng barya tungkol sa ipis na usapan niyo pero sa tuwing nakikita ko ang piktyur sa taas, naaalala ko ang araw na pinaayos ko ang sapatos ko at kung gaano kagaling magbrotsa ang sapatero sa mr. quickie.

lio locos last blog post..Careless Whisper (And Moans of a Pseudo-Doctor Sex Maniac and an FHM Star-Slut from Third World Hell)

3. Jon Cabron - Mayo 26, 2009

buti nga!

ahhm ang ibig kong sabihin e “buti nga ipis lang at hindi daga” ktnxbye.

Jon Cabrons last blog post..ohmnomnomnom

4. yuri - Mayo 28, 2009

ano itong ka-ipis-ang nangyayari dito?

at ano ang problema nitong si jon cabron?

ha? ha? ha?
๐Ÿ˜€

yuris last blog post..Lalaking Walang Bayag

5. yuri - Mayo 28, 2009

nga pala, may comment ako sa picture… ba’t parang ang payat mo jan… parang mas payat ka pa kay katrina (yun yun eh)… kaya lang, nagpapa-extenso ka na ba niyan?

hehehe!
๐Ÿ˜€

yuris last blog post..Am I hot? Or am I very hot?

6. Tita Cezh - Mayo 30, 2009

Sa biglang tingin magkahawig kayo nun sa picture,yun nga lang sa biglang tingin lang.Mag ingat sa ipis kasi pwdeng magitlog yan under the skin at manganak. Can you check your email sa gmail me tanong ako sa imo.

7. mela - Hunyo 3, 2009

maganda si katrina sa picture๐Ÿ™‚

melas last blog post..Good Baby Books to Read


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: