jump to navigation

Horror story Setyembre 11, 2009

Posted by Lenggai in Barag-baragan.
trackback

Hindi na naman ako makatulog.

Galing ako sa kyawkyawan at nagkakuwentuhan nang nakakatakot.

‘Yung una, tungkol sa isang TV producer na nanggaling daw sa tatlong araw na puyatan — umuwi ng bahay, naligo, natulog.

Pagkagising, nakangiwi na ‘yung kalahati ng mukha.

Nagka-Bell’s palsy.

‘Yung pangalawa naman, tungkol sa isang cameraman.

Galing sa shoot. Puyat at pagod, naligo, natulog.

Pagkagising, ayun, bulag.

Ewan ko lang ha, pero kalahating oras pa lang akong nasa bahay, nag-sepilyo lang ako’t naghilamos, siguro naman kapag natulog ako eh hindi ako magigising na mukhang namamagang Kimmy Dora?

Kelangan ko nang matulog.

Dalawang oras na lang, kelangan ko na namang magising dahil may shoot pa ako sa Olongapo. Baka ma-meet ko run soulmate ko, mukha na naman akong plato (namamaga ako ‘pag puyat).

Kaso… hindi pa rin ako makatulog.

Afterthought: Namamagang Kimmy Dora… watta LOL!

Mga Puna»

1. Nikko - Setyembre 11, 2009

halata sa akin kapag sumubra ng tulog, kasi mamamaga ung mga mata ko..πŸ˜‰ compare sa wala akong tulog, kasi parang normal lang..

hehehe..
napadaan lang po..

akala ko, horror story talaga..πŸ˜€

Lenggai - Setyembre 12, 2009

pero aminin mo, nakaka-paranoid di ba? dapat “Paranoid Story” title nito eh.

ianyce - Setyembre 13, 2009

hahaha baka naman co-incidence lan uyng mga yun haha…..

Lenggai - Setyembre 14, 2009

Yeah. Coincidence nga lang malaman, buhay pa ako eh. Hehe!

2. casualthots - Setyembre 12, 2009

napraning naman po ako sa post nyo.. kasi maghapon ako nasa harap ng computer kahapon, hanggang 2am.. bago ako natulog, naglinis ako ng katawan, syempre kasama na don ang paghilamos.. paggising ko kaninang mga 6am.. ang pula ng mata ko at medyo maga.. tapos pag-online ko, tong post nyo nabasa ko.. scary!.. right now, horror story talaga to for me..πŸ™‚

update: medyo okay na eyes ko.. haaay.. *relieved*

Lenggai - Setyembre 12, 2009

mabuti naman at ok na ang mga mata mo. hehe!

casualthots - Setyembre 12, 2009

mabuti na lang talaga.. pa-BRF po ha?.. kung okay lang..πŸ™‚

3. jason - Setyembre 13, 2009

wahhh baka may sa maligno ang ga pinag shooshootan ..
nako..
deliakdo

baka may mga

incubus at succubus

wahh

pero kung ukha kang kimmydora, oy cute yun.
i huhug kitaπŸ˜€

Lenggai - Setyembre 14, 2009

Haha! Hindi ko gusto ang ugali ni ED sa personal, pero dahil magaling siyang umarte at gusto ko ang pagkaka-acting niya sa KD, puwede ko na ring tanggapin as compliment ‘yung sinabi mo.πŸ˜€

lio loco - Setyembre 15, 2009

masama ang ugali niya sa personal? hmmm…

di nga? eh natawa pa man din ako sa kimmy dora. haha!

4. jason - Setyembre 13, 2009

di kaya nahamugan lang po o
kaya naman namanas
okaya naman nahipan ng hangin?

Lenggai - Setyembre 14, 2009

…pero seryoso ‘yung nangyari sa producer, kakilala ko ‘yun eh. ‘Yung sa cameraman, well, may ganung nangyari na rin sa kakilala ng Lola ko.😦

5. watusiboy - Setyembre 13, 2009

nakakabell palsy rin daw yung naka steady yung electric fan. yun ba yung sinasabi nilang nahipan ng hangin? hehe.

ingat!

Lenggai - Setyembre 14, 2009

bwahah!!! ang literal!!!

6. Lenggai - Setyembre 14, 2009

@casualthots: ok!πŸ˜€

7. Akrebley - Setyembre 15, 2009

dapat may energy! mag enervon! joke! hehe.

mag vitamins ka para kayanin ng katawan mo. good luck sa paghanap sa iyong soul mate.

8. Lenggai - Setyembre 16, 2009

@ lio: oo, masama ugali niya. suplada.

@akrebley: salamat sa pagdaan, oo, good luck talaga!!! LOL!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: