jump to navigation

Malou Hunyo 30, 2009

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Bloggables, Boo!, Buhay-bahay.
trackback

Malas lang niya at wala ako sa mood makipagkaibigan kahapon

Alam kong doble ang edad niya sa akin, pero hindi ko na napigilan ang sarili ko nang makausap ko siya sa cellphone… si Malou, ang aming kasambahay… oh, ex-kasambahay.

Matapos ang kalahating buwan ng serbisyo, umuwi siya noong Sabado sa Bulacan para bisitahin ang anak niyang nasa college.

Ang usapan, babalik siya ng Linggo ng gabi.

Partida na ‘yun dahil wala namang nakasulat sa labor law na importanteng pauwiin ang isang kasambahay sa probinsya pagkatapos ng dalawang linggong nasa bahay niyo lang siya. Pero dahil mabait kami, binigyan pa siya ni Mama ng kalahating buwan na cash advance. Para may maibigay naman siya sa pamilya niya.

Dumating ang linggo ng gabi… as expected, hindi siya bumalik.

Lunes ng umaga, ipinahanap ko na siya sa kakilala kong nagrekomenda sa kanya. Malay ko ba kung may nangyari sa kanya habang papunta sa amin?

Tanghali, tumawag ‘yung kakilala ko. Kasama raw niya si Malou. As it turned out, wala na pala siyang balak bumalik sa amin.

Nakita raw ng mga anak niya ‘yung mga sugat niya sa kamay… sugat sa paglalaba kasi allergic daw siya sa sabon… ang ending, pinagpapahinga raw muna siya ng mga anak niya.

Wala namang problema kung umalis siya sa amin — ang masagwa eh ‘yung hindi ka magpapaalam ng maayos.

Ni hindi pa nga siya magsasabi kung hindi pa siya pinapuntahan ng kakilala ko.

Napakadali lang namang mag-text.

Ok, wala siyang cellphone… ‘yung mga anak niya meron, maano ba namang maki-text siya?

Sana hindi na rin niya kinuha ‘yung P1,500 na advance kung wala naman siyang balak bumalik.

Sa hinaba-haba nga ng usapan namin kahapon, nagmukha na naman akong demonyo sa inis.

Bahala na si Lord kung tutuparin niya ‘yung pangako niyang bumalik sa isang linggo para isauli ‘yung perang kinuha niya.

Ngayon, kailangan pa rin ba namin ng kasambahay?

Oo. Kasi bukod sa batugan kaming magkakapatid, kailangang may tagahugas ng puwet ‘yung mga aso ko.

OK. Joke lang ‘yun.

Basta kailangan namin ng tutulong sa bahay.

Lesson learned, huwag magtitiwala sa mga taong hindi marunong magbasa ng lyrics sa Magic Sing.

Alam niyo na kung ano ang ibig kong sabihin.

Mga Puna»

1. ninay - Hulyo 1, 2009

parang ang hirap na humanap ng kasambahay ngayon.. ung dati namin, grabe, kung susumahin ung araw na pinagtrabaho nya sa amin in a year as opposed sa bakasyon nya.. baka di pa aabot ng 6months… ayun, tsinugi na din namin..

ung sa kakilala ko naman, kakapasok lang din sa kanila at maayos naman ung pagtrato pero para makauwi lang idinahilan pa na namatay ang nanay.. hindi naman pala… tsk! tsk!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: