jump to navigation

‘Sup? Hulyo 1, 2009

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Simple lang naman ang batas kung gusto mong mabuhay nang matagal:

‘Pag may nararamdaman kang masakit, ipa-check-up mo.

Kung wala kang pera na pampa-check-up, sabihin mo sa anak mong producer.

Walang ipon ‘yan, pero sus…

Gaya ng nakagawian, nagpahatid ako kahapon papuntang opisina kay Papa.

Nasa highway pa lang kami, namimilipit na siya sa sakit ng kanyang dibdib.

Hindi na nga pumapalo sa 30 ang odometer namin dahil hindi siya makapag-drive ng maayos… tapos sasabihin niyang OK lang siya?

Sabi ko nga kay Papa — ‘wag na siyang maarte at kailangan na naming ipatingin sa mga eksperto ‘yang dibdib niya — wala naman kami sa telenovela… hindi rin siya si Ronaldo Valdez at lalung hindi ako si Betty (crush ko lang si JLC).

Kung hindi ko pa pinilit samahan at bantayan hanggang matingnan siya ng Tito ko (kapatid niya)  na cardiologist, hindi pa siya magpapatingin.

Ewan ko ba kung bakit me mga taong ayaw magsalita kapag me nararamdaman na silang kaala-alarma sa sistema nila. Dalawa lang naman ang dahilan para run: walang pera o ayaw lang nila na mag-alala ‘yung mga mahal sa buhay nila.

‘Eto lang ang sa akin: mas nakakapraning kaya kapag bigla naming nalaman na malala na ang lahat… o kapag bigla ka na lang nag-collapse.

Mas nakakapraning at in the end, mas magastos.

Mga Puna»

1. lio loco - Hulyo 1, 2009

musta na papa mo? sana okei na siya, miss lenggai.

lio locos last blog post..SSDD No. 3

2. dx - Hulyo 1, 2009

hope he feels better..🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: