jump to navigation

PB Hotline


Friendly po akong tao.

Bruha man daw ako sa trabaho… Sa totoong buhay, aliw na aliw po akong magbasa ng comment ng mga tumatambay sa blog ko.

Kung nais niyo pong maging BFF (Blog Friend Forever) ko, mag-comment lang kayo ng mag-comment. Most likely, bibisitahin ko rin naman ang blog ninyo, at kapag naaliw ako sa post ninyo, magco-comment din po ako.

Para naman sa mga nais makipag-BRF (Blog Roll Friend) sa akin, sabihin niyo lang din. Para at least makapagpasalamat man lang ako dahil napagtityagaan ninyo ang mga sinusulat ko.

Para sa mga nais makipag-penpal… Pasensya na po kasi hindi ako pumapatol sa blind dates. Malamang iyon ang dahilan kung bakit 28 taon na akong single.

Pero kung me nais po kayong i-share na pang-atin-atin lang, puwede niyo pa rin akong email sa aileenrae@gmail.com.

P.S. Hindi po ako pumapatol sa:

– Matatanda

– Humihingi ng pera

– Naghahanap ng tulong sa kamag-anak nilang may sakit: may trunkline po ang GMA para dyan, 982-7777 hanapin niyo na lang ang local ng Kapuso Foundation

– Gustong ipakulong yung Brgy. Captain nilang kurakot. Sa Imbestigador po iyon.

– Hate comments.

Kaya nga po may edit this entry ang bawat blog. Sakaling sukang-suka na kayo sa mga opinyon ko… Wala po akong magagawa. Blog ito.

It’s supposed to be opinionated.

Sige po. Salamat po.

Mga Puna»

1. kengkay - Nobyembre 30, 2007

nakiliti ako dito, ngayon ko lang sya nabasa, ahahaha, disclaimer ba ine๐Ÿ™‚

lol!!!

baka kasi me shumerpa na talipandas, mahirap na…๐Ÿ˜‰

2. icsx - Disyembre 1, 2007

kitlan mo na lang ng buhay. nyek nyek. palagay mo hindi ka naman pagbabawalan ng istasyon nyo sakaling malaman nila itong rebelasyon mo dito?

at anung ibig sabihin ng ka-sot, ma-upsot at nat-sot?
mahina lang ba tlga ang kukote ko or iba lang talaga ang lenggwaheng ginagamit mo?

as long as wala naman akong sisiraan at isisiwalat na confidential matters, safe ako, ice. marami ring bloggers from our network (gaya ni Kurokuro, ederic, jayme…) and so far, nandito pa rin sila sa blogosphere…๐Ÿ˜‰

ang ibig sabihin ng mga yun:

SOT- Sound On Tape (usually pag interview, ito yung bit o sagot ng case study or resource person. Ito yung “meat” kumbaga ng pagpapakilala mo sa isang tauhan sa kwento mo.)
NATSOT- Natural Sound On Tape (ito yung background sound, tunog ng mga motor sa kalye, sumisigaw sa kalye, etc. Sila yung nagbibigay ng “real” feeling sa story. Kung wala yon, kulang at parang “peke” yung dating ng kwento mo.)
UPSOT – Up Sound On Tape (ito yung mga panaka-nakang nagsasalita na hindi sinasadya, o di kaya pag ininterview mo ng hindi sit down, bigla silang dumadaldal, tapos ginagamit mo sa story mo yung sinabi nila… Madalas, ito rin yung nagbibigay “flavor” sa isang story dahil candid moment siya.)

ito ang teknikal na ibig sabihin nun… sa blog na ito, ginamit ko to para ma-group yung mga nasa blogroll ko…
๐Ÿ˜‰

3. koreanmine - Enero 1, 2008

sa kapuso ka pla๐Ÿ˜€


๐Ÿ˜€

4. barquera - Mayo 16, 2008

KAPUSO? hehehe;)
bisita ka naman sa aking blog sana magustuhan mo,,,

http://barquera.wordpress.com/

add na kita sa aking mga royalties kahit ayaw mo ๐Ÿ˜‰

cge. tamang-tama, break na ako (sa wakas!)… add din kita… at salamat!

5. miss write - Hulyo 14, 2008

naku mabuhay ang mga nbsb๐Ÿ™‚ ako 25 years nang single hahaha



uy bago ang link! hehe!

hay shet. ang hirap din kasi makakuha ng matinong lalaki sa panahon ngayon… ewan ko ba. ayoko namang mag-settle for less dahil sa biological clock natin…

6. A Z R A E L - Agosto 8, 2008

lenggai said: hay shet. ang hirap din kasi makakuha ng matinong lalaki sa panahon ngayonโ€ฆ

korek.. dahil ang mga matitinong lalaki ngayon may asawa na.. mga tipong parang ako ganun๐Ÿ˜ฆ



too bad, az… too bad…

7. lyzius - Agosto 15, 2009

hahaha…

kahit kelan tong si Az…

as ever mare, pasulyap sulyap pa rin ako dito…

Lenggai - Setyembre 10, 2009

maraming salamat lyzius, hindi pa rin kayo nakakalimot.๐Ÿ˜€

Jon Cabron - Setyembre 16, 2009

lols

8. antuken - Agosto 21, 2009

dati mantra ko na mas masaya maging single kse andami mo pwedeng gawin ng walang iniisip kung okei lang ba sa boypren mo. tas nakilala ko na nga ang mr. antuken ko. hindi inaasahan, nagkagustuhan kami, nagbolahan ng ilang taon, ginawang permanente ang lahat. at ngayon, hinahanap ko pa rin kung ano nga ba nagustuhan ko sa kanya. hahaha. maraming adjustments. after being single for, i think 29 years and never thinking of anyone else, nahirapan ako ng laging nagpapaalam kung may pupuntahang gimik. pero masarap umuwi sa gabi na may uuwian kang makatabi mo sa pagtulog. makakasama mo sa pag-abot mo ng mga pangarap mo. hehehe.

enjoy your single blessedness. darating din ang tamang lalaki para sayo. at the most unexpected time.

Lenggai - Setyembre 10, 2009

maraming salamat, chona! ang siste, napakakupad namang maglakbay ng lalaking ‘yun, kinakaong-kaong na ako eh wala pa!!!

joke.

9. moonchild117 - Setyembre 1, 2009

wordpress na ulet? babaguhin ko na yung link ko sa yo? sabihin mo lang.๐Ÿ˜€

Lenggai - Setyembre 10, 2009

yez dompy. wp na ulit ako. wala nang pera eh. hehe.

10. Nikko - Setyembre 11, 2009

hahahha…
gusto ko un oh!
ung mga nasa itaas..
nakakaaliw basahin…๐Ÿ˜‰

add po kita sa list ko..๐Ÿ™‚

11. aubu22 - Oktubre 2, 2009

ang kulit, hehe๐Ÿ™‚


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: