jump to navigation

RIP – SE G900 (December 28, 2008 – June 15, 2009) Hunyo 18, 2009

Posted by Lenggai in Bloggables.
Tags: , , ,
trackback

And it’s done… the mourning period is officially over, and I already bought myself a new phone.

Hindi siya kasing-mahal ng G900, pero mas disente naman ng konti sa K810i ko noon.

Siyempre, mabigat pa rin sa loob ko ‘yung perang inilabas ko kanina, nasaid kasi bigla ‘yung ipon ko.

Pero deadma na. Kikitain ko ulit ‘yan.

Cyber-shot ‘yun kaya ito ‘yung una kong kinunan ng litrato:

Ang napigtal na tali nung dating sabitan na nakakabit pa rin sa bulsa ng backpack ko.

Hindi ko tatanggalin ‘yan.

Magsisilbi lang siyang paalala para hindi na ako maging kumportable sa page-emote habang naka-earphones sa matataong lugar.

Masuwerte na nga raw ako, sabi nung taga-NTC (National Telecommunications Commission. Ini-report ko kasi ‘yung ninakaw kong phone. Pina-block ko).

Ayon sa NTC, 30 kada araw ang karaniwang bilang ng request na nakukuha nila for phone blocking.

Halos lahat, napagnakawan. Karamihan pa sa mga ‘yun, may sugat pa raw o bugbog-sarado kapag pumupunta sa opisina nila.

Kung tutuusin, maliit pa nga ‘yung bilang na ‘yun, bihira lang kasi ang may tiyagang pumunta sa NTC para magpa-block ng telepono.

Bihira rin ‘yung may alam na puwede pala ‘yun.

Kung hindi pa sinabi sa akin nung taga-Globe nung pina-block ko ‘yung SIM ko, hindi ko malalaman na puwede pala ‘yun.

Para sa mga hindi pa nakakaalam kung paano ‘yung proseso: Pumunta kayo sa NTC office sa may Agham Road, katabi ng PAG-ASA, malapit sa BIR. Importanteng dala-dala niyo ‘yung box ng unit kasi nandun ‘yung sticker na may IMEI o International Mobile Equipment Identity. Magdala na rin kayo ng dalawang valid ID.

Mabilis lang ‘yung naging pag-ayos nung sa akin. Pagdating ko kasi, dadalawa lang kaming magpapa-block.

Kinuha nila ‘yung contact info ko, tapos ‘yung ilang detalye kung paano at saan nawala ‘yung phone, pagkatapos, ini-scan na ‘yung box at kinuha ‘yung sticker ng IMEI.

Kukunan ka rin nila ng litrato through webcam, ‘eto pa, napaisip pa ako kung ngingiti ba ako o hindi — automatic na kasi sa akin ang mag-pose ‘pag may camera, pero dahil sa nature ng pagpunta ko sa opisina nila, hindi na lang ako ngumiti.

Para sa finale, papipirmahim ka nila via computer. Parang artista lang. Ambilis.

Tapos, kinabukasan puwede mo nang itawag sa 926-7722 o 921-3251 kung na-block na ‘yung unit.

Kung totoo nga ‘yung pangako nung taga-NTC, good luck na lang sa theivinsanamabits na dumukot nung G900 ko!

Kahit anong paayos raw kasi ang gawin mo run, basta naka-block ang unit, hindi na siya magagamit nang matino forever.

Malas din niya, burara ‘yung ninakawan niya — mamroblema siya ngayon kung papaano ‘yun mabebenta nang mahal kasi naninigas na ‘yung navi keys niyan! Pinalagyan ko kasi ng Mighty Bond ‘yung natatanggal na sticker niyan… eh kaso natanggal pa rin.

Anyway, it’s not my problem anymore.

Kung hindi ko na rin lang mapapakinabangan ‘yung pinaglaanan ko ng Christmas bonus ko, wala nang dahilan para may makinabang pang iba rito.

Mga Puna»

1. kris - Hunyo 18, 2009

mahirap din minsan pablock kasi pano if naitapon mo na ung box at wala ka nung IMEI kagaya ng nangyari sa akin? di ko kasi ugaling magtago ng box. pagkabukas ko, tapon agad. pati nga manual tinatapon ko. hahaha.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: