jump to navigation

Huh?! Hunyo 15, 2009

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Boo!.
trackback

“Na-good time nyo ako. Salamat ha”

— Recent hate text mula sa aking case study

Imagine, kagagaling mo pa lang sa 1.5 hour massage pagkatapos pag-check mo sa cellphone mo, ito ang sasalubong sa’yo?

Hindi ko na nga sana sasagutin, kaso sabi ng boss ko, kelangan ko raw tanungin kung bakit ganun ang text sa akin ni interviewee.

At para hindi na rin masabihan nang bastos… o mapagkamalang silence means “Yes,”
sinagot ko na rin siya:

“Sorry po, Sir. Ngayon ko lang po nabasa ang text ninyo. (note: which is, totoo naman, kasi nga nagpamasahe pa ako) Ano po’ng ibig ninyong sabihin?”

Pagka-send, naghintay ako.

Five minutes.

Ten.

Twenty.

Nakarating na ako sa bahay, wala pa rin siyang reply.

Actually, hindi ko gets kung bakit iniisip ni CS na ginood-time namin siya.

Malinaw ko namang ipinaliwanag ‘yung takbo ng istorya ko bago pa lang magsimula ‘yung interview. Alam niyang mauungkat ‘yung nakaraan niya. Partida na nga kasi binura ko na sa editing ‘yung mga linya sa script na magmumukha siyang krung-krung. Ni hindi ko na nga pinili ‘yung mga sagot niya sa interview na out-of-this-world dahil gusto niya nang malayo sa weirdo image niya from long, long time ago.

Also, sIya na ‘yung may pinaka-matinong description sa lahat ng mga fineature namin.

Pagkatapos… sasabihin pa niyang nilinlang namin siya?

Hindi na ako bago sa ganitong eksena, medyo nalungkot lang ako kasi kung tutuusin, magkasundo naman kami nung interview. Nagpa-picture pa nga kami ng crew ko sa kanya.

Sayang. We could have been friends.

Hindi siya ang first, at lalong alam ko na hindi siya ang magiging last na case study kong mabubuwisit sa kinalabasan ng istorya ko… iniisip ko na lang… parte ng suweldo ko ‘yan,

Gotta live with it.

Mga Puna»

1. dompy - Hunyo 15, 2009

sorry di ko kasi napanood ang show nyo… sikat ba si CS? wala bang clue dyan na mala-da who?😛

dompys last blog post..Leave

2. sarzsee - Hunyo 16, 2009

ah kilala ko yan!!!! si… Alfred Reyes ba yan?🙂
Read this… http://www.geocities.com/MIGHTORS4/Philip/astralpainting1.html


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: