jump to navigation

Biyahe Hunyo 1, 2009

Posted by Lenggai in Lipad-isip.
trackback

Nangyari ‘yun sa araw na alam kong hindi ako maganda.

‘Yung tipong alanganing unat, alanganing kulot ‘yung bagsak ng buhok ko, tapos ang dry-dry ng mukha ko at namimintog ‘yung katawan ko sa suot kong T-shirt na pinatungan ng pink na halter top.

Gabi na ‘yun eh, mga pasado alas-onse.

Kahihiwalay lang naming magkakaibigan sa aming napurnadang pakikipaglandian kay JLC (wala, mag-iisang buwan na namin siyang hindi naaabutan… da-diabetesin na ako sa kakainom ng kape at chocolate macadamia… also may girlfriend na nga talaga ‘yung tao!).

Gaya ng nakagawian, nagsaksak ako ng earphones… nagpatugtog ng Eheads… at nagpanggap na ang buhay ay isang malaking music video.

Patawid na ako ng Farmer’s nang makilala ko ‘yung likod niya.

Siya.

Nakumpirma ko lang nung papaliko na ako sa sakayan ng bus.

Parang me humatak sa balikat ko’t nagsabing: “Hep! Eka lang!”

Sa bukas pa lang ng tawa niya, hindi ko na kailangan pang makita para makilala kung sino ‘yung kasama niya.

At sandaling naglaban sa imahinasyon ko ‘yung mga posibleng eksena sakaling magparamdam ako.

Sa totoo lang, ilang beses nang nag-replay sa utak ko ‘yung perpektong senaryo sakaling magkaharap-harap kami eh: Si Lenggai — maganda at nakaporma habang sila… normal lang.

Pero sa mga oras na ‘yun, hindi sang-ayon ang cosmos sa mga plano ko.

Humihiyaw na si Ely sa eardrums ko, pero mas nakabibingi ‘yung mga linyang nagki-kris-kros sa utak ko.

Tatlong minuto… dumating ang bus.

Nauna na silang tumawid. Pinigilan ko ang sarili ko.

May sumunod pang dalawang bus — pakonsuwelo ni Papa Jesus.

Pinalipas ko ang sampung segundo, umandar na sa wakas ‘yung sa kanila.

Sumakay na ako run sa pinakahuling bus.

Kung siguro normal na araw lang, matutuwa pa ako sa diskarte ng driver na animo’y patok na jeep lang ang dala kung humarurot.

Parang hinahabol ng sasakyan ko ‘yung mga ala-alang matagal ko nang iniwanan. Nag-text ako sa barkada ko, kesehodang ma-snatch pa ‘yung cellphone ko. Kailangan ko ng makakapitan.

Sa mga pagkakataong nagtatapat ang bintana namin ng kabilang sasakyan, ni minsan, hindi ako lumingon.

Sabi nga ng kaibigan ko: “Akala ko tapos na?”

Siguro ang tamang sagot eh: “Akala ko rin.”

Pero alam kong tapos na. Nakakarimarim isipin na may natitira pa.

Beinte minutos. Nagme-menor na ‘yung bus namin sa kanto.

Akala ko, itotodo na ni Papa Jesus ang pagti-trip at pagsasabayin pa ang mga sasakyan namin sa babaan. Buti na lang, hindi nangyari.

Nauna na ang biyahe nila… nakahinga ako ng maluwag. Ayoko na nang ganito, kaso wala naman akong magawa.

Gusto ko nang lumimot at makalimot, pero gaya nang nakagawian, mag-isa ko pa ring tinawid ang highway pauwi.

Mga Puna»

1. dompy - Hunyo 1, 2009

wetaminit rayt der… kilala ko ba to?

dompys last blog post..Enlighten me…

2. kurokuro - Hunyo 1, 2009

huy, ito ba iyung naghiwalay tayo? aba, nakita mo siya?

3. lio loco - Hunyo 2, 2009

sows! eh di maghanap ng bago at nang hindi mo tawirin mag-isa ang highway senio. patulan mo na yung jlc maski na nakakarindi pa rin sa pandinig ko ang mga titik na yan. huhlolz!

off-topic:

may nabasa ko rito minsan tungkol sa isang bandang iniidolo mo nang buong puso’t kaluluwa pero sa isang di magandang pangyayari eh nawalang parang bula. at pagkatapos nun, sabi mo eh dinelete mo na lahat ng post tungkol sa kanila rito.

sila ba nina ely un?

lio locos last blog post..Para sa Lalakwe sa Bintana ng Silid Bilang 401 sa Ikaapat na Palapag ng Impyernong Dormitoryo sa España


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: