jump to navigation

Ang Masagwang Katotohanan Oktubre 19, 2009

Posted by Lenggai in Uncategorized.
6 comments

Nanood ako ng “The Ugly Truth” kasama ang pinakapaborito kong guy friend.

GUY — dahil sa totoo lang— karamihan sa mga kaibigan ko, GAY (‘Yung iba naman, ugaling bakla, so, hindi na ‘yun counted).

Pagkatapos naming manood, may na-realize ako.

(more…)

Hello… Agosto 19, 2009

Posted by Lenggai in Uncategorized.
9 comments

Tinatamad akong magsulat.

Hindi ko alam kung bakit, pero alam niyo ‘yung pakiramdam na “The spirit is willing, but the flesh is so tamad?”

Ayun. At naka-break ako.

Magdadalawang linggo na. Nandito kasi sa Pinas ang mga kamag-anak ko from Norway. Siyempre, minsan lang naman sa tatlong taon sila bumibisita sa amin.

Kaso, malapit nang matapos ang maliligayang araw ko dahil babalik na ulit ako sa opisina by Monday.

Ayoko pang mag-trabaho, pero kapag umalis na ang mga kamag-anak ko, ano na lang ang mangyayari sa akin?

Yep. Ang dami kong na-realize ngayong bakasyon, at ang dami kong gustong gawin.

Ayoko siyang gawin next year. By that time, 29 na ako.

Putek.

Putek talaga.

P.S. Hulyo 23, 2009

Posted by Lenggai in Uncategorized.
20 comments

Pipol, maikli lang ‘to…

Sakaling me nakapansin… mag-iisang taon na akong may dotcom.

May nangyari ba?

Wala.

Yumaman ba naman ako tulad ng inaasahan ko?

Hinde.

Sumikat?

Hindi rin.

Na-promote? Tumaas ang suweldo? Nagka-boypren? Naging crush ng bayan? Na-inlab? Kuminis? Bumata? Pumuti? Pumayat? Lumiit ang tiyan?

(more…)