jump to navigation

MNDN (Monday Night Date Night) Hunyo 23, 2009

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!.
trackback

Isang linggo matapos akong madukutan ng cellphone, natagpuan ko na naman ang sarili kong nakangiti habang naglalakad papunta sa sakayan ng bus sa Cubao.

Hindi ito dahil kay JLC (day-off niya raw ‘pag Lunes).

Nagkita kasi kami ng college friend ko, si Leah.

Galing siyang Singapore at sa tinagal-tagal ng panahong hindi kami nagkikita, sa wakas, nagkaroon ulit kami ng pagkakataong magkyawkyawan.

Bukod sa bagong edition ng sex scandal ni Hayden Cam, cost of living sa Singapore at mga taong amoy-danggit na hinaluan ng pawis sa paa, napag-usapan din namin ‘yung tungkol sa pagpapakasal niya next year.

Kahit expected na ‘yun dahil matagal na rin sila ng boyfriend niya, medyo nakakapanibago pa ring pakinggan.

Eh kasi naman, dati, magkaka-date pa kaming mga single sa barkada ‘pag Valentine’s day, ngayon, mapapasama na rin siya sa humahabang listahan ng mga ka-batch naming “lumalagay na sa tahimik.”

Tinanong ko ‘yung kaibigan naming mag-asawa: totoo nga bang lumalagay ka na sa tahimik kapag kinasal ka na?

Ang sabi nila, hindi.

Sa katunayan, mas “maingay” pa nga raw — hindi lang siguro ‘yung tunog na maririnig mo sa kuwarto — ang ibig sabihin, maraming mga “revelation” na lumilitaw tungkol sa kasama mo kapag naging permanenteng parte na siya ng buhay mo.

Iniimagine ko tuloy kapag “moment” ko na para maging ginang ng tahanan: hindi kaya ma-turn off ‘yung mapapangasawa ko kasi humihilik talaga ako kapag pagod? At nagsasalita kapag tulog… hate ko rin ang paghuhugas ng pinggan… at saka matagal akong maligo… hindi rin ako kumportableng lumabas ng bahay nang hindi nagbo-blower… hindi rin kaputian ang ilang tagong parte ng katawan ko… at mahilig akong… kumain.

Ang daming puwedeng ika-turn off, pero siyempre, kapag nag-asawa ka, part of the package na rin ‘yung kiliti sa kadiri.

Pero hindi ko pa concern ‘yun.

In fact, wala pa nga akong nakikitang tao na trip kong kalampungan (maliban siyempre kay JLC, na sa totoong buhay eh pang-eye candy level pa lang naman).

Nakakatuwa lang na nakakalungkot kapag napupunta sa buhay-may asawa ang topic namin sa get-togethers: nakakatuwa kasi natagpuan na ng kaibigan mo ‘yung taong magpapahinto sa mundo niya, nakakalungkot kasi malalagasan ka na naman ng ka-date kapag gusto mong mag-boy hunting.

Parang college graduation nga lang siguro ‘yun — ga-graduate na ‘yung kaibigan mo’t magkakaiba na kayo ng mundong ginagalawan.

Mami-miss mo ‘yung dati, pero ang importante, ‘pag andun na sila sa “stage” na ‘yun… sisilip-silipin pa rin nila kung buhay pa kami.

Alam niyo naman kaming mga ka-love team ang trabaho… mahaba-haba pa ang biyahe namin at matagal pa bago kami gumarahe.

Mga Puna»

1. April - Hunyo 24, 2009

Pretty nice post. I just came across your blog and wanted to say
that I’ve really liked reading your blog posts. Anyway
I’ll be subscribing to your feed and I hope you write again soon!

2. dompy - Hunyo 26, 2009

true, nde totoo yung “lumalagay sa tahimik.” marami akong examples, pero wag na lang… baka mag-iba ang tingin nyo sa asawa ko. LOL!

dompys last blog post..Not yet a mom, but…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: