jump to navigation

P.S. Hulyo 23, 2009

Posted by Lenggai in Uncategorized.
trackback

Pipol, maikli lang ‘to…

Sakaling me nakapansin… mag-iisang taon na akong may dotcom.

May nangyari ba?

Wala.

Yumaman ba naman ako tulad ng inaasahan ko?

Hinde.

Sumikat?

Hindi rin.

Na-promote? Tumaas ang suweldo? Nagka-boypren? Naging crush ng bayan? Na-inlab? Kuminis? Bumata? Pumuti? Pumayat? Lumiit ang tiyan?

Sa lahat ng mga katanungang iyan, ang sagot ay isang malutong at umuusok na: Nope.

Saklap di ba?

At kahit naaaliw ako sa linis ng layout ng blog ko at sa pagmo-monitor ng mga bisita ko… nananatili akong inutil sa pag-install ng plug-ins.

Wala namang tumutulong sa akin kungdi kapatid ko.

Eh madalas namang wala sa mood tumulong ang kapatid ko.

At ang konti pa rin ng hits at comments ng entries ko, so ba’t ba nagpapanggap pa akong sikat eh hindi naman ako sikat?

Nagsusulat ako kasi trip ko magsulat at salamat sa iilang may taste nagtitiyagang sumubaybay sa kalikutan ng mga daliri ko, mas nai-inspire akong ipagpatuloy ang kakulitang ‘to.

So ngayong darating na Agosto, bago pa man din ako singilin ng mahigit limang libo nung host ko (na, by the way, eh madalas pumalpak), sasabihin ko na:

Papatayin ko na ang dotcom ko.

Bakit?

– Mahirap i-maintain

– Mahal

– Personal blog lang naman siya

– Kelangan ko ng pera

Tayu-tayo lang naman ang nakakabasa, magbabayad pa ba ako ng mahigit limang libo?

So, tama na ang pagpapanggap ko na haciendera at may pool sa bahay… babalik na ako sa free site.

Mas madaling i-manage… at mas masaya run kasi nga — libre.

Mag-iisip muna ako ng pangalan. Dapat unique. ‘Yung wala pang nakakaisip.

Kung… Pinay Blogkaster ulit? Me wordpress dot com lang sa dulo.

Basta. Me three weeks pa naman. Will keep you posted.

Mga Puna»

1. eatpancit - Hulyo 23, 2009

true. mahirap mag maintain ng sariling domain. May pressure sa sarili para magsulat, pag pressured hindi masaya. At higit sa lahat, hindi libre.

2. alien - Hulyo 23, 2009

naman oh.. naka-subscribe na ang site mo sa Google Reader ko. hehehe… naghahanap ka ba naman ba ng advertisers?

3. pinayblogkasterfan - Hulyo 24, 2009

hi ms. lenggai. naku kung isasara mo ang website mo, paano na ang blogosphere? isa ako sa mga masusugid na tagasubaybay ng mga likha mo. hindi man ako madalas na magparamdam, gusto kong malaman mo na ang blog mo ay parang isang libro, nobela, na nag-eentertain sa kin (like a book that’s hard to put down, ika nga). at sigurado ako, sa higit sampu pang mga hindi mapakali kapag walang scoop. yes, ‘scoop.’ kasi para kang celebrity. napaka-makulay ng buhay mo at magaling mong naise-share ito sa amin. parang ka-close ka namin.
ipaalam mo sa amin kung anong bagong canvas mo, ms. lenggai. sana “pinayblogkaster” din para mahanap ka pa namin…
more power to you, ms. lenggai!

4. galadriel - Hulyo 24, 2009

pinay blogkaster pa rin haha, para di masayang branding.😉 ilang taon mo ring binuo ang isang magandang pangalan sa blogosphere.
as for the tiyan part, consider sticking to two meals a day and walking half an hour every night (kahit sa loob lang ng trinoma), could work wonders.😉

5. boi - Hulyo 25, 2009

uhmm lenggai bakit mo naman isasara yan ang una kong tanong, pero ako na rin ang sumagot sa mga nabasa kong paliwanag mo…

” the words you have written was worth being in dot com but if it is costly then tama ka sa desisyon mo”…basta kip on writing ha… dahil kagaya nila naaliw ako sa mga sulatsssss mo though ‘di ako mahilig mag-iwan ng comment…nga pala dalaw ka rin po sa bago kong page..

salamat at exlink?

http://alaehvhoi.wordpress.com/

6. pinayblogkasterfan - Hulyo 26, 2009

Gow ms. Lenggai!!! More power! Sabi na’t madami kang tagasubaybay, di man kami madalas mag-iwan ng comment.
More power!!! :=)

7. G - Hulyo 26, 2009

Problema ko nga din minsan makrompomiso ang paniniwala ko sa sinusulat kong produkto…lunok na lang pambayad ng domain lol.

natry mo na ba mag GM Diet? hehe tip lang!

8. lio loco - Hulyo 26, 2009

teka lang. limanglibo ba kamo, ,miss lenggai? anakngtipaklong naman yan! eh ung akin limangdaan nga lang eh. premium blogspot version kasi. bale, domain lang binabayaran mo. at least iyo ung domain. na hindi ko naman nasusulit ngayon dahil sa lecheng rebyu-rebyuhan ko. huhlolz!

woist, iwan mo ung bago mong domain sa kuta ko, miss lenggai. babalikan kita after 10 months. pramis. meaning, sa buwan ng mayo next year. pag CPA na ko. yebah! hehe.

at hindi ka pala nagkamali ng sinabi. mga may taste lang talaga ang nakakasakay ng trip ng blog na ‘to. bayaan mo yang hits na yan. hindi mo ikakayaman yan.

at nagkuwento na pala ko. namimiss ko na kasi ang pagba-blog. lecheng rebyu-rebyuhan talaga. sino ba kasi ang nakaimbento ng board exams? papasagasaan ko sa tatlong pison. pramis.

o siya. rebyu na ule ako. napadaan lang ako sa mga blog na madalas kong binabasa dahil katatapos lang ng nakaka-hemorrhage na 1st pre-board exams namin. takte!

9. lio loco - Hulyo 26, 2009

so un nga miss lenggai. kung gusto mong iretain ung domain, pwede ka siguro sa blogspot. parang ung akin lang. hehehe.

wag mo po sanang kalimutan. mag-iwan ka ng bakas sa bulagspot ko kung san kita pwedeng basahin. para pag nosebleed na ko sa kakareview, merong pantanggal umay sa buhay-reviewee ko. hehe.

10. packofpaparazzi - Setyembre 9, 2009

ilove the way you said na may significant bang nanyari sa buhay mo nung naka dot com ka! bravo!🙂 stick to the free sites, pareho lang namang maaaccess ng kahit na sino yung blog mo at pareho lang din ng mababasa kapag libre so bakit ka magbabayad hehehe

Lenggai - Setyembre 10, 2009

korek! wala naman din akong nakukuhang award o pera sa dotcom, so why bother?

also, hi! ngayon ko lang kayo nakita rito. salamat sa pagdaan!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: