jump to navigation

Takatak Hulyo 20, 2009

Posted by Lenggai in Lipad-isip.
trackback

Nababato ako.

So sinubukan ko ulit pumasok sa isang chat room kanina.

Hindi na ako sanay.

Para kang pumipili ng “the perfect plain white shirt” sa Divisoria — sa dami nang naka-display sa istante, pare-pareho na sila ng hitsura. Hindi mo alam kung alin ang de-kalidad at alin ang ampao.

Eh in the first place, hindi naman talaga ako naniniwala sa chat-chat na online friendship shitnitz na ‘yan.

Suwerte na lang kung makabingwit ka ng matino at poging Pinoy (o sige na nga, foreigner na rin) tulad nung mga boylet ng ilang mga kaibigan ko.

Kaso ewan ko ba kung bakit kanina… ‘yung mga nakakausap ko, karamihan Bumbay.

OK. Pakistani.

Seryoso, I have nothing against middle-easterns, pero… siguro hindi lang talaga sila ang definition ko ng HOT.

May nagpa-view pa nga ng webcam sa akin kanina. Walang webcam ‘tong laptop ko, pero keri lang sa kanya, gusto lang daw niya ng friend.

Eh kaso, ang background niya ay kama at medyo judgemental akong tao, so hanggang ASL lang ang naging tanong niya at pinindot ko na ‘yung X sa upper left hand corner ng window ko.

Hindi talaga uubra eh.

Ang hirap isipin — nasa industriya ako na you have every excuse to talk with other people, pero dumarating sa puntong madidiskubre mo, wala kang makausap nang matino.

Andyan ang mga kaibigan mo. Pero gusto mo rin ng bago.

May nakapagpayo sa akin, ‘yung perfect Speed Dating group daw eh ‘yung mga “Amen-Amen” organizations.

Based from experience, galing kasi siya sa isa sa mga nirerespeto at sikat na religious org sa Pinas kaya nasabi niya ‘yun. Nung tinanong ko kung “kapatid” niya sa pananampalataya ‘yung napangasawa niya, ang sabi niya — hindi.

K.

Mga tatlong oras din ang lumipas. Hindi na ako bumisita sa kahit anong chat room.

Naghahanap pa rin ako ng kausap, pero ayoko nang magsalita.

Hinayaan ko na lang ang mga daliri kong magkuwento.

Baka sakaling may makaintindi.

Mga Puna»

1. G - Hulyo 20, 2009

paano nga ba maglagay ng rss sa facebook?

ahehe. di din sila ang definition ko ng hot…apir!

2. potsquared - Hulyo 21, 2009

naku.. buti di pinakita sa iyo yung “ari” nung pakistani…

potsquareds last blog post..napapamura sa sarap..

3. G - Hulyo 26, 2009

parang kulang ung comment ko na napublish..alam ko sinulat ko dun hindi nga sila katypetype….apir!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: