jump to navigation

Tagay pa! Hunyo 20, 2009

Posted by Lenggai in Buhay-bahay.
trackback

Walang alkoholik sa pamilya namin, pero kaninang mga 7 pm, ang dami sa aming lasing.

Ah hindi pala lasing, lango.

As in! — nagwawala, hindi makabuo ng matinong pangungusap, tipong nagta-tongues.

Kung me moment na pinagsisisihan ko kung bakit hindi ako nagyaya ng lakad ngayon, ito ‘yung kanina.

Gusto kong magreklamo, pero sa saya ng pamilya ko, hindi ko naman magawang basagin ‘yung trip nila.

Kung kaibigan kita, alam mo na kung ano ‘yung ibig kong sabihin…

Oo. May videoke session na naman sa bahay kanina.

Ang lead singer namin, si Ate Malou, ‘yung bago naming kasambahay.

Let’s put it this way — nasubukan niyo nang ngumuya ng luya? ‘Yung hilaw?

Ganun ‘yung pakiramdam ko kanina… hindi ko maintindihan kung nangangati o nanlalamig ‘yung lalamunan ko. Nakakapanlapot ng laway.

Pero nakakatamad magreklamo. Kahit naman magtago ako sa kuwarto, wala ring mangyayari.

“You facked me in the morning and I…” – Malou on Just When I Needed You Most

“At first I was afraid, I was pestifayd…” – Malou on I Will Survive

“Like a vergen… that’s for the very fersh night…” – Malou on Madonna’s Like A VIrgin

Yeah, hindi ko rin alam kung bakit kahit videoke na ‘yun, nagkakamali pa rin siya sa lyrics. Nag-rap pa nga sila ni Mama nung nag-duet sila sa “Help” ng Beatles.

Ah. Hindi ko talaga hilig ang videoke. Nawala na tuloy ‘yung momentum ko run sa original entry ko.

Mga Puna»

1. lio loco - Hunyo 21, 2009

pakitanong jan sa maloung kapitbahay niyo: are you drugs?

2. dompy - Hunyo 22, 2009

you know i love videokes, pero i hate people who can’t pronounce the words right. haller, andyan na nga sa screen e!

dompys last blog post..Things I learned while watching Pinoy drama series

3. Taroogs - Hunyo 22, 2009

wehehehe… hindi ba humirit ng ala-Alyssa Alano na “keys me”?🙂

Taroogss last blog post..Resulta ng unang online survey — Promising!🙂

4. antuken - Hunyo 23, 2009

hahaha. ako naman love ko mag-videoke. ang hate ko eh yung mga kapitbahay na late na nga sila natapos kagabi ng videoke nila (2 am kanta pa rin ng kanta). pagdating ba naman ng 530 am, kakanta na agad. natulog ba sila? oo. may kapitbahay akong ganyan. okei lang sana kung maganda boses. susko. to die for. gusto mo nang mamatay kesa makinig. hahaha.

antukens last blog post..10 things i miss right now…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: