jump to navigation

Padayon Hulyo 14, 2009

Posted by Lenggai in Lipad-isip.
trackback

Me nag-text sa akin kanina, nalulungkot daw siya para sa akin.

Tinanong ko kung bakit mas naaapektuhan pa siya sa mga pangyayaring hindi naman nakakaapekto sa akin?

Wala lang daw. Nakakalungkot lang daw ang naging “kapalaran” ko.

Hindi ko alam, pero kahit gusto ko siyang damayan sa kanyang pagdadalamhati, hindi ko magawa.

Natatawa lang ako.

Totoo.

Sa anim na taon ko na kasing nagtatrabaho sa media, kalahati run eh ginugol ko sa pagiging bruha.

Hindi man ako nagsisisi, hindi rin ako nagmamalaki sa mga pinakawalan kong punyal sa pagkatao ng iba.

Ngayon, nakakaaliw malaman na meron nang mga taong nagmamahal (o puwede ring nagpapanggap na nagmamahal) at rumerespeto (o puwede pa ring naoobligang rumespeto) sa’yo ngayon.

Malaking bagay ‘yun, lalo’t mahirap magustuhan ang karamihan sa mga taong namumugad sa industriya namin.

Mabait na ako ngayon. Pramis.

Hindi man ako ang namukod-tangi sa mata ng mga hurado… ayos lang.

Masaya na rin ako’t ngayon, naniniwala na sila sa mga narating… at maaari ko pang marating.

May panahon para sa mga bagay na kinakailangang paghandaan.

Ayoko na ulit pumasok sa giyera nang walang baon na bala… at hindi porke ako ang pambato, mananalo na ako sa isang karerang hindi ko naman sinalihan.

Hindi ko kailangan ng simpatiya o awa.

Walang nakakaawa sa taong alam kung ano ang kaya at hindi niya (pa) kayang gawin.

Ito ang hiningi ko — sapat na panahon para magpasiklab… at lumutang.

Habang nagsusulat, pinakiramdaman ko kung may puwang ba na kailangang punan sa pagkatao ko ngayon.

At nadiskubre ko… wala.

Mas marami nang naniniwala sa akin. Makakatulog pa rin ako nang mahimbing.

***

**

*

P.S.

Sakaling makita niya, nais ko ring magpasalamat sa isa sa mga masugid kong mambabasa — kay Galadriel.

Mas maraming kuwento pa sana ang ating napagsaluhan, pero mabuti na rin at ngayon mo napiling magpakilala.

Maraming salamat, dahil sa mabubuting puna ng mga taong tulad mo, nabibigyan ng buhay ang mga salitang hinahabi ko.

Sana, sa susunod, magkaroon naman ako ng pagkakataong makisalo sa mas makulay mong kuwento.πŸ™‚

Mga Puna»

1. galadriel - Hulyo 17, 2009

i love your attitude! salamat at hindi ka na-depress.πŸ˜€
ang galing mo kayang sumulat! bihira ang may ganyang gift … na aliwin, patawanin at bigyan ng mas malalim na pang-unawa ang mga mambabasa. balang araw mahaharness mo yan sa pagiging kolumnista o sikat na speechwriter o di kaya palanca awardee? : )
whatever you do, never allow yourself to be limited by other peoples’ definitions of success. stay happy!πŸ˜€


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: