jump to navigation

Bertud Hunyo 16, 2009

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Barag-baragan, Bloggables, Boo!.
trackback

Ayon sa mga na-interview kong UFO experts last week, magugunaw na raw ang mundo sa 2012. Darating ang mga alien para iligtas ang “chosen few” sa pamamagitan ng pagsakay sa mga ito sa kanilang space craft.

Kung sakaling tama nga sila, tanggap ko nang hindi ako mapapabilang sa “chosen few.”

Tanggap ko nang isa ako sa magiging casualties ng delubyo.

Bakit kamo?

Nadukutan kasi ako ng telepono kanina.

Oo. ‘Yung G900 na pinaglaanan ko nung Christmas bonus ko. Nawala habang papasakay ako ng bus pauwi mula Cubao.

Ang masaklap, nandun ‘yung tanging bertud na alam kong magsasalba sana sa akin at sa sampu ng mga mahal ko sa buhay sa tiyak na kapahamakan — ang litrato namin ni Roy Alvarez.

Sabi ko na nga ba, me pakiramdam ako na dapat, nag-transfer na ako ng files sa laptop ko kanina.

Bakit ba kasi inuna ko pang asikasuhin ‘yung english translation nung pambato ng programa namin sa international awards? Wala namang bearing sa mga alien ‘yung UNICEF, New York Festival o Asian TV Awards na ‘yan.

Bahagyang sumagi na rin sa isipan ko ‘yung posibilidad na madukutan ako kasi naabutan ko pa’t nakausap sa coffee shop si JLC kanina.

Siyempre, kahit pa sabihin mong napakababaw ng biruan namin (tungkol sa chicks) at mukhang na-turn off pa siya sa akin nung tinukso ko siya sa kaibigan kong bading, otomatik na dahil nakausap ko siya, lumulutang pa rin ako sa alapaap nun habang naglalakad papuntang sakayan ng bus pauwi.

Tapos nakasalaksak pa ‘yung earphones ko habang gumagawa ng imaginary music video sa saliw ng “Booty Music” ng Deep Side — susme! Kulang na nga lang talaga eh magsukbit ako ng karatulang: “Lutang on the loose: get your free 22k worth of cellphone… check backpack for details.”

Sana pala, ginawa ko na lang keychain na nakabuyangyang sa zipper ng bag ko ‘yung cellphone ko. Wala ring namang pinagkaiba ‘yun nung oras na ilagay ko siya sa panlabas na bulsa ng backpack ko.

Grabe talaga ‘yung pakiramdam ko nung unang kapa ko sa bulsa ng bag ko… ugali ko ‘yun tuwing uupo ako ng bus, sisiguraduhin kong makakapa ko pa ‘yung telepono ko kasi nga, hilig ko siyang ilagay sa outer pocket ng kahit anong bag na dala ko — easy access eh, lalo na kung manhid ka’t bingi (gaya ko).

Biglang nanikip ‘yung dibdib ko nung puro hangin na lang ‘yung nakapa ko sa nakabukas na bulsa ng backpack ko… napapikit na lang ako nang hugutin nung kamay ko ‘yung napigtal na tali ng hawakan ng cellphone ko. Dati, sa kuwento-kuwento ko lang naririnig ‘yung ganito.

T@ng*na!

Hindi ko pinindot pero biglang nag-mute ‘yung audio na galing sa iPod ko — in TV-speak: nawalan ng NATSOT ang paligid.

Naalala ko ‘yung mga senting mensaheng nakaimbak sa inbox ko. At ‘yung sangkatutak na importanteng telephone numbers na nasa phonebook ko. At ‘yung mga huling video ng pinakamamahal kong chihuahua na si Adam bago ko siya ibinenta sa kaopisina ko.

Napakuyom na lang ang palad ko nang maalala ko ‘yung litrato namin ni Roy Alvarez.

Again, kapag dumating na ang paghuhukom at ang mga alien nga ang magbababa ng huling hatol sa sangkatauhan… uunahin nila siyempreng isakay sa UFO eh ‘yung mga may motto na “The Truth is Out There.”

Mukha pa naman kaming “tight” sa litrato kasi medyo idinikit ko ‘yung kanang siko ko sa kaliwang braso ni Sir Roy nung nag-picture-taking kami.

Pero dahil wala na ang telepono ko, wala na rin ‘yung entrance pass ko for salvation.

Ahhh. Shet talaga. Gusto kong mangalbo ng emo!

Mga Puna»

1. lio loco - Hunyo 16, 2009

hindi ko alam kung sa mga oras na yun eh talagang nahibang ka lang sa muling pagkakadaupang palad mo ng jlc mo, o sa posibleng new york festival awards ekek na matatanggap ng programa nio, o sa pag-iisip mong magugunaw na ang buwakanginang mundo…

…pero, sa mga panahong iyon, hindi ko lubos maisip bat kelangan mong ilagay sa bulsa ng “bagpag” mo ang mamahaling g900 na celluloid pown mo, miss lenggai.

kung alam ko lang, initsa ko na sana muna ang 5100 ko kapalit ng g900 mo. huhlolz!

2. Irene dela Cruz - Hunyo 16, 2009

Eto lang Mare: E loko ka pala e. Una, alam mo naman ang kalibre ng mga bus papunta sa’tin. At sa Cubao ka pa sumakay. Wala ka ring pakundangang magtago ng cellphone mo. Tama ka..sana nga dinisplay mo na lang at ginawang keychain. Pinag-isip mo pa tuloy yung snatcher. hahaha! At lutang ka pa. Anu ka ba?!

Pero ganun talaga e. Kung oras mo, oras mo na. Mapalad na snatcher. Hayaan mo na tutal wala ka na rin namang magagawa. Tsaka malay mo..habang tinatakbo niya yung cellphone mo e bigla siyang nasagasaan ng bus sa EDSA. Kung magkaganon man, posibleng nakatulong ka na rin k’se yung mapapagbentahan ng cellphone mo e magagamit na pampalibing sa kanya.

Ingat na lang sa susunod.

3. antuken - Hunyo 17, 2009

naco, kakahiya mang aminin, ako eh suki ng mga snatcher. nang manakawan ako ng pera (read: allowance) na nakalagay sa backpack ko, i almost swore off backpacks. ang naging lesson ko na lang, basta backpack ang bag na gamit ko, di ko hinahayaan na easy access sya pag nasa publikong lugar (sa bus stop ako nanakawan, while waiting for a bus). tsk. isipin mo na lang na baka ang nagnakaw nun eh nasa kritikal na kundisyon ang ina, o asawa o anak. tipong kapit sa patalim ba, kaya nagnakaw. at least baka sa maganda mapunta ang pagbebentahan ng phone mo. i feel for you.

antukens last blog post..10 things i miss right now…

4. kurokuro - Hunyo 17, 2009

bili na lang ng mura. huwag na mahal na cellphone.

5. Lenggai - Hunyo 17, 2009

Paglilinaw lang: ginawa ko lang pang-metaphor si Roy Alvarez dito ha, he’s a good guy at matino siyang kausap. Hindi po ito panlilibak sa kan ya o sa mga paniniwala niya. Baka me magpaka-literal na naman…

6. dompy - Hunyo 22, 2009

kung ako nga, iniyakan ko yung nawala kong pimped 5110 ko dati. ninakaw siya sa may ATM sa megamall, o diba? may mga tao talagang sarap sakalin, pero what’s done is done… ibayong pag-iingat na lang next time.

in relation to the katapusan ng mundo eklat, may napanood akong docu na sa december 2012 daw mangyayari yun, pero no mention of UFOs na susundo sa yo. based lang daw sa aztec calendar. sa youtube ata meron nun…

dompys last blog post..Things I learned while watching Pinoy drama series


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: