jump to navigation

Ayuda! Hulyo 3, 2009

Posted by Lenggai in Barag-baragan.
trackback

Para akong kinaladkad bigla sa harap ng camera, binigyan ng mike at sinabihang mag-report nang LIVE tungkol sa stock exchange.

T@ngina! Ano namang alam ko sa stock exchange di ba?

Wala ‘yang pinagkaiba kung kinausap mo ako sa Mandarin… wala akong naiintindihan.

Hindi pa naman ‘yan nangyayari sa totoong buhay pero seryoso, ganyan ang pakiramdam ko ngayon.

Tuliro.

Langya. Kahit ilang beses pa akong ngitian ni JLC, wala… walang kapaguran ‘yung mga naghahabulang agam-agam sa utak ko.

Pinipilit kong maging relaks, pero pakiramdam ko, kapag kumurap ako, napakaraming nangyayari — ang dating puti… nagiging pula. Ang bubot, tumatanda. Ang sariwa, nabibilasa.

Hindi ko maipaliwanang nang husto. Naka-MTRCB kasi ang blog na ‘to.

Basta.

Gusto ko lang kandungin sandali ang laptop ko. At magsulat.

Ito lang ang paraan para makalutang ako.

Mga Puna»

1. lio loco - Hulyo 5, 2009

hulaan ko. related sa pagpapakaalila mo sa istasyong ka-balunbalunan ang kaemohang to. chillax, miss lenggai! all will be well…

lio locos last blog post..Buladasphere (O Kung Paanong Naimpluwensiyahan ang Maimpluwensiya Kunong si Lio Loco ng Iba Pang Maimpluwensiya sa Blogosperyo…Ano Raw?)

2. lio loco - Hulyo 5, 2009

oh and yeah, malapit na palang i-recycle ang wonder woman ni marian rivera. at hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangako mong bibigyan mo ko ng mga pektyurs niya. mas kaunti ang saplot, mas maige. salamas!

lio locos last blog post..Buladasphere (O Kung Paanong Naimpluwensiyahan ang Maimpluwensiya Kunong si Lio Loco ng Iba Pang Maimpluwensiya sa Blogosperyo…Ano Raw?)

3. Dennis - Hulyo 8, 2009

Sige,lutang na aking kaibigan!

Denniss last blog post..QA, CSAT and Stats


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: