jump to navigation

Taya Hunyo 3, 2009

Posted by Lenggai in Lipad-isip, Luvvvvv!!!.
trackback

Naka-sando bra pa lang ako nang una akong ma-introduce sa konsepto ng paniniktik.

Hindi ko pa alam na paniniktik ang tawag dun, basta may kapitbahay kami noon na crush ko at madalas kong abangan ang pagdaan niya sa bintana ng bahay namin.

Strict ang parents ko kaya hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay, ang ending — nakukuntento na lang ako sa panaka-nakang pagtanaw sa kanya.

One time, dahil sa sobrang hindi ko na mapigilan ang pagkaaliw ko sa ka-cute-an niya (at dahil na rin sa mga gintong aral na nasungkit ko sa programang “Love Notes”), sumulat ako ng pagkehaba-habang love letter.

Nung nakapag-ipon na ako ng sapat na lakas ng loob… inihagis ko ‘yung sulat sa kabilang bakod namin.

Hindi ko alam kung nakarating o kung nabasa nung kapitbahay namin, pero dahil normal pa naman ang ikinikilos niya nung mga sumunod na araw, sa palagay ko eh kasama nang nasunog sa bundok ng Payatas ang mga kahibangang pinagsususulat ko run.

Buti na lang di ba?

Pero hindi pa run nagtatapos ang kuwento.

First year college — may crush akong prof. —- si Erns — cute at sariwa bagong graduate.

Dahil nasa first floor ang classroom namin, napakaganda ng vantage point ko sa Faculty Room — kabisado ko na halos ‘yung schedule ng paglabas-masok ni Erns dito. Tapos ang style ko pa noon, kunwari, magtatanong ako ng kung sinu-sinong prof. na alam ko namang wala sa loob para lang may excuse ako na makausap siya.

Hanggang sa maramdaman ko na naman ‘yung “urge” na ipahayag ang aking walang-hanggang pag-ibig — isang araw, dinala ko ang aking camera… at nagpa-picture kay Erns.

Nakakatawa nga kapag tinitingnan ko ulit ‘yung litrato namin… halos five inches siguro ang liit ni Erns sa akin kaya ganun na lang ang pagkuba at pagtaas ko ng balikat para magmukha akong petite sa litrato.

Noong sumunod na taon, naglaho na ang pagkaaliw ko kay Erns, napalitan ng pagkahumaling sa kambal na volleyball player.

Dito ko tuluyang napagtibay ang aking talent sa paniniktik — nakabisado ko ang schedule ng pagdating at pag-alis nung kambal — 11:30 am at 3 pm. 3:30 papunta na sila sa gym para mag-ensayo.

‘Yung football field ng USTe ang naging paborito naming tambayan ng iba ko pang mga kapanalig sa paghanga sa mga guwapong volleyball player — dito na kami nagmemeryenda at gumagawa ng assignment. Umabot pa nga sa puntong nag-enroll kami sa swimming classes sa PE para lang magkaroon ng pagkakataong rumampa sa gym sa oras ng kanilang praktis.

Lilinawin ko lang, hindi tulad nang ibang hardcore stalker, hanggang tingin lang ang trip namin… at siyempre, ‘yung paminsan-minsang pagpapa-picture — remembrance.

Personally, nagbunga ang aking pagiging “anino” dahil nakilala, at eventually, naging kaibigan ko ang mga miyembro ng volleyball team. Pagdating ng debut ko, complete attendance sila… at siyempre, balato na nila ang aking ka-last dance.

Naging susi rin ang aking fascination sa mga guwapong atleta para maging miyembro — at eventually, sports editor ng University paper.

“Praktis” din ‘yun nung naging researcher ako sa TV. Natuto akong bumoka at magmanman.

Sa ngayon, tanging ang photo album ko na lang ang pruweba ng makulay kong kahibangan. Totoo pala ‘yung sinasabi nung kaibigan kong prof., si Ma’am Clavo de Comer — balang araw, pagtatawanan ko lang ‘yung mga pinaggagagawa ko noon.

Pero hindi porke napagtatawanan mo na ‘yung experience, ibig sabihin, tapos ka na sa stage na ‘yun.

Hindi ibig sabihin, matanda ka na para maramdamang muli ‘yung “urge.”

Not until kanina, nang makasalubong ko sa me tulay papuntang Gayway si JLC.

Busy ako noon sa kakatawag sa kaibigan kong ayaw sumagot ng cellphone kaya medyo hindi pa nag-register sa akin na si JLC na ‘yung makakasalubong ko.

Pag-angat ko ng mga mata ko… BAM!

There he was.

Ang guwapo pa rin niya. Cute, actually — naka-pout pa ‘yung labi at medyo seryoso ‘yung tabas ng mukha.

Ibinaba ko agad ang tingin ko. Hindi ako tumitig. Hindi na naman ako handa… feeling ko kasi, bad hair day ako.

Hanggang sa lumagpas na si JLC… naramdaman ko ‘yung “urge” na sundan siya… para masiguro lang na hindi ako nililinlang ng mga mata ko.

Huminto ako sandali, tumabi at umakmang babalik… sa limang segundong pagkakatayo ko sa tapat ng Pizza Hut… nag-fast forward sa utak ko ang mga posibilidad: ‘yung kapitbahay ko noon, si Erns, ‘yung kambal na volleyball player — mga lalaking nagmarka sa aking nakaraan pero walang pinatunguhan — tapos ‘yung walong taong agwat ng edad namin ni JLC at ang katotohanang me girlfriend na siya.

Gustuhin ko man — at alam kong kaya ko — puwede ko naman siyang habulin. Kaya ko pang lumikha ng moment para “aksidenteng” mag-krus muli ang aming landas.

Kaso pagkatapos… ano?

Pumihit ako pabalik ng Gayway.

Tama na muna. Pagod na akong humabol.

Mga Puna»

1. lio loco - Hunyo 3, 2009

kung hindi ngayon, kelan pa? kung walang lakas ng loob, may mabahong utot. gee ep lang yun. hindi pa nakatali sa puson ng pinakamamahal mong jlc. gamitin ang pagkabiba bilang pinay blogkaster.

lio locos last blog post..The End of The Great Bastard Blogger aka SSDD Boy? (O Kung Paanong Niribisa ng Kabalahuraan ni Lio Loco ang "Mi Ultimo Adios" ng Chickboy na si Rizal)

2. dompy - Hunyo 3, 2009

lam mo ba, sabi sa kin Erns has crossed the void… he’s gay na raw. true ba?

natawa naman ako dito. liban kay JLC at sa kapitbahay mo dati, alam ko ang “routine” mo noon. suddenly remembered those days. hahaha!πŸ˜€

dompys last blog post..Inconsiderate drivers: the bane of Pinoy commuters

3. Dx - Hunyo 3, 2009

ang haba!!! :p

(potek! your comment is too short?? pls say something useful!?? wahahahaha!)

4. kurokuro - Hunyo 3, 2009

haynako. kung kasama mo ko pinagpilita n na kita dun!

5. watusiboy - Hunyo 4, 2009

nakow, magaling din ako dyan. bawat kibot ng crush ko, napapansin ko. dahil sa talent kong ‘yan, sumagi sa isip ko dati na pwede ako sa NBI. hehe.

sana sakyan ng tadhana ang istorya nyo ni JLC. kung hindi, santong paspasan na ‘toπŸ™‚

6. yuri - Hunyo 4, 2009

juice ko…

high schoolish na yang pagiging stalker mo (as if hindi ako yung kasama mo, after mong nakita si jlc… na apparently, pareho nating nakasalubong)…

at ano yang sinasabi mong “sayang na punla”… tama nga yan… at least, napipigilan ang population explosion…

mabuhay ang mga nag-o-ober da bakod!!!

btw, sino ba yang erns na yan? hehehe!
πŸ˜€

yuris last blog post..Am I hot? Or am I very hot?

7. Lenggai - Hunyo 14, 2009

@watusi: hindi kami magkakilala talaga, researcher ko yung nag-interview sa kanya kasi editing na ako nun… pero type nga rin siya nung researcher ko, sabi na nga ba!!! LOL! pero in fairview… piercing ang eyes niya… LOL!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: