jump to navigation

Happy Place Hulyo 28, 2009

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Siksikan ang tao kanina sa Cubao.

Anniversary ng Iglesia ni Cristo kaya me higanteng rally sa palibot ng Araneta Coliseum.

Sinisipon ako pero nanunuot sa ilong ‘yung amoy ng chopseuy na masang binabad sa pinaghalong pawis at ulan.

Barado rin ang tenga ko.

Oo, tenga.

Me mali ‘ata sa pagkakahiga ko kanina kaya halos buong araw nang parang me nakasaklob sa’kin na tasa.

‘Tuloy, mas dinig ko ang bawat detalye ng nangyayari sa katawan ko — ‘yung pagkikiskisan ng ngipin ko, paghinga, pati pag-digest ng pagkain…

Nakakailang din ‘yung panaka-nakang “pagkabog” ng talampakan ko sa semento tuwing naglalakad ako.

Bagag! Bagag! Bagag!

Nakaka-bad trip.

Kelangan ko ng happy thoughts kaya dumiretso kami ng aking bespren na bading sa aming happy place.

Pagpasok ko sa kapihan, wala ‘yung hinahanap ko.

Wala si JLC.

Ilang linggo ko na siyang hindi nakikita.

Sinalubong ako ng ngiti nung kaherang kakyawkyawan din namin.

Lumipas ang labinlimang minuto… wala.

Umiinit ang diskusyon ng mga taga-INC sa labas nung kapihan. Umiinit na rin ang ulo ng kasama ko dahil sa ingay ng pananampalataya ng mga tao sa labas.

Tapos… napagkasunduan na lang na lilipat ng ibang kapihan.

Pagtayo, halos inabangan ko na ‘yung pagpapaalam nung kakilala naming kahera.

Palabas na kami ng pinto, deadma.

Kalabisan na siguro ang mag-expect nang walang hanggang pakikipagkaibigan mula sa mga taong simula pa lang eh estranghero naman talaga.

Buti na lang at habang papalayo… hindi ako hinabol ng aking panghihinayang.

Mga Puna»

1. galadriel - Agosto 3, 2009

hmm … baka lang … baka lang naman, sign na ito mula sa itaas na kailangan nang mag-move on mula sa yong pagkakahumaling kay JLC : )

Lenggai - Agosto 4, 2009

oo nga ma’am…err… ms. galadriel… i must find someone my own age… or older (mga hanggang 7 years, hehe). hindi puwedeng dalawa kaming isip-bata. hehe!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: