jump to navigation

Who’s bad? Hulyo 13, 2009

Posted by Lenggai in Bloggables.
trackback

Pinipilit kong alalahanin at ngayon, sigurado na ako kung ano ‘yung mga pinakamaagang eksena sa TV na tumatak sa childhood memory ko.

Dalawa ‘yun: una, nung kumindat si Aga Muhlach sa camera nung pino-promote niya ‘yung Bagets… siya nga malamang ang unang lalaking pumukaw sa natutulog kong puso… at wala pa akong nursery noon.

Pangalawa eh ‘yung Thriller video ni Michael Jackson.

Natatandaan ko pa kung paano ko pinipilit sabayan ‘yung dance moves ni MJ sa ibabaw ng kama ng mga magulang ko. Aliw na aliw ako sa production number, pero nung naglabasan na ‘yung mga zombie, ‘yun na… dun na nasira ang lahat.

At three, umiyak pa ‘ata ako nun kasi sobrang kumbinsido ako na naging zombie nga si MJ.

Little did we all know na prelude lang pala ‘yung prosthetics niya sa magiging hitsura niya in the not so distant future.

Sayang nga eh, iniimagine naming magkakapatid kung ano ang posibleng hitsura ni MJ kung sakaling hindi siya nagpa-retoke.

Mukha naman siyang may hitsura, lalo na ‘pag tinitigan mong mabuti.

Nakakadarang nga ‘yung “Rock with You” video niya noong ’70’s. Tapos napakagaling pa niyang kumanta at sumayaw… sinong babae ba naman ang hindi mabibighani?

Sabi nga ni Analyn: “Ate, puwede naman pala ‘tong si Michael Jackson eh, nasanay lang ako na mukha siyang android.”

Ayon sa MTV, nung lumalaki (at sumisikat) na si MJ, siyempre awkward stage… lagi siyang tinutukso na “Big Nose” ng mga seloso niyang kuya at hunk niyang tatay. Dun malamang nagsimula ‘yung insecurity ni MJ sa kanyang hitsursa kaya nung nagkaroon na siya nang limpak-limpak na salapi, ‘yung katawan niya ang isa sa mga una niyang pinag-tripan pinabago.

Pero kahit pa nagmukhang buhay na wax figure si MJ, at least hindi nawala ‘yung galing niya sa pagsayaw at pagkanta.

Ang galing talaga eh.

Hindi ako nagsasawang manood nung mga dance video niya. Siguro added factor na nga na wala na siya kaya mas may tendency na ngayon mo lang mapapansin ‘yung talent niya.

Ibang klase talaga, kung hindi lang ako overweight ngayon, malamang magmu-moonwalk pa ako.

Sana nga, puwedeng punan nung mahigit 8 oras na panonood ko ng profile features at music videos niya sa MTV ‘yung mga taong dineadma ko siya at ang kanyang kaastigan… ang galing!

Mag-a-a las dose na ng gabi, matatapos na ‘yung tribute sa kanya sa MTV.

Sa mahigit sampung beses ko nang napapanood ‘yung video na “Bad”, naging LSS ko na ‘yung intro… medyo bothered lang ako kasi parang me mali sa lyrics nung kinakanta ko. Para sa ikapapanatag ng aking isipan, napagdesisyunan ko nang sumangguni sa Google:

Your butt is mine / Gonna take you right – tamang lyrics ayon sa azlyrics.com

Your bird is mine / Gonna take you right – lyrics ayon sa pagkaka-interpret ko

Tawa ng tawa ‘yung kapatid ko nung kinuwento ko sa kanya ‘yung unang version ko ng “Bad”.

Oo na, I’m bad at lyrics.

Mga Puna»

1. Ozzy - Hulyo 13, 2009

Sakto lang ang haba ng kwento para sa tinatamad magbasa.
Pero sa kagaya ko na naghahanap pa ng mahaba-habang kumpisal, medyo nabitin ata ako.šŸ˜€
At ini-majin ko kung ilang taon ka na noong sumasayaw ang binatang si MJ sa TV, at ikaw tumatalon-talon sa kama.
Wala pa ata akong isip noon.
O baka, wala pa kaming TV.
Bad.

Ozzys last blog post..Para sa iyo, bagong Maggugubat

2. Dennis - Hulyo 14, 2009

Meron bang taong di na bighani sa galing ni MJ sumayaw at kumanta? Kahit yung mga galit sa kanya, bilib sa kanya, ayaw lang umamin.

Denniss last blog post..QA, CSAT and Stats

3. siyetehan - Hulyo 15, 2009

nobody has yet lived up to what mj did in terms of precision dancing.

galing. sayang wala na.

siyetehans last blog post..A Few Good News

4. G - Hulyo 20, 2009

Nasunog kasi scalp at mukha nya, so nakita nya na din yung chance na magparetoke dahil nandun na lang din kaso nga…sumobra!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: