jump to navigation

Media Man Nobyembre 25, 2009

Posted by Lenggai in Boo!, Kritiko/Panatiko.
trackback

Napakasarap maging miyembro ng media kapag ang kinokober mong istorya eh tungkol sa… pagkain.

Libre tikim na, libre recipe pa.

Napakasaya ring maging miyembro ng media kapag ikaw ang naa-assign na pumunta sa concert ng paborito mong banda.

Bukod sa libre ang jamming, may pahintulot ka pang kausapin sila sa backstage.

Aliw ding maging miyembro ng media kapag ang istorya mo… pasyalan.

Nakakagala ka na, nakakapag-photo op ka pa.

Suwerte talagang magtrabaho sa industriyang ito.


Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit marami ang “starstruck” sa mga taong napapabilang dito.

Kung minsan, kahit nga kaming mga nasa likod ng camera, naaanggihan ng “celebrity” status dahil lang sa media ID na nakasukbit sa amin.

Pero paano kapag ang istoryang inihain sa’yo eh kinakailangan mo pang dayuhin ng ilang oras sa bundok?

‘Yung tipong umuulan, tapos lahat ng dinadaanan mo eh maputik, mabato at pulos palusong?

Nanghihina ka na sa  gutom, pero kailangan mo pa ring lumakad, may oras kasi kayong hinahabol at kung iindahin mo ang pagod, masisira ang schedule ninyo.

Paano naman kapag ang iinterviewhin mo eh namatayan?

Kahit alam mong parang buwitre ang tingin ng mga nagluluksa sa mga tulad mong animo’y nagpipista sa kanilang pagdadalamhati, kailangan mong kutkutin ang kanilang sugat sa ngalan ng impormasyong ipapamahagi mo sa publiko.

Kapag hinihingi ng trabaho mong pumunta ka sa isang delikadong lugar… nang ang tanging sandata mo ay ang iyong media ID at camera… pupunta ka pa ba?

Napakadaling sabihin na miyembro ka ng media, pero kung may kasamahan ka sa industriya na ginahasa… binaril sa ari at pinatay nang walang kalaban-laban… tutulala ka lang ba?

Hindi mo sila personal na kakilala, pero pareho naman kayo ng tungkuling ginagampanan.

Ilang buwan na lang bago mag-eleksyon, pero nananatiling pipi’t bingi ang gobyerno sa hayagang pambabalahura ng mga angkang hari-harian — hindi lang sa batas ng tao, kungdi sa batas ng Diyos.

Ito nga ba ang tamang oras para magpasarap?

Magpakasaya?

O maaliw sa pagiging miyembro mo ng media?

Suwerte tayo dahil sa aspetong tayo ang may kaalaman at kakayahang mangalampag sa tulog na diwa ng lipunan.

At kapag naging maligamgam na ang balita tungkol sa masaker sa Maguindanao… kapag naubos na ang luha ng mga naulila… kapag naanod na ng ulan ang mga bakas ng dugong dumilig sa lupa… sana’y hindi mapaos ang boses nating humihingi ng hustisya.

Hustisya para sa mga napaslang at proteksyon para sa mga kabaro nating patuloy na lumalaban nang patas sa ngalan ng katotohanan.

 

 

 

Mga Puna»

1. aubu22 - Nobyembre 26, 2009

sana gumawa na nang hakbang ang gobyerno ukol sa naganap na karumaldumal na pagpatay, Res Ipsa Loquitur, anung ebidensya pa ang kailangan nila,😦

2. Lenggai - Nobyembre 27, 2009

pagpapahingahin lang naman nila si Mayor Ampatuan sa selda para matahimik na ‘yung mga nababad trip sa kanila, pero kapag lumamig na ang isyu, pustahan, wala namang magdudusa sa kanila.

3. moonchild117 - Disyembre 3, 2009

true that. actually, pinag-usapan namin ito ng mommy ko. pareho kami ng iniisip: either way, talo si GMA gumawa man siya ng hakbang o hindi. pag naipakulong niya si Ampatuan, kakanta sila about the election cheating. pag hindi naman, taumbayan ang kalaban niya. looking at her moves (kasama na ang pag-file ng COC), kapakanan lang niya ang iniisip niya. i bet she’s saying “to hell with the surveys.” with her machinery, maabswelto yan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: