jump to navigation

Pinoy Spa, atbp. Hunyo 10, 2009

Posted by Lenggai in Boo!, Featuring: Ako!.
trackback

Nagluluya na naman ang paa ko noong Lunes — panahon na para magpa-foot spa.

Pumunta ako sa 3rd floor ng Farmer’s, Cubao, dun sa sulok na hilera ng Freshaire. Meron dung parlor: Pinoy Spa, atbp.

Mukha namang mura at disente ang serbisyo kaya naisipan kong testingin.

Dito ko nakilala si Nora, ang kaherang maldita — well, wala akong basehan diyan maliban sa hindi niya sineseryoso ‘yung mga tanong ko tungkol sa presyo at kalidad ng foot spa at pedicure nila. Kulang siya sa lambing kung sumagot, akala niya siguro wala akong pambayad kasi hindi ako nakaporma.

Pero deadma.

Mas nangibabaw ang boredom kaysa sa taray dahil tatlong oras pa naman bago kami magkita ng mga kaibigan ko.

Umupo ako sa couch na katapat ni Nora. May katabi akong kano — well, wala rin akong basehan kung Amerikano talaga siya maliban sa mukha siyang Caucasian, at sa bokabularyo nating mga Pinoy, basta puti, kano na.

Tawagin na lang natin siyang Joe.

Mga ten minutes na akong nakatulala sa couch at dahan-dahan na akong nilalamon ng antok. Ipapasak ko na sana sa tenga ko ‘yung earphones ng iPod nang kausapin ni Nora Maldita si Joe — ubos na raw ‘yung stock nila ng pang-highlight sa buhok.

Sa tagal niyang nakaupo run sa couch, mukhang ‘yun lang ang ipinunta run ni Joe.

“That’s unacceptable.”

Pinaulit ni Nora ‘yung sinabi ni Joe.

“That’s unacceptable.”

Unacceptable daw ‘yung sagot ni Nora. Unacceptable na maubusan ng pang-highlight ‘yung parlor samantalang thirty minutes ago, may hawak pa raw silang dalawang bote nun.

“You cannot just lose your stocks immediately.”

Biglang nagising ang dugo ko.

Inilabas ko ang aking notebook at dali-daling nag-take down notes… this is so bloggable!

Nangatwiran si Nora. Wala na raw talagang stocks at usually, six months daw talaga ang palitan ng inventory nila.

“Well, at five months and a half, you should order new stocks, or else you’ll lose customers. That’s not how you do business.”

May point si Joe. Pero sa mundong ginagalawan ni Nora, hindi niya responsibilidad ang pagche-check ng stocks.

“Someone should be in charge of the orders. How about your boss?”

Nope. Hindi rin daw responsibilidad ng boss nila ang pag-check ng stocks.

“Then you’re in trouble. Someone should have counted the bottles and noticed that ‘Oh! We’re running out of stocks! We should order more!’”

Iginiit pa rin ni Nora na hindi siya ang in charge sa ‘kinangnang stocks ng parlor nila.

Ipinaglaban naman ni Joe ang karapatan niyang magpa-highlight ng buhok.

Maya-maya, suko na sa inglesan si Nora. Tumingin siya sa akin, bahagyang nakangiti at nangungusap ang mga mata, parang sinasabi: “Tingnan mo ‘tong kanong ‘to, fellow Pinay, ang OA ‘no? Di ba? Di ba?!”

Akala niya siguro ngingiti rin ako’t makikisimpatiya. Pero ni kislot, walang nagbago sa mukha ko.

Lumipas ulit ang ilang minuto, ‘yung sermon ni Joe kay Nora at sa sampu ng mga kasamahan nito tungkol sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga kliyente eh naging monologue. Monologue dahil nagsisimula nang mag-entertain ng ibang guests sina Nora… habang si Joe… nagmo-monologue.

Basta iisa lang ang palaging tumatatak sa mga sinasabi niya: “That’s not how you do business.”

Maya-maya, dumating na ang kasama ni Joe na Pinoy. As it turned out, suki pala si Joe nung Pinoy Spa, atbp. Gandang-ganda siguro siya sa highlights nung parlor na ‘yun kaya kahit pagkapangit-pangit ng trato sa kanya nung staff dun, mas gugustuhin pa niyang magdala ng sarili niyang gamot kinabukasan at ituloy ang pagpapakulay dito.

Atrasado na si Joe, sisingilin pa rin siya pagbalik niya ng P399 para sa labor.

Sa loob-loob ko, suwerte ang may-ari nung parlor na ‘to, kasi kahit ganun ang ugali ng tao niya, nakakatsamba pa rin siya ng loyal customers na kagaya ni Joe.

Tapos, bago umalis si Joe, nag-iwan pa siya ng words of wisdom kay Nora:

“This is the first time you gave bad service. You always have to be ready. That’s not how you do business.”

Halatang galing sa ilong, pero humingi pa rin ng dispensa sa naubos nilang stocks si Nora. Ngumiti lang si Joe at nag-“See you tomorrow!”

Paglabas ni Joe at ng kasama niyang Pinoy, parang mga tupang sumasaklolo sa kasamahan nilang bagong-kalbo ‘yung ginawa ng staff sa kahera.

Batuhan ng sympathy vote: kesyo sa bakla raw si Joe… OA raw ‘tong mag-demand… at mahirap naman daw talagang kulayan ‘yung buhok nun kasi matanda na, puro white hair.

“NIre-reject na nga siya, hindi ba niya nahahalata?” Si Nora.

Ayaw na raw kausapin nung Mel si Joe. Ewan ko kung ‘yun ang may-ari, pero apparently, nung naghahanap nang makakausap na OIC si Joe, ‘yung Mel ang umiiwas.

“Regular ‘yan eh, nire-reject na nga siya, bumabalik pa rin, ayaw umalis.” Ulit ni Nora.

First time kong nakarinig ng business na gustong magtaboy ng regular customer.

Tapos, sa pagkakatanda ko naman, wala ni isa sa kanila ang nagsabing “F*ck off, old man!” nung nandun si Joe.

Dapat siguro ginanun nila ‘yung tao. Para lang malinaw, di ba? Nakangiting-aso pa kasi silang lahat the whole time, eh mukhang hindi marunong bumasa ng kaplastikan ‘tong si Joe.

“Ang dami namang parlor diyan, may Ricky Reyes, may Freshaire, bakit hindi siya dun magpakulay?”

Sobrang absorbed ang staff ng Pinoy Spa, atbp. sa paninira sa kanilang regular customer na si Joe, hindi tuloy nila napansin ‘yung pinu-foot spa na babaeng nagtatala ng lahat ng mga pangyayari sa kanyang notebook.

Gusto ko tuloy sabihin: Hay naku, Nora… Nora… Nora… that’s not how you do business.

About these ads

Mga Puna»

1. lio loco - Hunyo 10, 2009

hindi nga kaya bakla talaga si joe?

but that’s beside the point. ang punto nga naman eh dapat ung muka ni nora ang finofootspa. that’s not how you do business.

2. lio loco - Hunyo 10, 2009

o.O

ang o.a. ng kuta mo. isang beses lang naman akong nagcomment bat dinawala niya? huhlolz!

…hindi kaya bangag na naman ako?

:-S

3. SuperSawsaw - Hunyo 11, 2009

ayos ha. naaliw ako dun sa “this is bloggable” hahahaha… sarap sipain siguro sa mukha nung nora na yan.

SuperSawsaws last blog post..Loan Sharks Asking Help from Senate

4. Ah'Kong - Hunyo 11, 2009

aliw ako dito sa entry mo…..enjoy LOLs

kakaaliw naman itong si Nora kulang sa PR sarap sabunutan ng buhok (sa ilong) Kung ako ang may ari niyang establishment na yan sigurado palit lahat ng staff, hindi pwede yung ganun sa customer dapat kung ano ang service na hinihingi ng customer eh ibinibigay, pag nawalan sila ng customer mawawalan din sila ng kita at mawawalan sila ng sasahurin na sweldo. Baka hindi naiisip ng staff nila yon.

Malamang hindi rin alam ng may ari ang ginagawa ng empleyado niya.

San ba yan at mapuntahan, mag papa-foot spa ako sa mukha…LOLs

Ah’Kongs last blog post..Help Me if you Can

5. antuken - Hunyo 14, 2009

kawawa naman si joe. pinagtatabuyan. tsk tsk.

6. dompy - Hunyo 15, 2009

minsan talaga may mga taong not born to be a good salesman. kaya nga di ko kinarir ang pag-call center.

in nora’s case (and even the manager), hindi ata sila na-orient ng mabuti sa pagbebenta ng kanilang maganda sanang serbisyo. to think na regular customer yun, dapat i-value nila ang opinyon niya.

nde issue ang pagiging kano nya at pinoy nung isa, or ang pagiging bading ni joe. a customer may not always be right, but he/she deserves good service at all times.

and if that’s the way they do business, i foresee their demise in about a year’s time.

dompys last blog post..Leave

7. Rac - Hunyo 16, 2009

Just searched for the fabled Pinoy Spa in Farmer’s and stumbled onto this blogsite of yours.

“I loves it!”
:)

8. eucgamp - Hunyo 26, 2009

Grabe naman yon, I was getting ready to go there tomorrow pa naman, since one of my co-worker have avail their body massage there and suggested that I try it too. She has a positive feedback about their price and service. sana wala doon si nora o kaya may ibang nakashift bukas, But well I will still try it, and write a comment or bloggable my experience.

9. sweety - Hulyo 6, 2009

hay naku malamang korak u friend! dapat nreport u nalng s may-ari ginawa nung kahera para naaksyunan. di naman kasi ganyan ung may-ari s clients nya, mmaayos xa makipag-usap lalo n at regular client di pwede n maging ganun pakitungo. mabait ang may-ari ng pinoy spa, ung kahera lang cguro ang umaabuso lalo n pag wal ang amo. kng m arami ng client ang naka2puna ng masama niang pagtanggap o paki2pag-usap s mga client dapt malaman n yn ng may-ari para maaksyunan!

10. sweety - Hulyo 7, 2009

nagp-print n me ng kopya ng blog n ginawa u, pinabasa k s pamilya k nalokah sila! korak masama tlaga ugali ng ibng staff dun lalo n ung baklang maputi kasi iaaway tlaga clients kahit p regular customer n! d b dapt magiliw sila s customer dahil kng wala tau d rin magi2ng successful business nila!dapat maging aware ung owner s iba niang staff! ka2lokah!

11. mandirigma - Pebrero 23, 2010

mabait nman c ms.nora

12. mandirigma - Pebrero 23, 2010

mabait nman c ms.nora n meet q na cia un lng

Lenggai - Hunyo 14, 2009

nagaya ka na run sa isang bakla na ginawa na lang rason na bakla si joe kaya ganun siya umasta… LOL!

nway, parang di ako agree na ma-foot spa mukha ni nora… gumanda pa yan, ehdi lalong sumama ugali!

Lenggai - Hunyo 14, 2009

are you drug? is you addict? bwahah!

Lenggai - Hunyo 15, 2009

hindi lang sipa… sarap i-scrub… baka sakaling ma-scrub din ‘yung kanyang ugali… salamat sa pagdaan!

Lenggai - Hunyo 15, 2009

Sa cubao, as in lahat ng impormasyon dito factual… maliban sa alyas ni joe!!!

Lenggai - Hunyo 15, 2009

mas kawawa si nora, hanggang dun na lang ang karir niya… well, at least sisikat na siya, feeling ko lang.

Lenggai - Hunyo 16, 2009

suwerte ni nora kung andun pa siya in one year. well, mukha namang sipsip, so, kung buhay pa ang puwesto nila next year, malamang eh magaling talagang kumapit.

Lenggai - Hunyo 17, 2009

Maraming salamat, Rac!

Lenggai - Hunyo 26, 2009

Mukhang plastik… este, mabait naman siya kapag pinoy ‘yung customer, tagalog ‘yun eh, naiintindihan siya. there is no doubt may magagaling silang mga masahista kasi people keep on coming back for more (kahit si joe), sana lang hindi ka ma-timingan. hehe. salamat sa pagdaan!

raf - Hulyo 6, 2009

may ganun pala n issue s pinoy?! sayang ang pinoy spa inalagaan p naman ata ang pangalan pero bk masira lang ng isang tao n gaya ng knukwento u n c nora maldita!

raf - Hulyo 6, 2009

naku parang ayaw k n magpagawa jn s pinoy spa kng ganyan din lang mae-encounter k n tao n gaya ng ugali ng nora kamu n yan! hay ok p naman ang massage nila kasi maga2ling talga mga therapist nila specially ung mga cute girls dahil mgaling sila maghandle ng clients at napakagalang nila makopag-uasap o makiharap s mga ito, maliban kmu s kahera nila? tsk…tsk…tsk…sayang talaga!

Lenggai - Hulyo 6, 2009

gusto ko sanang ireport, kaso it’s not my battle. parang wala ako sa posisyon na ipagtanggol si joe dahil una, hindi kami magkakilala, pangalawa, kapag nakipag-away ako, malamang, mas mahaba at mapait ang post na ito. not to mention, mas kawawa sila dahil hindi lang sa blog na ito lalabas ‘yung kabalahuraan na ‘yan kung hindi sila umayos. mabuti na ‘to. next time na lang. :)

Lenggai - Hulyo 6, 2009

hindi lang naman si nora, pati ‘yung ibang mga kasama niya run, pangit din ang ugali, si nora lang ang nag-front. kung magpapatuloy ‘yun, baka next time matapat sila sa writer talaga sa diyaryo, isulat pa ‘yung nakita niya sa broadsheet. buti nga sa blog lang ‘to.

Lenggai - Hulyo 6, 2009

there is no doubt maganda ang serbisyo nila, marami namang bumabalik, pero kng hindi nila tuturuan ‘yung mga tao nila na maging discreet sa mga sentiment nila (kahit wala na ‘yung inaaway nila), dapat hindi sila nangba-backstab ng regular customers sa HARAP NG CUSTOMERS. nakaka-turn off ‘yun, kasi kahit ano ang ganda ng serbisyo nila, kung ipinapakita nila sa ibang customers nila kung paano sila ma-bad trip sa mga pinagsisilbihan nila, what will stop them from talking about me behind my back? basic PR move. you don’t talk shit about your customers in front of your customers. that’s not how you do business.

Lenggai - Hulyo 12, 2009

hmm, so may experience ka rin ba dun? anyway, i know they’ll get what they deserve. with or without my entry.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: