jump to navigation

Baragan Agosto 11, 2009

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Coverage.
trackback

Break ako dapat nung August 1, ibig sabihin, wala akong ieere na segment.

Pero nang ipinatawag ako ng boss ko nang hapong iyon, tinanggap ko na lang ang kapalaran ko.

May breaking story kami: unang gabi ng burol ni Cory.

Kahit kauuwi ko lang nun galing coverage sa Bacolod… at nagpapahinga… at medyo masama ang pakiramdam… kailangan kong pumasok sa opisina para mag-cover.

Sa anim na taon ko sa industriyang ito, tanggap ko na ‘yung mga pagkakataong kailangan naming humangos sa opisina para sa mga malalaki at biglaang coverage.

Noong 2006, katatapos lang ng editing namin at kauuwi ko lang din sa bahay. Saktong palapat pa lang ang ulo ko sa unan eh nag-ring ang aking cellphone: ‘yung dati kong EP (Executive Producer). Pinapapasok ako ora mismo.

Medyo nagla-lag pa ang utak ko noon dahil sa puyat kaya hindi ko masyadong naintindihan kung bakit kailangan kong bumalik sa GMA.

Basta buksan ko lang daw ang TV at panoorin ang balita.

Seryoso, daig pa ng kape ang epekto sa akin ng ilang mga pangungusap nung newscaster — bumilis ang pagbibihis ko pagkakita sa malagim na mga imahe ng ULTRA stampede.

Pagkatapos ng ULTRA stampede, nasundan pa ito ng ilan pang malalaking istorya tulad ng landslide sa Guinsaugon, Leyte, Manila Peninsula Siege at ‘yung latest, ‘yung panalo ni Pacman sa laban nila ni Hatton.

Ibang level ang ngaragan dun dahil bukod sa napuyat kami ni Ma’am Jess sa kahahagilap kay Pacman, kinailangan pa naming lumipad papuntang General Santos sa araw mismo ng aming pag-ere. Madalian ‘yung coverage at interview kay “Pac-Mama” Aling Dionisia dahil kailangan naming makabalik nang maaga sa Maynila para maihabol sa airing ‘yung interview namin.

Opo — hindi niyo naitatanong, break ulit ako nung linggong ‘yun.

Mga Puna»

No comments yet — be the first.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: