Kambyo Oktubre 15, 2009
Posted by Lenggai in Bloggables.trackback
Maihahalintulad ko ang dalawang taon ko bilang si Pinay Blogkaster sa driving lessons.
Ilang linggo na rin kasi akong nagmamaneho.
Pero hanggang ngayon, mabagal pa rin akong lumiko sa mga kurbada. Hindi pa rin ako magaling magmani-obra.
Ang sabi ng tatay ko, masyado ko raw pinipinahan ‘yung mga gilid. Ke bagu-bago kong drayber eh hindi ako marunong gumitna.
Ilang beses na rin ako muntikang mabangga. Ang tagal ko raw kasing tumingin sa isang side ng kalsada, dapat sulyap lang para makita ko rin kung me paparating sa kabila.
Lagi rin akong pinapagalitan dahil madali raw akong mataranta sa pagdukot ng manibela.
Ewan ko nga ba kung bakit kahit paulit-ulit ko siyang pina-praktis — kapag naliligo, kapag kumakain, kapag nagbibihis — pagdating sa actual, nagbubuhul-buhol pa rin ‘yung kamay ko.
May mga pagkakataon na bumibigat ang tapak ko sa gas.
Impressive — sa una — pero bilin ni Papa, bagong drayber lang ako, ‘wag ko raw madaliin ang pagmamaneho. Marami ang nadidisgrasya’t namamatay dahil sa angas.
Maraming beses na rin na nakakasingit ako, nakakapag-overtake.
Alam kong deep inside, natutuwa si Papa sa aking kapangahasan, pero lagi pa rin niyang pinapaalala na dapat, marunong akong gumamit nung signal light. Basic rule ang road courtesy.
Dapat alam ng ibang driver ‘yung diskarte mo sa daan, kung hindi, mababangga ka.
Kapag gusto mong mauna sa daan, mas mainam din daw gumamit ng signal light kesa busina.
Minsan kasi, mas napapansin ‘yung ilaw kesa sa tunog nung busina, lalo’t kapag malakas ang sounds ng makakasalubong mo.
Huwag din basta-basta pumepreno. Lalo na kapag nasa EDSA. Puwede kang mabangga ng nasa likuran mo.
Kung nagigipit ka, gaanan mo lang ang tapak sa gas. Pasasaan ba’t makakarating ka rin sa iyong paroroonan.
Presence of mind and focus ang ilan sa mga mahahalagang baon mo sa daan, hindi porke sanay ka nang magmaneho sa diretso, astig ka na.
Maraming mas magaling at matagal nang magmaneho kesa sa’yo at hindi lahat ng laman ng highway, maiintindihan ka.
Sabi nga ni Papa: “Maraming sira ulo sa kalsada, huwag ka nang dumagdag.”
galing ng mentor mo..
“Maraming sira ulo sa kalsada, huwag ka nang dumagdag.”
AMEN
da best yun. naninigaw nga lang, hehe!
oi beng, nagbabasa ka rin ng blog ko? magkuwentuhan naman tayo!!!
Hmm…pag-iisipan ko muna ang sasabihin ko….ah I got nothing! masyado nang sabog ang utak ko sa kasusulat sa blog ko at sa kababasa ng maraming blog. pero…hmm
Mag-iingat ka yan, yan ang gusto kong sabihin 🙂
Dalasan mo na rin ang pagsakay sa pangpasaherong sasakyan.
salamat sa pagdaan, wildcat, nagco-commute pa rin naman ako, di naman kami mayaman, lol!
Amen to your papsee.
amen back!
wow, yan ang gusto kong matutunan ang mag-drive.. woohoo..
ganun talaga.
may naalala tuloy ako.
Lalaki naman siya, kabado rin magmaneho, kasi bata pa.. hay….
matanda na ako, pero kabado pa rin, hehe! pag magaling na akong mag-back park, then i’m done!
Tama yung payo sayo…
Minsan kasi kahit pa gaano ka kagaling mag maneho, may mga gago talagang driver na akala mo pag aari nila ang kalsada. dapat mahaba rin ang pasensya mo…
oh, and before i forget, salamat sa pagdaan!
yep, at mahirap “maka-disgrasya”, you know what i mean.