jump to navigation

Style Hunyo 7, 2009

Posted by Lenggai in Lipad-isip, Luvvvvv!!!.
trackback

Makailang ulit na nilambing ng hinlalaki ko ang keypad ng aking cellphone.

Pasado alas-dos pa lang ng hapon at umaambon, perfect bed weather… pero tinatamad pa akong umuwi.

Pilit kong hinalughog sa utak ko ang maikling listahan ng mga kaibigang available sa oras na ‘yun… pero wala.

May dalawa akong pagpipilian: manood ng sine o tumambay sa mall… nang mag-isa.

Sumakay ako ng MRT at dumiretso sa Gayway.

Dala ko ang laptop ko kaya dun ko napag-desisyunang gawin ‘yung bagay na dati ko pa pinapangarap gawin, pero wala akong lakas nang loob…

Binisita ko si JLC.

Ilang araw na ring naglalaro sa imahinasyon ko ‘yung mga posibilidad: paano ako magpapakita kay JLC?

Nasa AM shift na siya kaya medyo effort nang puntahan. Na-immune na rin ‘yung mga kasamahan niyang barista sa presence namin ng kabarkada kong bading, kaya hindi na nila naiisip na si JLC lang ang dahilan nang halos araw-araw naming pagbisita sa shop nila.

Habang hinahatak ako ng aking mga paa papunta kay JLC, nagtatalo ang iba’t ibang reaksyon na ipapakita ko: Magpapatay-malisya ba ako? Magkukunwaring nagulat dahil buhay pa siya? O normal lang, feeling pa-cool at itatrato siya gaya nang mga ordinaryong barista na nakakasalamuha ko?

Pagtapak ko sa loob ng coffee shop… nahagip na ng mga mata ko ang batok niya.

Kunwari’y naghahanap nang mauupuan, at nung sumunod na lingon ko, saktong umikot siya para humarap sa counter… napa-cheer ako sa aking sarili: “‘Yun ‘yun eh!”

At ngumiti siya nang makapigil-hininga niyang ngiti…

JLC: Hi, Ma’am! Long time, no see!

Lenggai: (ngiti, kunwari nagulat) Uy! You’re alive! Hindi ka na namin nakikita?

JLC: (ngiti pa rin) Oo nga po eh, AM shift na po ako…

Lenggai: (di makatingin nang diretso) Hinahanap ka namin dati eh, akala namin wala ka na.

JLC: (napabungisngis) Hehe!

Bumati ‘yung ibang mga barista — bakla at babae, pinansin ko para hindi naman mahalatang si JLC ang sentro ng mundo ko sa mga oras na ‘yun. ‘Di nagtagal, bumigay din ako sa pakurap-kurap niya habang nakangiti’t nagsu-suggest kaya napabili ako ng smoothie na lihis sa karaniwan kong inoorder. In fairview, masarap naman.

Naghanap ako ng puwesto… sa harap mismo ng counter, pero imbes na humarap sa “view”, tumalikod ako… at nag-laptop para magmukhang busy.

Hindi ko kayang humarap sa kanya eh. Baka matulala na lang ako nang hindi ko namamalayan, magmukha pa akong tanga.

Tinext ko ‘yung kabarkada ko na may HD rin ke JLC, at sinabihan niya ako na stalker.

Dun ko na-realize na ang hirap palang sarilinin ang kilig — ngumingiti akong mag-isa sa tuwing nagbabanyo ako’t nagtatama ang tingin namin at ngumingiti siya. Nang maubusan na nang baterya ‘yung laptop ko’t nakatulala na lang ako sa kawalan, inihigop ko na lang ‘yung tili ko nung bigla siyang lumitaw sa me tagiliran ko’t inalalayan akong lumipat sa ibang table na malapit sa saksakan ng kuryente. Alam kong wala rin kahulugan, pero natuwa rin ako nung sinabi kong kelangan ko nang umalis at sinabi niya: “Ingat po kayo!”

Pakiramdam ko, reflex na lang nung kumaway ako’t ngumiti sa iba pang kasama niyang nakahilera sa counter, pero habang palabas ako… ang pinakatumatak sa akin eh ‘yung hitsura niya nung iginilid niya ang kanyang suot na cap… saka humilig sa counter at ngumiti nang paalam.

Quota na!

Halos di ko na maramdaman ang mga paa ko pagkasakay sa kotse nang kaibigan ko.

Sa susunod na linggo, malabong maulit pa ito dahil effort… at may trabaho pa akong dapat… oh… trabaho, trabaho... nakalimutan ko na namang propesyunal na ako.

For a while, akala ko kasi, nasa kolehiyo na naman ako.

Mga Puna»

1. lio loco - Hunyo 7, 2009
2. boi - Hunyo 8, 2009

..ayie naman.

..taga starbucks ba si mr. JLC?

..haha..

..napadaan lang ulet ^^

bois last blog post..Bankalandian

3. kurokuro - Hunyo 9, 2009

ang lantod! oi naka-leave ako. lakwatsa tayo!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: