jump to navigation

“Bwahah!” Setyembre 18, 2009

Posted by Lenggai in Bloggables.
trackback

May isa akong kakilala na nag-shoutout sa Facebook: pagod na pagod na raw siya sa kanyang assignment sa Filipino. Bakit daw kailangan pang karirin ‘yung subject na ‘yun eh hindi naman daw ‘yun kelangan sa tunay na buhay?

Sinagot ko siya:

Korek.

mas marami ka pang matututunan kung mambababae ka’t makakabuntis. Kasi maghihirap at magsisisi ka sa bandang huli, tapos isang araw, maiisipan mong magpakamatay dahil sa sobrang depression, pero hindi mo itutuloy kasi mauunawaan ka ng parents mo, tapos pagtanda mo, magigising ka sa katotohanang hindi mo mahal ang asawa mo, na sana hindi ka naging mapusok, na sana ginamit mo ang utak mo, tapos may mamahalin kang iba, pero hindi mo puwedeng iwan ‘yung pamilya mo kasi ayaw mong kamuhian ka ng anak mo… and then you’ll realize na sana… sana hanggang sa pagpasa sa subject na filipino na lang ang problema mo sa buhay.

Kung ikukumpara mo ‘yung sitwasyon sa isang baklang komedyante na nagbato ng punchline sa ere, lumipas ang sampung segundo’y wala kang ibang narinig kungdi katahimikan.

Napailing na lang ako’t napapalatak sa sarili ko.

Ahh. Kung bakit kasi sa ganitong pagkakataon, nakikipagsabayan sa utak ko ang mga daliri ko? Hindi naman nito kayang buksan ‘yung isipan ng mga nais maghimay sa bawat hibla ng salitang tinitipa ko.

Sabi nga nung pari sa misa noong linggo — may dalawang pinakamalungkot na salita sa buhay ng tao: Sana at Sayang.

Use it in a sentence: Sana nagsulat na lang ako ng something stupid and generic… like “Bwahah!”. Sayang hindi ko na puwedeng burahin ‘yung tinayp ko.

Me punto ako sa kakilala ko, hindi kalaliman at lalong hindi subject to interpretation: Matulog ka na nga. Ke pogi-pogi mo, tatagyawatin ka lang sa stress. Grade lang ‘yan, ‘wag kang emo.

Pero dahil isa lamang alikabok sa napakalawak na mundo ng net ang opinyon ko, wala akong kontrol sa iisipin, sasabihin o ipagsasabi ng iba pang makakabasa nun.

Oo na.

Masama akong tao.

Mga Puna»

1. shoegirl - Setyembre 24, 2009

sinulat mo talaga yun? weh! sa facebook? haha, saludo ako sa kabaliwan – at malikahaing imahinasyon – mo. natameme nga tiyak yung bata.šŸ˜‰

2. moonchild117 - Setyembre 24, 2009

dahil kilala kita, hindi ko sasabihing masama kang tao. you just speak your mind. at wag ka mag-alala, hindi lang ikaw ang nakakalimot maglagay ng filter mula sa brain patungo sa ibang parte ng katawan.šŸ˜›


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: