jump to navigation

Ninoy Hunyo 5, 2009

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Noong Lunes pa dapat dumating ‘yung kasambahay namin na si Erot.

Pinadalhan siya ni Mama ng P500 para may pamasahe siya from Quezon Province to Quezon City. Second time na sana niyang magtatrabaho sa amin, noong una kasi, umalis siya dahil magtatrabaho raw siya sa isang factory sa Cebu.

Nag-end of contract na siya last month. Kaya ngayon, libre na siyang bumalik sa amin. Sakto naman ang timing niya kasi kaaalis lang nung napaka-efficient naming kasambahay na si Ate Maida — pupunta sa Taiwan si Ate Maida.

Linggo ng hapon, nag-text si Erot. Tinatanong daw ng Tita niya kung puwede raw bang hindi muna pumunta ng Manila si Erot. A-attend daw ng kasal.

Sagot ni Papa: Hindi.

6 pm: humahampas ang ulan. Nasa Alabang na raw si Erot, pero hindi na raw siya tutuloy kasi sobrang sama raw ng panahon. Magpapabukas na lang daw siya sa bahay ng mga Tita niya.

Sagot namin: K.

Lunes ng umaga, wala pa rin si Erot. Tinext siya ng kapatid ko, gamit ang aking cellphone.

Sophia: San ka na? Wut tym ka darating?

Erot: Papacheckup lang ako. Pde bng sa 7 na me punta sa inyo?

June 1 ‘yun. Ibig sabihin, may anim na araw pa bago kami magkaroon ng kasambahay? Wala namang kaso dahil aral naman kami sa gawaing bahay, pero naipadala na namin ang pera. Usapan nga Linggo pa lang, dapat nasa amin na siya.

Pinatawagan ko na si Erot sa kapatid ko. Ayokong ako ang makipag-usap dahil panigurado, matatarayan ko lang siya.

As it turned out, nag-apply ng trabaho si Erot dito sa Manila. Hindi siya pumasa sa physical exam kaya ginamit niya ‘yung P500 for check-up. Wala raw talaga siyang balak bumalik sa amin.

Nag-init ang ulo ko.

Nung una, ‘yung kapatid ko pa ang umaaway sa kanya sa text, nung kinailangan ko nang pumasok sa office, ako na ang kumausap sa kanya.

Matapos ang ilang yada-yada, “Pacenxa na puh” at “sori puh” messages, nagpaalam si Erot. Maliligo raw muna siya. Magpapa-load daw siya at magte-text ulit sa akin.

Sinagot ko: “Wag mo na akong itext. Ayoko sa’yo. Si Mama na lang ang kausapin mo. Sayang ka lang sa bill ko. Paulit-ulit lang naman ang sinasabi mo, eh ang punto lang dito, hindi ka maayos na kausap.”

After nun, hindi na nag-text si Erot.

Kanina, kinamusta ko kina Papa kung naibalik na ‘yung pinadala nilang pamasahe.

Papa: Yari nga tayo.

Lenggai: Ha? Bakit?

Papa: Binayaran na nung Lola ni Erot kay Tita B. mo ‘yung P500.

(Si Tita B. ‘yung kamag-anak namin na kapit-bahay nina Erot. Siya ‘yung nagrekomenda rito.)

Lenggai: O, so nabalik na sa inyo?

Papa: Hindi pa.

Lenggai: Eh bakit?

Papa: Tinawagan ko si Tita B. mo kanina, ang sabi niya, nung Martes pa pala nabayaran. Pinagsabihan nga raw niya ‘yung Lola, dapat daw inamin na lang sa atin na ginamit ‘yung pera para sa check-up, hindi ‘yung nagsinungaling pa.

Lenggai: O, eh nasan na nga ‘yung pera?

Papa: Yun nga eh, kung hindi ko pa tinawagan si Tita B. mo, hindi pa aaminin sa akin na nasa kanya na ‘yung 500.

Lenggai: Eh ba’t hindi na niya pinadala kaagad?

Papa: Sa Smart lang daw puwede. Smart Money.

Lenggai: Kalokohan. Wala bang Western Union sa Quezon?

Papa: Nasa ibang bayan pa raw. Malayo. Eh siyempre mamamasahe pa sila, eh di wala nang natira run sa pera.

Lenggai: O, eh anong balak niya? Pa’no ibabalik ‘yung pera?

Papa: Sabi ko nga, di ba me bilihan naman ng Globe sa kanila? Ibili na lang niya ako ng call card, 300 at saka tig-100. Itext niya sa akin ‘yung card number para magamit ko.

Sophia: Me autoload naman di ba?

Papa: Eh ‘yung autoload mabilis mag-expire. ‘Pag card, three months.

Lenggai: O, eh ba’t di pa niya ni-load kaagad?

Papa: (Ngiti)

Lenggai: Tang*&ang mga taga-probinsya ‘yan, o! Ba’t ba hindi na lang sinabi na gagamitin ‘yung pera?

Papa: Eh automatic na ‘yun. Siguro pagkakuha ni Tita B. mo nung 500, napa-“yes!” na lang siya.

Lenggai: Hindi naman nila pera ‘yun eh. Ba’t naman ganun si Tita B.? Eh kahit kamag-anak mo hindi mo na mapagkatiwalaan!

Mama: Wala ka nang magagawa ‘run, eh sa ganun ‘yung ugali nila eh.

Lenggai: So kelan daw mababalik ‘yung pera?

Papa: Pagbalik daw niya sa kanila.

Lenggai: Huh? Eh ba’t di na nga lang bumili ng call card?

Napangiti na lang ulit si Papa.

Mga Puna»

1. yuri - Hunyo 6, 2009

hay, ate… na-discuss na natin ito… choose your battles… P500 lang yan… kung 5k, dun ka mag-isip…

wag kang mag-alala… digital na ang karma…
😀

yuris last blog post..Am I hot? Or am I very hot?

2. lio loco - Hunyo 7, 2009

immaterial. sa sinasahod mo sa istasyon niyong mapagmahal, malamang sa malamang, petty cash mo lang ‘yan. huhlolz!

lio locos last blog post..The End of The Great Bastard Blogger aka SSDD Boy? (O Kung Paanong Niribisa ng Kabalahuraan ni Lio Loco ang "Mi Ultimo Adios" ng Chickboy na si Rizal)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: